dahil hindi lahat naniniwala sa dios, ok lang mangyare sa mga tao katulad ng mga nasa picture na pinost ko? Pano naman yung mga naniniwala pero hirap na hirap na
Mas gugustuhin mo bang may free will ka pero nahihirapan yung iba? Mas maganda patas.
Halos magaganda kwento sa bible pero still hindi pwede gawing proof, lalo na man-made at maraming religious books na parang ganito pero iba ibang character.
Mapabible man o koran at iba pa.
Mas maganda ang tao mismo gumawa paraan mapabuti ang mundo, kaysa umasa sa dios, sigurado naman madali niya lang gawin un.
HINDI po ok. Kaya nga may punishment sa final battle. Justice will be served. Diba nga muntik na tayong iwipe out completely ni God. Widespread ang kasamaan at kapararakan ng mga people that time (prior to Noahs Flood) To the point. Nagsisi Siya bakit ginawa niya ang tao. Nasa Genesis. Nagbago isip niya ng makita niya si Noah na hindi nagpacorrupt sa kasamaan ng mga tao that time. So nagbigay siya ng another chance. (Fast forward. Anong nayare? Tower of Babel happens. Bingay ang gusto. Pinabayaan magsamba sa ibang dios diosan. God entered into a covenant with Abraham/Abram. BUT still included parin sa plan Niya na ibalik sakanya mga suwail, at the very end. It was written, mabi-bless ang ibang nations thru Abraham. That is fulfilled in Jesus na descended sa line niya. That whom ever believes in Jesus will have eternal life)
Dalawa lang pagpipilian. Retain free will and continue to experience evil (not because God is evil but because humans abused freewill) or maging robot tayo. Programmed kumbaga.
Kung familiar ka sa parable ng sower. Yung nagtanim siya ng barley ba yun or basta grain tapos kinabukasan may mga weeds na tumubo (may nagtanim nito, hint: kalaban). Sabi ng servant. Kung aalisin ba daw yung weeds. Sabi nung may ari di raw kasi pag binunot ang weeds masasama yung pananim niya. Kaya sa panahon ng harvest saka iipunin ang weeds at susunugin at iipunin din panananim at itatago sa barn. This alludes to the final judgment. To Hell or to Heaven.
On that note on freewill. Humans nga naghahangad makagawa ng AI na totality independent sa programmer (has the capacity to think for himself/herself) yung great Creator of the universe pa kaya.
Ayos lang naman makadama ng hinanakit sa Dios kung yan yung feelings mo now. Totality normal. Kahit sa bible yung mga characters nagbubuhos din ng sama ng loob, dalamhati atbp sa Dios. He accepts our anguish , pain , hurt, resentments. It was written, cast all your worries on him.
Another point. If napansin mo kaya nagkakaletse letse life ng characters bible eh dahil sinuway nila ang Dios at one point or another. But He still continues to give Providence kahit suwail. Refer to Abram/Abraham. Di manyayari ang naipit siya sa battle sa Sodom and Gomorrah dahil sa nephew na si Lot if in the first place sumunod siya kay God na iwanan lahat pati si Lot at pumunta kung saan siya dapat. The result. Hindi naman Dios may gawa. Consequences yun ng action ni Abram at ng mga tao (including nephilim creatures). Marami pang example. Si David. Nadivide yung kingdom into Judea and Israel dahil sa mga pinag gagawa niya (example many marriages and abused of power). Ganun din sa anak na si Solomon. Dahil sa maraming politikal marriages niya pati na sa mga idolaters, nacorrupt faith ng people niya kaya nagfall apart kingdom niya, because they live like there is no God.
Yung sinasabi mong di dapat umasa sa Dios at tayong tao dapat gumawa ng paraan for world peace, sad but impossible yan. Hindi naman sa sinasabing nganga na lang tayo at maghintay sa bigay ng Dios. Shempre kailangan parin natin kumilos. Pero hindi lang pisikal o material ang labanan. We are dealing with spiritual warfare (Ephesians 6:12). Spirits ang tunay na kalaban. Na patuloy na naiimpluwensyahan ang mga tao. We are being deceived. Like sa garden of Eden. Oldest lie. "We all can become like God". But apart from God is-- death. Not only physical death but spiritual death. Because God is Life. We are to work hand-in-hand with the Lord kaya tayo may freewill. Yun yung purpose Niya in the first place. Yung pamahalaan ang earth at pangalaagan mga creatures dito. Co-rulers. Hindi robots. Kaya lang ginagamit natin freewill natin para lang gawin anong naisin natin. We desire autonomy. Imagine scenario, magulang at anak. Kahit may kalayaan ka bilang anak mas rules pa rin si parents diba? Bakit? Para di ka mapahamak. Alangan namn pabayaan ka kahit ikasasama mo, kasi malaya ka. Pagmamahal ba yun? Sample yung 3-year old na gusto magtatakbo. Eh pagpinabayaan yan pwede yan tumawid sa kalsada. Kaya may rules. Anak dito lang. Pwede ka magtatakbo dito sa backyard wag lang sa kalsada. Matigas parin ulo. Kumain parin from tree of good and evil. I hope you get what im trying to say here. We are the sheep. God is the shepherd. Without the shepherd, sheep gets eaten and devoured by wolves.
Siguro naisip mo din one time bakit hindi irescue ni God mga taong naniniwala at naghihirap kung talagang mabuti siya? Ako honestly natanong ko din kasi yan minsan. Ang totoo diko alam ang sagot. Pero may pagkakataong nasabi ko kaya siguro namatay na lag yung bata para di na magsuffer (although di ko sinasabing applicable to sa lahat ng instances na may namatay na bata). Point is, di natin alam lahat ng nasa isip ng Dios. Nasa sa individual na lang yan kung magtitiwala parin siya sa Dios o hindi. If we believe the scriptures, there will be a day of reckoning. It was taught by Jesus himself. We have been warned. We are free to choose to believe or not. Although He made it clear when He became a man in Christ Jesus that He wanted us to choose Him. Only because loves us. He still wanted us despite of what a pain in the a s s, we humans are.
God bless paps. Kung di man pa masagot mga katanungan natin sa ngayon, naway bigyan tayo ng katatagan ng loob. Even when we are faithless, He remains faithful.