What's new

Trivia Jesus is god or not

Status
Not open for further replies.
Luh! Commonsense lang po

Ito yon oh meron baong taong nagkatawang tao? Hahahaha aral nyo ayusin nyo hahaha palpak

Nakalagay sa bibliya na Dios na nagkatawang tao
bakit naging dalawa ang Diyos mo
Tanong: "Si Hesu Kristo ba ay Diyos? Inangkin ba ni Hesu Kristo na Siya ay Diyos?"

Sagot:
Oo nga't walang talata sa Banal na Kasulatan kung saan tuwirang sinabi ni Hesu Kristo ang ganito: “Ako ay Diyos,” ngunit hindi ito nangangahulugan na hindi Niya kailanman ipinahayag na Siya ay Diyos. Isa sa mga halimbawa ay ang sinabi ni Hesu Kristo sa Juan 10:30, “Ako at ang Ama ay iisa.” Sa biglang tingin, tila hindi ito tuwirang pag-angkin ni Hesus na Siya ay Diyos. Ngunit, para sa mga Hudyo ang sinabi ni Hesus ay tiyakang pag-angkin na Siya ay Diyos. Ganito ang reaksyon ng mga Hudyo, “Hindi dahil sa mabuting gawa kaya ka namin babatuhin, kundi dahil sa paglapastangan mo sa Diyos. Sapagkat nagpapanggap kang Diyos gayong tao ka lang” (Juan 10:33). Sa nabanggit na mga talata, hindi itinuwid ni Hesu Kristo ang mga Hudyo gaya ng pagsasabing, “Hindi ko inangkin ang pagiging Diyos.” Ipinahihiwatig lamang nito na si Hesu Kristo ay Diyos nang Kanyang sabihin, “Ako at ang Ama ay iisa” (Juan 10:30). Sa Juan 8:58, ganito naman ang wika ni Hesus, “Katotohanang sinasabi Ko sa inyo, bago pa ipinanganak si Abraham, Ako ay Ako na!” Muling kumuha ng bato ang mga Hudyo at tinangkang batuhin si Hesus. Bakit kailangang batuhin ng mga Hudyo si Hesu Kristo, kung wala Siyang sinabi na sa paniniwala nila'y pamumusong sa pangalan ng kataas-taasang Diyos?

Sinasabi sa Juan 1:1, “Sa pasimula pa'y naroon na ang Salita. Kasama ng Diyos ang Salita, at ang Salita ay Diyos.” Sa Juan 1:14, nakasaad naman ang ganito, “Naging tao ang Salita at Siya'y nanirahan sa piling natin.” Ito'y malinaw na nagpapahayag na si Hesu Kristo ay Diyos na nagkatawang-tao. Sinasabi sa atin sa Gawa 20:28, “Ingatan ninyo ang inyong sarili at ang lahat ng kabilang sa katawan, sapagkat inilagay sila ng Espiritu Santo sa inyong pag-iingat. Pangalagaan ninyo ang Iglesiya ng Diyos na Kanyang tinubos sa pamamagitan ng kamatayan ng Kanyang sariling Anak.” Sinabi din sa Gawa 20:28 na tinubos ng Diyos ang Kanyang Iglesya sa pamamagitan ng Kanyang banal na dugo. Samakatuwid si Hesu Kristo ay tunay Diyos.

Ganito naman ang sinabi ng alagad na si Tomas kay Hesu Kristo, “Panginoon ko at Diyos ko” (Juan 20:28). Sinabi sa Tito 2:13 na palakasin natin ang ating loob sa paghihintay sa muling pagparito ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Hesu Kristo (basahin din ang 2 Pedro 1:1). Sa Hebreo 1:8, ganito naman ang pagpapakilala ng Diyos Ama patungkol kay Hesu Kristo, “Ang Iyong trono, O Diyos, ay magpakailan pa man. Ikaw ay maghaharing may katarungan.”

