Wag mo yan basta-basta pakakawalan. She's a type of rare wife material, isipin mo yun nakaka 3 years na kayo pero hindi man pumapasok sa isip niya na boring na o kakapagod ganun.
Kung clingy, sweet, responsable siya at di materialistic dahil sabi mo nga simpleng bagay masaya na siya, then keep her. Bihira nalang yung mga ganyang babae promise, karamihan kasi sa ngayon nasisilaw sa pera o mukha e.
Please take care of her, at kung sakaling clingy siya sa public hayaan mo. Sabayan mo nalang yung gusto niya swerte mo nga ginaganyan ka e samantalang yung iba busy sa laro o wattpad o k-drama na mas gusto pa nila pagtuunan yun ng pansin kaysa sa mga partner nila amps. Don't mind the other people, wala silang pake dun, buhay niyo yan kaya may karapatan rin kayong gawin kung anong gusto niyo. Clingy man yan o naiinis ka minsan dahil ganyan sa public pero trust me, she's giving genuine love to you. Wag kang magalit o magsawa kasi pag ganyan ka baka mapunta sa punto na "realized mo rin pala na maganda pala yun at namiss mo na o kailangan mo pero di na niya nagagawa sayo dahil sinayang mo sa una".
Alagaan mo siya.
BTW, blessing yan para sayo.