What's new

Poems Kamay ng Birhen by Jose Corazon de Jesus

Vince0527

Honorary Poster
Joined
May 31, 2020
Posts
184
Reaction
64
Points
129
"Mapuputing kamay, malasutla't lambot,
Kung hinahawi mo itong aking buhok,
Ang lahat ng aking dalita sa loob
Ay nalilimot ko nang lubos na lubos.

At parang bulakak na nangakabuka
Ang iyong daliring talulot ng ganda,
Kung nasasalat ko, O butihing sinta,
Parang ang bulakiak kahalikan ko na.

Kamay na mabait, may bulak sa lambot,
May puyo sa gitna paglikom sa loob;
Magagandang kamay na parang may gamut,
Isang daang sugat nabura sa haplos.

Parang mga ibong maputi't mabait
Na nakakatulog sa tapat ng ******;
Ito'y bumubuka sa isa kong halik
At sa aking pisngi at napakatamis

Ang sabi sa k'wento, ang kamay ng birhen
Ay napababait ang kahit salarin;
Ako ay masama, nang ikaw'y giliwin,
Ay nagpakababait nang iyong haplusin."
 

About this Thread

  • 0
    Replies
  • 490
    Views
  • 1
    Participants
Last reply from:
Vince0527

Online statistics

Members online
1,211
Guests online
3,760
Total visitors
4,971
Back
Top