Sa aklat ng Pahayag, itinuro ng anghel kay Apostol Juan na tanging Diyos lamang ang sasambahin (Pahayag 19:10). Makailang ulit din na naitala sa Banal na Kasulatan na sinamba si Hesu Kristo (Mateo 2:11; 14:33; 28:9, 17; Lukas 24:52; Juan 9:38). Kahit kailan, hindi sinaway ni Hesu Kristo ang mga sumamba sa Kanya. Kung hindi Siya Diyos, sana ay pinagsabihan Niya ang mga tao na huwag Siyang sambahin tulad ng ginawang pagsaway ng anghel kay Apostol Juan sa Pahayag 19:10.

Marami pang mga talata at pahayag sa Banal na Kasulatan ang nagpapatunay sa pagka-Diyos ni Hesu Kristo. Ang pinakamahalagang nagawa ng pagiging Diyos ni Hesu Kristo ay ang Kanyang ganap na handog: ang Kanyang kamatayan, bilang sapat na kabayaran ng kasalanan ng buong sanlibutan (1 Juan 2:2). Tanging Diyos lamang ang nagtataglay ng kakayahan at katuwiran upang mahango ang tao sa walang hanggang kaparusahan. Tanging Diyos lamang ang may kakayahang akuin ang kasalanan ng sanlibutan (2 Corinto 5:21), sa pamamagitan ng kamatayan at pagkabuhay na mag-uli ni Hesu Kristo, bilang katibayan ng Kanyang tagumpay laban sa kasalanan at kamatayan
Iisa lang po ang Diyos naming mga Kristiyano including Catholic na may tatlong persona kasi yan ay malinaw na tinuturo sa Bible at yan ang pinaniniwalaan naming mga tunay na Cristiano at Katoliko.

yan si TS at ibang mga INC di nila Diyos si Cristo. kasi di nila matanggap tinuturo sa Biblia kaya ayaw nila tanggapin.
did you read im laughing haha
Think and Read this one
https://phcorner.net/threads/466133/
 
pano to?
creator - I am the Lord thy God, thou shalt not have any strange gods before Me-
jesus is not god
iisa lang Po kasi ang God with Three persons, human brain cant really imagine what is the state of God because human brain focuses on the worldly things that they can see with their bare eyes, heto po example para maintindihan nyo, clue lang po ito para maimagine mo kahit konti, just think of a coffee, iisa lang ang coffe pero may 3 elements, water,coffee and creamer, pag pinag sama mo yan, yan na naiinom mo. examppe lang yan, d yan perfect example pero sana ma gets mo, wag mo rin sana ee disregard yung mga verse na si Cristo ay dyos, wag po piliting ee bend ang bible para lamang sa doctrines, kasi pagg ginawa mo yan pilit magkakaroon ng conflicts ang bible verses mo.
 
iisa lang Po kasi ang God with Three persons, human brain cant really imagine what is the state of God because human brain focuses on the worldly things that they can see with their bare eyes, heto po example para maintindihan nyo, clue lang po ito para maimagine mo kahit konti, just think of a coffee, iisa lang ang coffe pero may 3 elements, water,coffee and creamer, pag pinag sama mo yan, yan na naiinom mo. examppe lang yan, d yan perfect example pero sana ma gets mo, wag mo rin sana ee disregard yung mga verse na si Cristo ay dyos, wag po piliting ee bend ang bible para lamang sa doctrines, kasi pagg ginawa mo yan pilit magkakaroon ng conflicts ang bible verses mo.
https://phcorner.net/threads/466133/
 
son of god..
common sense.
kung anu tatay yun din ang anak..

diyos ang ama ni jesus.. so diyos din siya..

alangan mag bunga ng mangga ang makopa.

common sense nalang

Agree Sir..

