What's new

Closed "hanggang sa"

Status
Not open for further replies.

Senpai_Sora

Honorary Poster
Joined
Jul 24, 2017
Posts
267
Reaction
101
Points
155
"Hanggang sa"
by: me
Ang sarap magmahal ng taong kahit hindi forever ay mamahalin ka nya "hanggang sa",
mamahalin ka nya hanggang sa kaya nyang hawakan ang kamay mo,
kapag naglalakad kayong dalawa.
Hanggang sa kaya ka nyang halikan sa harap ng maraming tao ng hindi nahihiya.
Hanggang sa, kaya ka nyang ibida sa mga kaibigan nya,
Hanggang sa kaya ka nyang ipakilala sa harap ng mga magulang nya.
Mamahalin ka nya hanggang sa hindi ka nya iiwan ano mang problema,
hanggang sa nandyan lang sya sa tabi mo pag hindi mo na kaya.
Hanggang sa kaya nyang mabasa ng luha mo sa tuwing iiyak ka,
Hanggang sa kaya nya sakyan ang biro mo kahit di nakakatawa.
Mamahalin ka nya hanggang sa kaya ka nyang ipaglaban, kahit hindi man sumang-ayon ang panahon sa inyong pagmamahalan.
Hanggang sa ang bukas ay paplanuhin nyo ng magkasama,
Hanggang sa pagluhod mo at pagsuot ng singsing sa kamay nya, oo ang isasagot nya.
Hanggang sa ang apilyido mo ay maging apilyido nya.
Mamahalin ka nya hanggang sa altar kamay mo ang hawak nya,
hanggang sa tunay na ngiti ang makikita sa labi nya sa kasal ninyong dalawa.
Mamahalin ka nya hanggang sa ang mga anak mo sya ang magiging ina,
Hanggang sa bumuo kayo ng kontentong buhay at masayang pamilya.
Hanggang sa kahit puti na ang mga buhok nyong dalawa, maganda parin ang tinginan nyo sa isat-isa.
Hanggang sa kahit wala ng kayong mga ngipin,
ngiting matamis parin ang namumutawi sa mga labi nya.
Mamahalin ka nya hanggang sa walang bahid ng pagsising minahal kanya,
ang makikita sa mga sayang pinapakita nya,
Hanggang sa kahit nakaupo na lamang kayo sa upuang uuga-uga, mamahalin ka nya.
Mamahalin ka nya hanggang sa,
hanggang sa ang i love you mo, i love you too parin ang sagot nya.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top