What's new

Closed I.T Course (Penge po konting payo)

Status
Not open for further replies.

Collapse

Forum Veteran
Patulong po! Ano ano po yung mgaa basic needs ko po na kelangan aralin sa pagiging I.T? Respect po 😊

Ps. Nagreready lang po sa online class at gusto ko lanv po mag advance learning. Salamat!

Stay safe everyone! God Bless!
 
Yes tama napakadami talaga ng sangay ng IT meron sa mga offices, ibat-ibang klase ng development, meron din sa field. Pero kung pag uusapan natin kung ano yung mga tinuturo at madalas na pinag aaralan sa universities more on sa development (programming/web development). So ang maipapayo ko sayo as an IT student 3rd year na ko this school year ay mag advance kanang manuod ng mga videos about sa programming para kumbaga ma set mo na yung utak mo at para maintindihan mo in general kung ano ang nangyayari sa programming. Ganito kasi yan pag wala kang background mahihirapan ka sa pag intindi ng mga lesson about sa programming (lalo na ngayon na online class iba parin pag physically nasaharap niyo ang prof. niyo na nag eexplain, may mga prof. nga na kahit nasaharap mo na e hindi mo parin maintindihan pinag sasasabi haha). So ngayon malamang sa nasa isip mo saan ako mag sisimula? well naka depende kasi yan kung ano yung nasa syllabus niyo mas maganda kung meron na kayong syllabus para malaman mo na kung ano talaga yung mga subject niyo para malaman mo kung ano talaga dapat pag aralan mo. Pero yung sa web development sigurado na pag aaralan diyan yung basic (HTML, CSS), so kung gusto mong simulan muna ang sa web development mag simula ka sa "HTML", mag YøùTùbé ka manood ka ng tutorials for beginners napakadami sa ytube meron na din nga Tagalog na tutorial, next "CSS" same lang din YøùTùbé ka lang (and note habang nanunood ka sabayan mo na din para mas naaabsorb at mas naiintindihan mo, kasi kahit 20 videos pa panoorin mo kung di mo magagawin kung di mo susubukan bukas makalawa limot mo na agad yan promise). Next kung mag sisimula ka naman sa programming manood at mag search ka muna ng "Programming Fundamentals" para malaman mo yung basic concept ng programming regardless kung ano mang programming language ang gagamitin mo. Nung freshmen kami first programming language na pinag aralan namin ay C++ then Java, pero ang mairerecommend ko siguro sayo "Java" nalang ang unahin mo kasi pati sa android app development sa android studio its either Java or Kotlin ang gagamitin.


So to summarize:

Kung uunahin mo yung Web Development.
Learn the Basics of:
1. HTML
2. CSS

Kung uunahin mo naman yung Programming.
1. Learn the "Fundamentals of Programming" para malaman mo yung basic concepts, how it works, etc.
2. Choose a Programming Language (parang jowa yan dapat isa isa lang) "Java" ang marerecommend ko, but still mas maganda parin kung alam mo yung subjects niyo para alam mo kung ano yung dapat ang pag aralan mo.


Note: Yung ilang weeks na lesson niyo sa school ay pwede mong matutunan sa 1hr na video sa YøùTùbé. Also kung di mo agad naiintindihan, kung feeling mo di pumapasok sa utak mo yung pinag aaralan mo, wag ka ma frustrate normal lang yan sa una, the best way parin para matuto ay kung susubukan mong gawin ito. Good Luck!
 
Last edited:
mag advance learning po kayo boss especially sa programming or any fields na like nyo para pagdating ng señor years mas madali na po para sanyo yung magiging subjects or if programming naman mas advantage po pag dating sa thesis
 
hindi ko din kasi alam kung ano na yung mga magagandang gamitin ngayon, at depende din yan sa pc na gagamitin mo kung compatible pa ba or something
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top