Isaiah 9:6 - Jesus is Mighty God

His Father Yahweh Yehwah YHWH Translated Also as Jehovah in common dictionary & encyclopedia

Exodus 6:3, Revelation 1:8 - YHWH - Almighty God
 
Okay bigyan kita mga verse sa bible

Romans 9:5
Na sa kanila ang mga magulang, at sa kanila mula ang Cristo ayon sa laman, na siyang lalo sa lahat, Dios na maluwalhati magpakailan man. Siya nawa.

Titus 2:13
Na hintayin yaong mapalad na pagasa at ang pagpapakita ng kaluwalhatian ng ating dakilang Dios at Tagapagligtas na si Jesucristo

Colossians 2:9
Sapagka't sa kaniya'y nananahan ang buong kapuspusan ng pagka Dios sa kahayagan ayon sa laman

John 20:28
Sumagot si Tomas, at sa kaniya'y sinabi, Panginoon ko at Dios ko

John 8:57-58
Sinabi nga sa kaniya ng mga Judio, Wala ka pang limangpung taon, at nakita mo si Abraham?
58 Sinabi sa kanila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Bago ipinanganak si Abraham, ay ako nga.

John 16:30
Ngayon ay nakikilala namin na nalalaman mo ang lahat ng mga bagay, at hindi nangangailangan na tanungin ka ng sinoman: dahil dito'y nagsisisampalataya kami na ikaw ay nagbuhat sa Dios

Hebrews 1:3
Palibhasa'y siyang sinag ng kaniyang kaluwalhatian, at tunay na larawan ng kaniyang pagka-Dios, at umaalalay ng lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng salita ng kaniyang kapangyarihan, nang kaniyang magawa na ang paglilinis ng mga kasalanan, ay lumuklok sa kanan ng Karangalan sa kaitaasan
 
Common sense din sir PesteM DiabolicaE, baket si jesus hindi ang ama nya ang sinusunod nyo? Correct bayan? Ang labo naman buti kung hindi mag tampo ang ama sa inyo sa araw ng paghukom

At isa lang sya phropheta para sa mga israelites!

I am not sent but unto the lost sheep of the house of Israel". (Matthew 15:24)

Mateo 17:5 Samantalang nagsasalita pa siya, narito, ang isang maningning na alapaap ay lumilim sa kanila: at narito, ang isang tinig na mula sa alapaap, na nagsasabi, Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong kinalulugdan siya ang inyong pakinggan.

Sabi kasi ng Ama, si Hesus ang ating pakinggan
Ang Ama na mismo ang nagsasalita kaya dapat lang na sundin natin
 
Last edited:
Para sa akin..

Si Jesus ay anak lamang ng nag-iisang Diyos..

Sa John 3:16 palang, malalaman mo na... :)

So ano pong ibig sabihin ng verse na ito ?
Isaiah 9:6
For to us a child is born,
to us a son is given,
and the government will be on his shoulders.
And he will be called
Wonderful Counselor, Mighty God,
Everlasting Father, Prince of Peace.

Conflict dibah ? so meaning may mali sa teachings ng Guro mo.
 
Di natin alam wala pa naman nakakapagsabi kung sino talaga ang dyos.
Pero halos lahat tau nainiwala kay jesus :)
 
Keep on promoting another Unitarian thread, D naman alam ang concept, hinubad nya nga pag ka dyos nya, philippians 2:7 but emptied Himself, taking the form of a bond-servant, and being made in the likeness of men. kaya nya yan nasabi. alamin mo concept bro, wag mo e disregard ang verses na katulad nito:
Isaiah 9:6
For to us a child is born,
to us a son is given,
and the government will be on his shoulders.
And he will be called
Wonderful Counselor, Mighty God,
Everlasting Father, Prince of Peace.
 
Status
Not open for further replies.

About this Thread

  • 134
    Replies
  • 5K
    Views
  • 46
    Participants
Last reply from:
ph-goldkiara

Online statistics

Members online
1,034
Guests online
2,737
Total visitors
3,771
Back
Top