What's new

Poems Labing Dalawang Pahina

Professora Akira

☯️ SôulNinetãiL☯️
Contributor
Joined
Oct 13, 2017
Posts
25,996
Solutions
6
Reaction
66,543
Points
16,663



Sa unang pahina,
pagtatagpo natin nagsisimula
dito unang nagkakilala tayo,
at tila nabuo ang isang kwento,

Pangalawa,
napakahalaga ang bawat oras at minuto na
nilaan lamang sayo,
di natitinag ang mga tukso at panunuyo,

Ikatlo,
Napalapit na ng husto,
at sinabi mong namimiss mo na ako,
inamin na din ang totoong pakay mo,
yan ang unang pag amin ,na
dulot ay saya sa akin,

Ikaapat,
parang may nananaig na alinlangan
at kaba,baka katulad ka din nila,
pero patuloy pa din na umaasa,
na ang damdamin natin ay magtugma,
nagkatotoo nga ang aking hinala


Ikalima,
Hayaan na ang tadhana,kung saan tayo sa dadalhin,
at hayaan na ang iba kung ano ang iisipin,
aaminin ko man
sayo'y napamahal na din,
bago mo pa sinabi sa akin ikay may pagtingin


Ikaanim,
Mga pinagdadaanang lungkot at saya,
mga panahong sinusubok tayo,
andyan ka parati sa tabi ko,


Pangpito,
Ngunit sa isang iglap lahat ay nagbago,
nag iba na bigla ang iyong pakikitungo,
parang unti unting nanlamig
ang dating pusong kinakabig,


Pangwalo,
Lahat ay naglaho at mahirap na ayusin
kaya napagpasyahan na lang na
ang ugnayan ay tapusin,
ang dating tagpuan
pilit lilisanin,


Pangsiyam,.
Toto palang habang papalapit na sa dulo,
nakakadama na ng pagod ang bawat puso,
kailangan na lang magparaya,
para manumbalik ang dating saya,


Pangsampo,
At duon ikaw lumisan na,
tinapos na ,
at iniwan mong mag isa

Pang labing-isa
Lahat ng nasimulan ngayon ay tinuldukan,
mga ala ala na lang ang naiwan,
ala alang minsan nagdulot ng kasiyahan,
sa pusong ngayon ay sugatan,


at panghuli,
nagtagpo ulit tayo,
masaya kana ,masaya na din ako,
mga nakalipas ay nabaon na sa limot
at isa na lang ala ala ng mga kahapon,
mga kahapon na di na pweding maibalik.








❤️~Professora Akira~❤️









 
Lunes nang tayo'y magkakilala
Martes nang tayo'y muling nagkita
Miyerkules, nagtapat ka ng 'yong pag-ibig

Huwebes ay inibig din kita
Biyernes ay puno ng pagmamahalan
Mga puso natin ay sadyang nag-aawitan

Sabado, tayo'y biglang nagkatampuhan
At pagsapit ng Linggo, giliw, ako'y iyong iniwan

Oh, kay bilis ng iyong pagdating
Pag-alis mo'y sadyang kay bilis din
Natulog akong ikaw ang kapiling
Ngunit wala ka nang ako'y gumising

Oh, kay bilis ng iyong pagdating
Pag-alis mo'y sadyang kay bilis din
Ang pagsinta mo na sadyang kay sarap
Sa isang iglap lang, nawala ring lahat
 
Lunes nang tayo'y magkakilala
Martes nang tayo'y muling nagkita
Miyerkules, nagtapat ka ng 'yong pag-ibig

Huwebes ay inibig din kita
Biyernes ay puno ng pagmamahalan
Mga puso natin ay sadyang nag-aawitan

Sabado, tayo'y biglang nagkatampuhan
At pagsapit ng Linggo, giliw, ako'y iyong iniwan

Oh, kay bilis ng iyong pagdating
Pag-alis mo'y sadyang kay bilis din
Natulog akong ikaw ang kapiling
Ngunit wala ka nang ako'y gumising

Oh, kay bilis ng iyong pagdating
Pag-alis mo'y sadyang kay bilis din
Ang pagsinta mo na sadyang kay sarap
Sa isang iglap lang, nawala ring lahat
hahaha, yun din naiisip ko😂
Isang linggong pag-ibig pero 12 pages🤣
 

About this Thread

  • 23
    Replies
  • 1K
    Views
  • 7
    Participants
Last reply from:
NOUGHT

Online statistics

Members online
474
Guests online
5,450
Total visitors
5,924
Back
Top