What's new

Kayamanang naglaan ng pagtakas

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,579
Reaction
7,229
Points
2,575
Isang araw na puno ng pait, isang araw na puno ng galit at maling akala na para bang sa lalamunan ay nagdudulot ng bara.. sa abot ng makakaya sinisikap hanapin ang kayamanan na gaya ng pinaka mainam na bunga para sa pusong di makapagpasya.. kay tagal itong hinanap na parang pagsisid sa dagat.. ngunit ang kinalalagyan ay katumbas ng isda sa lambat.. sa pagpupursiging makalaya sa pamamagitan ng sarili.. hindi ito nagtagumpay at nagmistulang isdang sadyang hinuli.. ngunit ang pagasa ay nananatili.. sa anumang dahilan ang paraan ay madali lang pala masumpungan at nagdulot ng kaligayahang pinasidhi parang bituin sa ating mga ngiti.. Itoy nagsilbing parang sibat na kayang magpalaya kahit pa sa pinakamatibay na lambat.. sa paglaya ay taglay ang kayamanang ibinigay sa mga tapat.. dati na pala itong ibinigay sadyang nabulag lamang ng mga di tapat.. ngunit lahat ng itoy sapat.. ngyong taglay ang kayamanang ibinigay..
Sa puso at budhi ay di ito maihihiwalay.. sa lahat ng panahon itoy nagsilbing gabay hanggang sa dulo ng mga araw at kahit pa mabuhay na ang mga patay.. nakakalulungkot lamang.. ang turing ng iba ay walang kabuluhang bagay na sa buong laman nila ay nakabakas
Pero ito ay totoo.. totoong kayamanang naglaan ng pagtakas
—Anonymous
 

Similar threads

Back
Top