What's new

IS GOD REAL?

Itong bible na sinasabi niyo? Is this also the books na ginagamit ng may mga ibang belief? Kung oo, bakit magkakaiba sila ng approach toward this? I mean for example Catholic and Born-again, kung parehas lang sila ng libro na ginagamit? Bakit magkaiba sila ng paniniwala dito?
 
[XX='twenty1, c: 1290170, m: 1663620'][/XX] This is very basic question po sir.. may dahilan kung bakit ang daming religion about sa bible pero magkakaiba po sila ng paniniwala hehe. At ang daming religious leader na kaniya kaniya ng paniniwala po. Kung hahanapin mo lang po talaga ang sagot, posible naman..

Anyway, I'm outa heyr pow :)
 
because of the different interpretations thats why nabuo ang ibat ibang sekta ng kristiyanismo. nagkaroon din ng ibat ibang version ng bibliya. sa ibang bibliya ang salitang Diyos ay ginawa na lamang panginoon. as what i understand nagkaroon noon ng isyu sa paggamit ng pangalan ng Diyos kaya pinalitan na lamang ito ng word na lord o panginoon.
 
[XX='Yortz, c: 1290267, m: 1496536'][/XX] If it is basic, then bakit need pa nila ng pagtatalo, pagkakaiba, diskusyon etc? Ganon ba kababaw yung kaalaman nila o ganon kalalim? I mean hindi naman pwedeng directly sa akin, pangkalahatan. Let us say isa kang Katoliko, tapos narinig mo din side ng isang Born-again or any thing at nakita mo ang pagkakaiba, sa pagkakaiba ba na yon? Tingin mo ba mas tama etong Katoliko kesa Born-again or other? Or vice versa?
Basic pa din ho ba? O mahina lang comprehension ng bawat taong may iba't ibang paniniwala.
Kasi this is my findings sa lahat ng napapasukan kong religious group, paano ako maniniwala kung kayo mismo iba iba ng paniniwala? Ididiscuss ba sa akin ang bibliya? Eh someone as Katoliko, Born-again or even non-believers pwede basahin yan as a normal story book. Kaya di nagmamake sense ang bible sa akin as a proof because mismong kayong mga believers iba-iba ang paniniwala kahit na kayo na mismo ang nakakabasa.
 
[XX='xxtrancexx, c: 1290288, m: 1162483'][/XX] interpretations, the version itself makes sense sa akin. Pinaka malapit daw na kapareho ng original version ng bibliya ay yung King James kung di ako nagkakamali.
Bakit kaya need pa ibahin o isalin sa iba't ibang version ang bibliya? Kung pwede naman aralin ang pakahulugan nito? Kung totoo siya, siya mismo magbibigay ng kaalaman sayo para unawain ang binabasa mo kahit na hindi ito isalin sa kung anong kasalukuyang ginagamit natin. Di ko gets na bakit kailangan pang isalin gayong pwedeng tao mismo ang gumawa ng hakbang para alamin, usisiin at unawain ang nakasulat sa pinakaorihinal na version nito?
 
Dahil sa pinalawak mo analogy ko hindi mo na binigyan pansin ang gusto kong ipunto. Oo tinanong kita pero mas importante bigyan pansin ang nangyari kay Adan. Binigyan tayo ng Diyos ng kalayaan para magpasiya dyan nabuo ang analogy ko. Tanong anong nakapaloob na pagpipilian sa ibinigay kay Adan ng Diyos na kalayaang magpasiya? Kamatayan at Buhay dahil kung ang Buhay lang ang pagpipiliian hindi yan matatawag na kalayaang magpasiya. Kung may Mali may Tama. Kung may Mabuti may Masama. Kung may Liwanag may Kadiliman. Binigyan tayo ng Diyos ng ganyang atas para sumunod sa Kanyang mga pamantayan nangangahulugan lamang yan na hindi tayo kontrolado ng Diyos.
Pinansin ko.. sinagot ko nga na logic will dictate na ang pipiliin eh ung safe route eh. I acknowledged ur analogy and even agreed na ang tamang choice eh ung safe na daan... Why cant u do the same?? Bat di mo kaya at the very least iacknowledge na may responsibility din ung nag bigay ng choices..ung nagbigay ng kalayaan.... Ayaw mo iacknowledge yun pero naninwala ka na kailangang tanggapin ang turo nya para masave... And kung ang options lang eh between buhay at kamatayan.. are u really giving that much of a choice dun sa tao???

