Mind Palace
Eternal Poster
- Joined
- Sep 11, 2020
- Posts
- 1,135
- Reaction
- 327
- Points
- 310
Good day!
Gusto ko lang malaman ang opinyon ng mga atheist member ng phcorner sa mga tanong sa ibaba. Hindi ko intensiyon na makipagdiskusyon o salungatin ang inyong pananaw sa buhay. Nirerespeto ko kayo sa totoo lang. Alam ko naman din, na bawat isa naman sa atin ay may kalayaan na gawin kung ano ang sa tingin natin ay makakabuti para sa atin. Pero ako ay nag-iisip isip lamang din hinggil sa kung ano talaga ang inyong pananaw at paniniwala. Ako ay naniniwala sa Diyos at kumbinsidong umiiral Siya. Gayunman, marami pa ding mga tao ang hindi naniniwala sa Diyos. Kaya, para sa mga Atheist na narito sa sulok na ito ng Pilipinas (phcorner nga eh hahaha) Nais ko lamang itanong:
• Bakit ka naging Atheist?
• Kung may tanong ka about sa, kung totoo nga na nag-eexist ang Diyos [bagaman hindi kayo naniniwala], anu-ano ang mga iyon?
• May kinalaman sa relihiyon, ano ang pananaw ninyo hinggil dito?
• Kung ikaw, bagaman itinuturing ang iyong sarili bilang Atheist, pero sa paanuman, ay may paniniwala pa din or kahit papaano ay may kaunting paniniwala sa Diyos, ano sa iyong palagay ang dapat na nakakakumbinsing dahilan na talaga ngang nag-eexist ang isang Diyos?
Lahat ng inyong magiging sagot ay lubos kong nirerespeto. Kaya ako nagbangon ng ganiyang mga tanong ay upang malaman ang inyong pananaw.
Totoo, ako ay naniniwala sa Diyos at gustung-gusto kong ipagtanggol Siya at ang pangalan niya na isinalin sa makabagong paraan bilang "Jehova", sa paanuman, ay ninanais kong gumawa ng mga artikulo [or thread] dito sa phcorner upang sagutin ang inyong magiging mga tanong.
Sana, kung paanong nirerespeto ko ang inyong pananaw ay respetuhin din ninyo ang aking paniniwala. Same din, para sa mga may ibang religion dito.
Para sa ibang religious members dito, pakisuyo, huwag ninyong husgahan ang mga Ateista na narito sa forum na ito, na dahil lang sa hindi nila paniniwala sa Diyos, ay magsasabi na kayo ng kung anu-ano tungkol sa kanila.
Respect each others opinion and beliefs. Bawat isa sa atin ay may kalayaang pumili kung anong landasin, paniniwala, at pananaw ang gusto nating piliin.
Maraming salamat sa inyo!