What's new

Closed Hindi po namin sinasamba ang mga rebulto???

Status
Not open for further replies.
Bakit ba pagka naniniwala o sumasamba sa rebulto, sa mga banal na anak ng dyos o kay Jesus kaagad mapapahamak.
Ang magandang balita naman ni Jesus ay lahat maililigtas walang pipiliin. Ang daming mga namumukudtangi sa mga paniniwala na sila daw ay totoo at dapat paniwalaan. Pano na yung mga mabubuti nating kapatid hindi na ba maililigtas dahil isinilang sila sa ganuong pamumuhay.

Dapat kasi maniwala na lang tayo sa nagiisa at buhay pa nating propeta sa kalangitan. Magpasalamat na lang tayo na hindi na natin kailangan magalay pa dahil sa kanya...

Sabi ni Jesus ay sundin ang loob ng Dyos at paniwalaan siya. Magdasal para mailigtas at gumawa ng mabuti at ipagdarasal ka rin nya. Kung nakikilala mo siya kikilalanin ka rin nya. Ganun din ginawa ng unang mga naging propheta. Sila yung gagabay para hindi tayo maligaw.

Kung paano magsamba ang iba, sa paraang iyon dun na nila makikilala ang Dyos. Dapat ipagdasal nalang natin yung mga yumao na para ipagdasal din naman nila tayo sa Diyos. Tulungan din natin sila huminge ng kapatawaran at sila ganun din satin.

Walang batayan ang paniniwala kung iisang Diyos lang meron tayo.. Pantay siya sa lahat at siya lang ang tunay na may alam at hindi tayo.
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top