What's new

Closed Lamay #2 (three-part horror story)

Status
Not open for further replies.

the_flash

Forum Expert
Joined
Oct 15, 2017
Posts
8,379
Solutions
1
Reaction
15,684
Points
3,304
Lamay #2

  • Note: Kpag nakakita kayo ng ------------, ibig sabihin nun ay si Bunso ang nagsasalita. At kapag nakita niyo naman ang =================, si Ate naman ang nagsasalita. (POV)
  • May contain strong languages (censored naman po)
  • maikling update lang po ito
------------------
Ang Nakaraan:
"ay p**a, anong ginagawa ninyong dalawa?" saad ni lola habang naka-ngangang nakatingin saaming dalawa ni ate.
-------------------------
Nagulantang kami ni ate sa pangyayaring iyon, para namang nahulog ang aking puso sa sobrang gulat nung nalaman kong bumukas ang pintuan nang kuwarto at sumigaw si lola. Still puzzled parin ako kung paano nabuksan iyon ni lola at kung papaano siya nakapasok..... Ay wait, oo nga pala ano? siya lang naman pala ang may ari nitong bahay na ito ay malamang sa malamang ay may duplicate key yaang si lola. patay talaga! Eto yung mga pagkakataong gusto mo nalang mawala dito sa mundong ibabaw o kaya mag-disappear nalang nang pparang bubbles. Kung bakit pa kasi may mahinang pag-ungol si ate habang hinahalikan ko-- habang naghahalikan kaming dalwa e, ayan tuloy narinig yata ni lola. Kung narinig nga niya, napakalakas naman yata nang pandinig ni lol kung gayon.

At sa mga pagkakataong ganito, feeling ko parehas na kaming kamatis ni ate sa sobrang kahihiyan.

"Nyaaaah! Lumayas kayo dito sa pamamahay ko, kayong mga damuho kayo! mga walang hiya, kung ano ano pang kababalaghan ang ginagawa ninyo, na, layaaas!" at talagang seryoso si lola at nakakatakot. Nakakatakot dahil nanlilisik ang kanyang mga mata, matatalas ang titig niya saamin! Oo nga pala, nakalimutan ko nga palang naka-******* pa rin ako, nakakahiya, nakita niya tuloy ang katawan ko... Tae, anu ba? Wala akong maipakitang abs kay ate at lola dahil... dahil wala naman akong abs. Pero anyways, tama na, bakit ko nga pala pino-problema na wala akong abs? may mas malaking problema pa pala kami ni ate ngayon. Kaylangan na namin dalawang umalis ito as soon as possible..

Pero imposible. Hindi. Hindi ito maaari. Bakit ganito ang nangyayari? Namatay agad ang ilaw pero bumukas ulit, at sa pagbukas nang ilaw, wala na lahat, wala na ang kabaong at ang patay, wal na rin ang mga nag-iinuman at nagtotongits sa may labas ng bahay, wala na, wala nang ibang tao bukod saakin, at kay ate...... At-- At kay lola?

Nasa likod namin si lola at kita namin mahaba na ang kayang mga kuko na kanina ay hindi naman; may cutics na black na ang kamay ni lola (ang taray lang ha!) at naging magulo na ang kanyang buhok at kapansin-pansin rin ang pagiging ma-oily ng kanyang mukha. Nakakatakot na siya! Teka! oo, tama, bangungot lang ito. kinurot ko ang aking braso upang malaman ang totoo, at aray! totoo nga, hindi ako nananaginnip o binabangungot. Papalapit na si lola at lalo ring napahigpit ang hawak ni ate sa asking kamay. Tumakbo ako papuntang lamesa at sakto naman at may mahabang kutsilyo akong nakita sa may lamesa. Kinuha ko ito nang madalian at binulungan si ate.
"Dito ka lang ate. Kahit anong mangyari wag na wag na wag kang aalis dito ha!?" Di ko alam, di ko alam kung anong gagawin ko.

dapat ko bang saksakin si lola? papalapit na siya, binuka niya ang kanyang bibig at lumabas ang kanyang mahabang dila na may hiwa sa dalawa, gaya nang dila ng ahas at kadiri, tumutulo p aang malagkit-lagkit niyang laway. Nakakatakot talaga dahil malaki rin ang pagkakabuka nang kanyang bibig.
Dapat ko na ba siyang saksakin? at ano? Pagkatapos ko bang masaksak si lola ay mattapos na ba ang lahat nang ito? at kapag natapos ba ito ay paano na ako, at paano na si ate kung makukulong ako dahil sa pagsaksak ko kay lola. kung hindi ko naman siya papatayin, baka naman kapi pa ang mapatay nitong si lola. tama talaga ang kutob ko at tama rin ako sa unang impresyon ko dito kay lola nung una ko siyang makita dito sa bahay, mukhang pumapatay nang tao-- mata pa lang kasi para ka nang pinapatay. Basta!