Binigyan ng kalayaang magpasya and yet nung ang naging pasya eh di ayon sa gusto nya eh paparusahan.... why grant free will kung ang will na un eh dapat mo lang gamitin sa kung ano gusto nea?? How is that "malayang pagpapasya"?
 
hehe bugso ng damdamin paps. sensya kana. nakakalungkot lang ang naging transition mo kasi from a true and faithful believer to non believer or maybe you are being confused kung ano ba ang dapat mong paniwalaan basi sa pag aaral mo at pagsasaliksik ng mga bagay. i hope na sana mahanap mo ang mga kasagutan sa mga tanong mo at merong mga patotoo o makapagpatotoo sayo na tunay ang Diyos. God bless you bro... wala na akong sasabihin pang iba.
Noted... And tnx... Pero dont be sad for me or what...im actually doin fine... Wala nmang nagbago sa pagkatao ko... And also, im not confused.. im just not convinced anymore...un lang... Tnx sa convo paps ..
 
May karapatan ang Diyos na magbigay ng ganung atas dahil Siya ang lumikha sa atin, hindi naman sa atin ang buhay natin kundi sa Kanya lng. Malamang kahit sino naman sa atin ang tatanungin ngayon ang safe ang pipiliin. Dahil alam na natin ang naging resulta ng pagpili ng maling daan. Sa tingin mo kung pinili ni Adan ang safe na daan masasabi mo mga sinasabi mo ngayon? Kung susuway ka sa atas ng Diyos malamang may kaakibat na parusa yon dba? Katulad halimbawa kung magnakaw ka ngayon hindi ka ba parurusahan? Hindi ka ikukulong? Si Adan lang dapat sisihin hindi ang Diyos.
 
May karapatan ang Diyos na magbigay ng ganung atas dahil Siya ang lumikha sa atin, hindi naman sa atin ang buhay natin kundi sa Kanya lng. Malamang kahit sino naman sa atin ang tatanungin ngayon ang safe ang pipiliin. Dahil alam na natin ang naging resulta ng pagpili ng maling daan. Sa tingin mo kung pinili ni Adan ang safe na daan masasabi mo mga sinasabi mo ngayon? Kung susuway ka sa atas ng Diyos malamang may kaakibat na parusa yon dba? Katulad halimbawa kung magnakaw ka ngayon hindi ka ba parurusahan? Hindi ka ikukulong? Si Adan lang dapat sisihin hindi ang Diyos.
Hindi ko inaalis sa diyos ang karapatan na gawin kung ano gusto nea..sya nga kamo ang all powerful at all knowing creator db. Sya din kamo ang lumikha saten at sya din ang nagset ng goal na mahalin sya ng creation nea .ang sinasabi ko, being the creator eh ultimately may responsibilidad at accountability din sya sa kini-create nya... He started all this tapos ang lahat ng burden dahil sa flawed creation nea eh ibabagsak mo din sa tao....

Kung sumunod si adan non tama ka...wala tayo sa gantong sitwasyon ngayon.... At the same time naachieve ni god goal nea.... Thats fair... Pero kung may foresight si god at nkita nea na ultimately magkakamali ang creation nea then why the hell wud he put that tree right in the garden kung saan andun si adan. Why even create such a tree in the first place?? Why did he allowed the serpent na tuksuhin si eba and eventually si adan??

Sa pagnanakaw... Sa opinion mo ano main reasons why nagnanakaw ang isang tao?? Greed?? Matinding pangangailangan?? Imagin ang scenario na walang greed...na we have all that we need...may magnanakaw pa ba???
 
Pumasok na din sa isipan ko yang tanong mo.. kung alam na ng Diyos na may hindi maganda mangyayari bakit nya pa inilagay yung puno na yon? Sa isip ko hindi ko pangungunahan kung ano man ang iniisip ng Diyos. May mga ilang bagay tayo na hindi natin lubos na mauunawaan pero kung mag mamakaawa ka sa Diyos na maunawaan ang mga pamantayan Nya ibibigay Nya sayo ang espiritu ng Pagkaunawa na higit pa sa pagkaunawa ng mga tao. Sapat na sakin ang naka ulat sa Bibliya at kinakailangan ko na lang gawin ay magpakumbaba at sumunod sa mga pamantayan Nya. Kung ano man ang magiging desisyon mo nirerespeto ko yun.

Halimbawa lang naman yung sa pagnanakaw ang gusto kong ipunto pag nakakagawa ka ng pagkakamali may kaakibat yun na parusa. Yan lang yun. Pwde ko rin kuning halimbawa habang nagmamaneho ka may nasagasaan kang tao, pumatay ka, nakiapid ka etc. Lahat yan may kaakibat na parusa.

