What's new

Kung sino ang mas in love siya ang talo

8inchhotdog

Forum Guru
Elite
Joined
Sep 3, 2021
Posts
3,214
Solutions
3
Reaction
1,784
Points
1,271
Heto napapansin ko sa mga taong in a relationship pati na rin sa sarili ko. Kung sino ang mas in love siya ang talo. Kung mas in love ka lagi ka naka-focus sa kanya, lagi mo siyang iniisip, lagi ikaw ang nagbibigay or nag-iinvest ng time, money,effort, gifts, etc. At dahil dun mas nagiging kampante ang partner mo. Kapag naging kampante ang partner mo eh instead na i-reciprocate ang pagmamahal na binibigay mo sa kanya, kabaligtaran ang ginagawa niya. Di ba akala natin mata-touch sila dahil sa sobrang pagmamahal na binibigay mo? Maling akala lang un. Ang mangyayari ay mauumay sila, masasakal at mafallout. Ang kahahantungan ay manlalamig sila, yun tamad na rin kausapin ka at baka maghanap na rin yan ng iba. Kaya kung nararamdaman mo na ikaw ang mas in love sa inyong dalawa eh dapat mo gawin mag-focus ka sa sarili mo, pagwapo ka or paganda, focus sa trabaho, hobbies, basta maghanap ka ng pagkakaabalahan. Hindi un nakatuon lang ang attention mo sa partner mo. Masisira ang buhay mo nyan. Tingnan mo pag nag-focus ka sa sarili mo ikaw ang hahabol habolin ng partner mo. Ang advice na ito ay para rin sa sarili ko dahil may point na humantong ako sa ganyan at sobra akong nasaktan.
 
wtf sapol ako dun ahhh

ganitong ganito nangyayari sakin ngaun

ang hirap talaga pag ikaw ung mas nagmamahal...minsan nga naisip ko cguro ginagamit lang ako ng partner ko hahahau

ung jowa ko hinde ko alam kung mahal ba ako o hinde hahahah...feeling mayaman hinde marunong maka appreciate ,maarte tas gusto nya isusubo nlng mga bagay bagay s sa kanya...tas nangako pa kami sa isat isa na magiipon kami magtutulungan kami para makapagpagabroad at makapagpatau ng sarileng bahay...e putangina hinde ko mgawa kasi mismo sya ayaw nya ako tulungan masnauuna pa kaartihan kesa sa diskarte gusto nya kasi kung ano gustuhin nya makuha nya agad...akala sya cguro pinupulot lang ang pera hahaha..pero hinde ko naman masabi un sa kanya kasi baka sabihin naman isinusumbat ko sa kanya mga binigbigay ko hahaha ....hinde naman ganun ang pagkakakilala ko sya...ang pagkakakilala ko sa kanya nung una e masasabi mo talaga sya na ung ideal girl mo pero hinde pala...hinde ko naman sya maiwan..ung tipong kahit gusto na ng isip mo na iwan na sya hinde mo magawa kasi mahal mo pa...hays ang hirap...kaya ako minsan nawawalan na ako ng gana kumilos sa mg bagay bagay..ung nga pangarap ko unti unti na naglalaho dahil sa kanya....naghihintay nalng ako na mawala na ung amor ko kanya kung hinde sya magbabago
 
Last edited:
Tama ka. Love yourself ika nga. Love yourself. Kaya bago ka raw magmahal sa iba , you have to love yourself first pero kapag hindi mo raw kaya mahalin ang self , huwag ka lang muna daw magmahal sa iba. Parang anime lang iyan. Horror anime na napanood ko. Namatay ang babae dahil sobrang crush niya ang lalake. Yun lang. Meron curse kase. Meron dumadaan na lalakeng ghost sa mismong lugar and everytime na me meet ng babae iyon na meron crush sa ibang lalake , ang sinasabi ng ghost na lalake sa babae na nakaka meet nito na ang babae daw iyon at ang crush niya ay magkakatuluyan. Ayun na yung curse. Kahit hindi siya pinapansin ng crush niya ay yung babae , nagiging obsessed hanggang mamatay. Walang kain. Walang ligo. Magkakasakit. Hanggang mamatay. Pagkatapos maraming babae na namatay sa lugar na iyon dahil lang na meet nila ang ghost na lalake na dumadaan sa lugar nila. Parang ganyan. Maaari natin ikamatay as in. Too much LOVE will kill you.​
 
Kapag nag mamahal ka kasi mahirap controlin yan na di ka mapa sobra sa efforts pagmamahal sa isang tao masasabi mo lang na dapat limitado lang ang pagmamahal at effort na ibibigay mo sa partner mo kung di kapa nag mamahal pero once na nandun ka sa sitwasyon na nagmamahal ka hindi mo mapapansin na sumusobra kana pala. kapag nagmamahal ka lahat ng imposoble gusto mong maging posible.

Importante rin kasi na dapat di lang sa kanya umiikot ang mundo mo dapat meron ka ring sariling mundo yung tipong may ginagawa ka rin para sa sarili mo kasi kapag lahat ibunuhos mo lang ang buhay mo sa isang tao at mawala yan masisira ka talaga

Tandaan nyo na naka dipende parin sa klase ng tao na pag aalayan nyo ng effort at pagmamahal sumobra ka man o magkulang kung ang tao kuntento sayo mananatili yan sayo
 Ano man mangyari
 
May Tama sila ts. nakadepende Yan Kung pareho nyo talaga mahal ang isat Isa. walang sobra o kulang kasi give and take dapat. Walang talo o panalo Kung parehong nagmamahaln ng totoo.. Masasabi mo lang na talo ang sobrang nagmamahal Kung di karapat dapat ang minamahal nya o hind sya talaga mahal nito. Tama nga namn mahirap kontrolin pag tunay na nagmamahal ka, hindi mo na maiisip Kung sobra na ba ginagawa mo. kasi ang nasa isip mo lng is mahal mo sya at gagawin mo lahat Para sa kanya. Mas okay siguro Kung mahalin mo ng tunay at Kung di mapipigilan mapasobra, magtira ka Para sa sarili mo. Kung kontrolado mo naman ade guds👍
 
May tinatawag tayong incompatible at compatible sa isang relasyon nasasayo kung paano mo e hahandle
lahat ng bagay mayron talagang inbalance at may nababago at nag babago
 
may point ka TS, kaya minsan hindi ko binibigay lahat. ngtitira ako sa self ko. ng aadvance na ako mg isip kung pano mas magiging stable ang relationship namin. walang umay, walang fall out of love. need to spice some things. i need to plan ahead. hindi pa ako ready for total commitment(marriage) pero as of now, sya nakikita ko as my wife.
 
parang yung syota ko ngayon, mas inlove saken. imagine nakipaghiwalay na yun saken tas after 2 days lang bumalik rin agad. minura ko na binastos ko na, lahat na ginawa ko para lang hiwalayan ako but still andito pa rin sya. maghintay lang daw ako at aalis rin sya and hindi na babalik. kagaya ngayon magkaaway na naman kame. sana nga magsawa na to saken para umalis na talaga. saken rin kase problema. tsk!
 

Similar threads

Back
Top