Tumakbo nalang ako sa direksyon ni lola, bago ko pa siya masaksak ay pumikit muna ako at huminga ng malalim. Pero lumipas ang ilang segundo ay naramdaman kong may malakas ng ihip nang hangin ang humampas sa aking katawan at ramdam ko ring parang wala naman akong nasaksak, iminulat ko ang aking mata upang tingnan kung anong nangyayari nang magulat ako dahil nakita ko si lola na unti-unting naglalaho nang parang usok. Literal na usok. Bago pa man siya mawala nang tuluyan ay sumigaw pa siya. Sumigaw ng malakas.
Ang isinigaw niya ay "Amen."
Tang--- Nakakatakot talaga pero para akong nabunutan ng cactus sa aking ****** at sa aking lalamunan, nakahinga na ako ng maluwag. Nilingon ko si ate sa may likuran ko nang makita ko siyang nakahandusay sa sahig. Si ate, si ate.

"Ate?" yun nalang ang tanging nasambit ko dahil sa sobrang shock.
At potekk lang, kung kailan ganito, saka ako hindi maka-galaw. Feeling ko nakapako ang aking mga paa dito sa sahig. at sa bawat pag-attempt kong gumalaw ay para may pumipigil saakin, nararamdaman kong parang bumibigat lalo ang aking ******, nahihirapan akong huminga at todo-todo sa pagtulo ang aking mga pawis, nakatitig lang ako kay ate nang na-realized kong unti unti na siya tumatayo at lumalakad papalayo saakin. sinundan ko lang siya ng tingin, biglaan naman siyang huminto at dahan dahang tumingin saakin, kitang kita kong naka-ngiti siya saakin sa pagngiti niyang yun ay nakakatakot, matatalas na ang kanyang mga ngipin na animo'y parang ngipin nang mga piranha. Wala akong magawa kundi ang matakot at matakot lamang, at literal ding wala akong magawa dahil hindi talaga ako makagalaw anumang subok ko, mas lalo lang bumibigat ang aking ****** kapag sinusubukan kong gumalaw. At papalapit na siya saakin.

"Wa. Wag, Ate!"

=======================================

"Wa. Wag, Ate!"

Nagising nalang ako at napamulat habang narinig kong may sumisigaw. pagmulat ng mata ko, malabo pa ang aking paningin pero alam kong kay bunsoy yung boses na iyon.
Nasaan nga ba ako? I mean, kami ni bunso? bakit kami nandirito sa may puting silid? Ang last ko lang kasing naaalala ay iniwan ako ni bunso sa may lamesa dahil sasaksakin niya yata si lola dahil ewan ko, naguguluhan pa ako nung mga oras na iyon, naguguluhn sa pangyayari at natatakot kay lola. Sunod ko ring naalala ay may nagtakip saaking bibig at saka na pinagsasasakal ng hindi ko kilalang istranghero. At hanggan duon lang ang aking namememorya. Hanggang dun lang ang naaalala kong last na pangyayari.
At ngayon ay nakahiga ako sa isang napakalmbot na higaan. Paglingon ko, sa kabilang higaan naman ay nandoroon si bunso. Kita kong bumubula ang bibig niya at nanginginig ba siya? o nangingisay? Ewan, tatayo na sana ako pero biglang may pumasok na babae sa kuwarto kaya napatingin ako sakanya. Maganda siya, nakalugay ang buhok niyang abot hanggang baywang. Medyo may katangkaran rin itong babaing ito, tinalo ang kagandahan ko. Pwedeng pwede na nga siyang rumampa para sa Victoria's Secret Fashion Show e. May hawak siyang tray na puro Syringe. Pinabayaan ko na siya, wala akong paki sakanya, baka isa siya sa nurse dito, kaya nilapitan ko na si bunso. Pero Awwww, nakalimutan ko nga palang may kung anu-anong nakakabit sa aking kamay, which is masakit dahil nahugot na pala ito sa aking kamay. S**t, ang sakit. Bigla namang may tumusok saaking batok.


Puti. kulay puti ang aking nakita bago ko ipinikit ang aking mga mata.
Wala. Wala akong kahit na anong maaramdaman after kong maipikit ang aking mga mata.
Matining. Tanging matining na ingay lang ang aking naririnig nang tuluyan ko nang naipikit ang aking mga mata.
Oo, nakaririnig pa rin ako kahit naipikit ko na ang aking mata kahit na wala akong kahit anong maramdaman.
Pero, pero hindi ako makagalaw.

Itutuloy...

Visit my other threads;

-
Working and Alive remote proxies (rp)
-
working ehi,ktr and hpi, sun tu50 and up ssl
-
free iflix account for one month
-
need ko po ng help/testers for my thesis app
-
impromptu date (short story)
-
lamay (horror story)

-
-
-
-
-
-
kahit likes lang po mga lodi, masters, petmalu oks na po.
and follow me for upcoming updates, at para manotified ka if may post ako
-
-
-
-


 
Last edited:
Status
Not open for further replies.
Back
Top