What's new

I need your opinion po

iamj

Forum Veteran
Elite
Joined
Jul 8, 2022
Posts
1,753
Reaction
2,171
Points
911
Hello po. Gusto ko lang po sana hingiin yung opinion niyo about sa magiging desisyon ko.

Incoming first year college po ako. May dalawang school po akong pinagpipilian. Itatago ko na lang po name nila, gagawin kong brand x.

1. Brand X University - Main Campus
2. Brand X University - Satellite Campus

Nakapasa po ako sa dalawang University na yan, sa Main Campus ay BSIT at Computer Science naman sa Satellite Campus.

MAIN CAMPUS:
Positive:
• Nagtuturo raw po talaga ang Prof dito.
• Sa tingin ko po ay mag gogrow ako dito kasi new environment.
• Sa tingin ko po ay dito ako makakahanap ng totoong friend.

Negative:
• Sa city pa po 'to, 2 hours po ang biyahe mula sa tinitirhan ko.
• Wala po kaming sariling bahay dito so mag boboard po ako, at ang pinakamababang rent ay 2000 pesos.
• Dagdag gastos din po yung pagkain at baon ko araw-araw.


SATELLITE CAMPUS:
Positive:
• Sobrang lapit lang po sa amin, as in.
• 'Di ako malalayo kay Mama.
• 'Di mamomroblema yung pamilya ko sa boarding house.
• Maraming gulay sa paligid kaya kapag walang pera ay pwedeng mag gulay-gulay lang.
• Makakabili ako ng laptop kasi yung pang board ko dapat ay ipangbibili ko na lang.
• Saulo ko na yung lugar

Negative:
• Hindi raw nagtuturo yung ibang prof
• May isa po akong naiisip pero di ko siya maconvert into words.




Yun lang po. Alam kong naiisip niyo na "Obvious naman kung ano na dapat piliin mo." opo, alam ko na po talaga kung anong dapat piliin ko. Pero gusto ko pong may mag support sa desisyon ko para mawala yung bigat na nafefeel ko.
 
What do you mean by "di nagtuturo yung ibang prof"?

Granted, meron nga talagang mga petiks na guro. Yung tipong basic lang talaga yung itinuturo. Pero pagdating sa technical field gaya ng IT/CS, largely skill ang dapat mo matutunan dyan more so yung mga concepts. May mga guro talaga na hindi ka i-i-spoonfeed, lalo na pag something technical as learning how to code.

I am not saying na hindi importante na malaman yung mga konsepto ng mga aralin sa IT/CS. Pero mas malaking bagay sa'yo kung magtuon ka ng pansin doon sa marketable skills na matutunan mo habang nasa school ka (e.g., software engineering, coding, web development, computer network, graphics design, etc.). That is, unless plano mo rin magturo sa parehong larangan in the future.
 
Last edited:
for me don ako sa malapit, struggle talaga kapag malayo at magastos.

sa pag tuturo naman, nasasayo naman yan kung mag sstudy ka on your own e,

sa malapit sainyo makakapag provide ka ng laptop which you can use to study more pa.
 
mahirap po ang malayo at magastos nag stop ako ng 1s year dahil dyan,kaya lilipat ako sa malapit pero hindi kagandahan DAW yung school pero no choice dahil baka lalo mamoblema mga magulang ko dahil sa gastusin

tungkol naman sa kurso kung ano talaga babagay sayo dun kana siguro para ma enjoy mo ang pagaaral at hindi pilit sa mga natutunan (gets po ba?) pero itindihin mo rin mga pros/cons bago mag desisyon.

kagaya ng nangyari sakin dahil sa padalos dalos medyo nag sisi ako dahil sayang 1 year
 
Last edited:
I will go to satellite campus, mas makakapag tapos ako if walang pressure about bills paps, mas magaan sa utak, and makakapag focus sa studies.

Darating ang panahon na need mo gumawa projects na need malate ng uwi etc,.

Sa course naman, halos walang pinagkaiba yan, self study lang talaga sa programming.
 
May weird case dito sa amin ang BSCS nandun sa isa sa mga satellite campus for what I describe that place "mabundok", tas ang IT nasa isa sa mga satellite campus din pero "city-like"

IDK bakit nilalagay nila yung mga near-sophisticated na courses sa mga lugar na hindi gaano matao which also equates to that most likely hindi rin gaano maano magturo mga mentors doon kasi malayo sa city
 

Similar threads

Back
Top