Pasensya na hanggang dito na lng pag uusap natin. Sapat na para sakin ang mga sinabi ko. Salamat na lang sa lahat. 🙂
 
[XX='Patient Zero, c: 1292224, m: 1241817'][/XX] sabi mo ho, may mga bagay tayong hindi natin lubos na mauunawaan? Parang nagtunog risky siya sa mga second part, so paano kung mali yung pinaniniwalaan mo? At tama pala yung sa iba? Dahil lang ba sa ito lang yung meron ka, hininto mo na yung paghahanap pa ng iba pang impormasyon sa iba? Dahil ba sumusunod ka sa pinaniniwalaan mo eh to na ba yung tama?
Naisip ko lang no, ang risky kasi ng life kung sa bagay na di ko maintindihan eh doon ako agad pupunta sa bagay na kung ano lang ang meron sa ngayon na parang di ko na iintindihin yung iba pa. I mean exploring more, at hindi naman masama siguro yon. Ikaw na nagsabi na may bagay ka na di mo nauunawaan kagaya siguro netong ni-topic, so bakit mo pinili na maniwala?
 
Bakit po Atheist ka sa ibang god/religion? still theist kapa din po kasi may god kapa? hindi po ba ganun? btw. Atheist po ako, at wala po akong pinaniniwalang kahit anong god na nag eexist.

a·the·ist
/ˈāTHēəst/

noun
  1. a person who disbelieves or lacks belief in the existence of God or gods.
 
Omnipotent yung god nila pero ni hindi man lang nya tayo maconvinced na nag eexist sya. Kung tutuusin nga napakadaling patunayan yun para sakanya. kaso dyan na papasok yung tanong na, is their god really exist?
 
[XX='twenty1, c: 1292536, m: 1663620'][/XX] paano kung tama ang paniniwala ko? At mali tlaga sa iba eh.😅 Basta ako nakapagdesisyon nako kung ikaw hindi pa kailan ka magdedesisyon? May mga ilang nakaulat sa Bibliya na kailangan bulay-bulayin mo para mas maunawaan mo ng husto ang isinasaad may ilan mahirap tlaga maintindihan kaya kailangan mo manalangin sa Diyos para lubos mong maunawaan mga sinasabi Nya. Hindi naman ako tumitigil eh sa bawat makakasumpong nga ako ng paniniwala ng iba ikinukumpara ko muna yun sa Bibliya. Kaya nga nandito ako sa thread mo dahil nag explore ako eh.
 
backread po. nangawit na nga kamay ko kakatype ng proofs. you may or may not believe. its fine. if you're not convince then dont. hindi naman po ako pastor para ilatag ang lahat para patunayan lang na nagiexist si God because you are an atheist. hindi ganun kalawak ang aking kaalaman. sorry but youre an atheist
para akong kandidato na nagmamakaawang iboto ako ng asawa ng aking kalaban sa politika. i am open dun sa mga taong gusto pang makilala at mapalapit ng husto sa Diyos.
 

Espiritu?? Kaluluwa?? Prove it...

Nevermind, for sure wala .

Pero lets say i follow ur logic...kung mas makapangyarihan ang dios sa masasamang espiritu na yan then bakit nageexist pa din sila??? Hmmmmm
For sure wala talaga? Huwag sana magsalita ng tapos at baka bawiin mo rin yang sinasabi mo kapag naencounter mo yung malalakas na bad spirits. Kapag nagshare naman ako ng videos sasabihin mo lang lahat edited, elaborate hoax at di authentic kaya not worth it to share it with you. Kung maaalala ko parang may nasabi ka sa'kin dati na natry mo na magstay sa isang lugar na may hinihinalang kaluluwa o espiritu. Baka naman yung sinasabi mong lugar na pinagstayan mo eh hindi bad spirits ang namamalagi kundi good spirits lang. Aba'y hindi ka naman gagalawin ng good spirits. Doon ka dapat pumunta at magstay sa mga talagang kilalang haunted places at abandoned na for a long time mga ganun. Doon maraming bad spirits. Pwede at malaya ka naman gawin yan. Ang dami na ngang mga taong gumagawa nyan because of their strong eagerness to seek for proof of their existence. Binavlog pa nga ng iba. Wag mo lang sana iasa sa ibang tao yung proof na gusto mong makita. If you really want to seek the truth its time for yourself to do it. Pero kung sasabihin mo lang sa'kin you have no time to do it dahil very busy person ka, well isa lang masasabi ko sa'yo, that's not an excuse para sa isang taong tulad mo na may strong eagerness din for proof gaya ng iba.

