What's new

Poems Kalikasan

Professora Akira

☯️ SôulNinetãiL☯️
Contributor
Joined
Oct 13, 2017
Posts
25,994
Solutions
6
Reaction
66,537
Points
16,661

Simula pa nuong ating kabataan,
Tayo ay minulat sa payak kapaligiran,
Ang ganda ng kalikasan ang siyang tunay na kayamanan,
Ito ang nagsisilbing pundasyon nang ating kinabukasan.
Kaya’t nararapat lamang na ito'y pakaingatan.

másáráp pagmasdan ang malalagong kagubatan at ang mga kabundukan,
Dito'y may nakatagong mga buhay at walang katumbas na yaman,
Ang sayang pagmasdan ng bawat sinag ng araw,
N
a sa bawat umaga ay sadyang pumupukaw.

O kay sarap pagmasdan ng hardin ng mga bulaklak at halaman,
Tuwing umuulan uhaw nilay nadidiligan,
Buong paligid ay kay gandang tumingin,
May mga gulay pa na sa hapag kainan o kay sarap ihain.

Sariwang hangin ang iyong malalanghap,
ganyan ang simpleng pamumuhay na kadalasang pinapangarap,
Mga huni ng ibon na animoy kumakanta,
Nagbibigay himig sa malamig na umaga.

Kaya nararapat lamang na ating alagaan,
Inang kalikasan na bigay ay kayamanan,
Patuloy nating palaguin sa halip
na abusuhin,
pagkat ito ang tanging kayamanan
na di mananakaw kahit kanino man.







❤️~Professora Akira~❤️





 

About this Thread

  • 6
    Replies
  • 1K
    Views
  • 4
    Participants
Last reply from:
Professora Akira

Online statistics

Members online
1,139
Guests online
3,124
Total visitors
4,263
Back
Top