What's new

Closed Kailangan ko ng kausap ang sakit ng puso ko :(

Status
Not open for further replies.
salamat ts. sorry kung ngayon lang nakapag reply ngayon lang at kahapon nakapag online d madalis ts. kahit ngayon masakit pa din minahal ko talaga
Mabigat din yung dinadala ko.. Hindi lang halata.. Kaya naniniwala aqng kaya mu yan.. Mas mlala pa nga yung sakin kesa sau.. Ako nakita mismo ng mga mata kom. Hahah.. Ang sakit. Pro nginitian ko lang xa.. Basta kaya mu yan.
 
Isa lang ang pwede mong gawin TS...ang mag MOVE ON! Oo mahirap gawin yan lalo na kung sobra mong minahal ang isang tao pero pasasaan ba at malilimutan mo rin sya? Makakahanap ka rin ng babaeng deserve sa pagmamahal mo. Huwag mong hayaang sirain ng alala-ala nya ang buhay mo másáráp mabuhay TS nasasayo nalang kung papaano mo dadalhin ang buhay mo.

Paano mag MOVE ON?
Simple lang...ituring mo syang isang masayang ala-ala nalang. 'wag mo isiping ikaw lang ang nawalan kundi dalawa kayo..Mas higit pa nga syang nawalan kesa sayo kung tutuusin. Ikaw nawalan ka lang ng GF na mahal na mahal mo pero hindi mapagkakatiwalaan samantalang siya nawalan ng BOYFRIEND na Mahal na mahal siya at siya lang talaga wala ng iba. Burahin mo sya sa contacts mo tsaka sa facebook kasi the more na nakikita mo siya sa FB na masaya kasama ang bago nya the more na masasaktan ka. Mabuti nga at ngayon palang na mag BF/GF palang kayo nalaman mo na agad na hindi pala siya mapagkakatiwalaan pag dating sa relasyon nyo, eh paano nalang kung kasal na kayo at may mga anak na? Mas masakit yun, Hindi ba?

Diba balak mong pumunta ng cebu para mag trabaho? Mas maganda kung itutuloy mo yun. Mas mainam kasi na mag pakalayu-layo ka muna para hindi mo siya/sila nakikita. Ipakita mo sa kanila na kaya mo, na matatag ka.
Anong malay mo, na yung FOREVER mo andun lang pala sa Cebu inaantay ang pag dating mo. :):)
 
Last edited by a moderator:
Ts, pilitin mong mag move on ang tawag diyan katangahan! Oo nagmahal ka kaya ka naging *****! , pero hindi mo deserved maranasan yung ganyan extremely emotional! Madaming pwedeng mangyari sayo! Hindi rin naman deserved ng girl yung pagmamahal mo sa kanya! Hindi siya marunong makuntento 1year mahigit na kayo so sa tagal nun. Naghanap na siya ng iba. Iwan mo na yan ANG KATANGAN hindi naman dapat pang sundan ng isang KATANGAN ts yun lang madaming mas deserved sa loved mo!
 
Kawikaan 19:14 (Ang Biblia 1905)

Bahay at mga kayamanan ay minamana sa mga magulang: nguni't ang mabait na asawa ay galing sa Panginoon.

Marami pa namang iba jan pre.. Nakakalungkot isipin na ganyan talaga.. Nakakalungkot ung kwento mo.
Hay nako mga babae nga naman..
 
buhay kapa ba boss :) kaya mo yan boss huwag ka na uulit magpakamatay dahil after mo magpakamatay mas masakit sa nararamdaman mo ng iniwan ka niya ang parusa mo :) pero grabe yung girl hindi ko siya maintindihan kung bakit ka niya iniwan bulag ba siya boss alam mo ba maraming babae naghahanap sa tulad mo :) at sa tingin ko since yung girl pinili niya yung lalaki na hindi siya mahal soon sa tingin ko makakarma yung babae at maaalala ka niya dahil ikaw tunay mo siyang minahal pero hindi siya aware that time
 
Last edited by a moderator:
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top