Hmmm.. Nag-eexist pa rin ang evil spirits dahil hindi gawain ng Diyos ang pumatay, manakit, magpahirap at mangwasak. Ito ay gawain ng evil spirits. Ang gawain ng Diyos ay bumuhay ng patay, magpagaling, magligtas, magprotekta, magmahal, maghasik ng kapayapaan at lahat ng uri ng kabutihan. Hindi sila maaaring tularan ng isang Banal na Diyos. Yan lang ang masasabi ko.
 
Last edited:
Pumasok na din sa isipan ko yang tanong mo.. kung alam na ng Diyos na may hindi maganda mangyayari bakit nya pa inilagay yung puno na yon? Sa isip ko hindi ko pangungunahan kung ano man ang iniisip ng Diyos. May mga ilang bagay tayo na hindi natin lubos na mauunawaan pero kung mag mamakaawa ka sa Diyos na maunawaan ang mga pamantayan Nya ibibigay Nya sayo ang espiritu ng Pagkaunawa na higit pa sa pagkaunawa ng mga tao. Sapat na sakin ang naka ulat sa Bibliya at kinakailangan ko na lang gawin ay magpakumbaba at sumunod sa mga pamantayan Nya. Kung ano man ang magiging desisyon mo nirerespeto ko yun.

Halimbawa lang naman yung sa pagnanakaw ang gusto kong ipunto pag nakakagawa ka ng pagkakamali may kaakibat yun na parusa. Yan lang yun. Pwde ko rin kuning halimbawa habang nagmamaneho ka may nasagasaan kang tao, pumatay ka, nakiapid ka etc. Lahat yan may kaakibat na parusa.

Pasensya na hanggang dito na lng pag uusap natin. Sapat na para sakin ang mga sinabi ko. Salamat na lang sa lahat. 🙂
Finally...un lang inaask ko...na khit papano iacknowledge mo na may something off dun sa creation scenario... Un lang....

But...

Tho inacknowledge mo eh agad mo na din isinara isipan mo sabi mo hindi mo pangungunahan si god mo at may mga bagay na di tayo alam eh para mo na ring tinuldukan ung paghahanap ng sagot...or sinagot mo na din ang sarili mong tanong ...

And again yes... Agree ako na choices whether good or bad have consequences.... Bad choices can lead to punishment..... Yung condemnation ba ng mankind eh justified punishment sa pagkakamali ni adan at eba??? Dont you think na sobrang parusa na nman ata yun.... Paparusahan nya for that mistake ang ilang genarations...tapos isasakripisyo nea si jesus para iligtas ang tao sa kaparusahan na sya din ang nagbigay??? Sasakripisyo nea ang anak nea para sa kasalanan ni adan... Though nabuhay muli si jesus at napunta sa heaven so parang di din sacrifice un...

And naisip ko lang since sinabi mo na god created man para mahalin sya..maybe kaya natukso si adan at eba na kainin ang prutas kasi may promise na magiging kagaya sila ni god...and since love nila si god they wanna be like him ...anyway i digress ...

Last ..and isa pa sa major issue ko din.... Why would theists such as yourself would preach on and on na you know the will ni god...na eto ang tama .eto ang mali...blah blah blah...tapos pag wala na kayo maisagot eh sasabihin nyo na ayaw nyo pangunahan si god ..na may mga bagay pa na di natin alam..etc... If thats the case then malay mo pala yung bagay na di pa alam ng tao eh maling religion pala kinabibilangan mo...maling god pala pinapaniwalaan mo ... I bet that would suck ....

And last na talaga which is ung point ko about accountability ni god...buo paniniwala nyo sa kanya...spend nyo buhay nyo doing what u "think" is his will... And umaasa kayo sa pangako nea after this life....kung buong buhay nyo at buhay after this life ang nakasalalay di ba dapat mas lalo nyo kwestyunin kung totoo or tama ang turo at paniniwala nyo....
 
Omnipotent yung god nila pero ni hindi man lang nya tayo maconvinced na nag eexist sya. Kung tutuusin nga napakadaling patunayan yun para sakanya. kaso dyan na papasok yung tanong na, is their god really exist?
Yep...and i cant believe na ung god na they put on such high regard eh basta na lang iiwan ang bunch of books pra sa instruction nea sa mankind..... And why books?? Kung updated si god at maglive sya sa fb or utube eh di tapos ang usapan.... Bakit di nea klaruhin ang word nea at ng wala ng ibat ibang interpretasyon at paniniwala...
 

About this Thread

  • 197
    Replies
  • 3K
    Views
  • 54
    Participants
Last reply from:
Dethgaed

Online statistics

Members online
600
Guests online
3,650
Total visitors
4,250
Back
Top