[XX='KilleerR8, c: 1298536, m: 1110355'][/XX] 144,000 yun lang yung mga angkan na pinangalanan po,kumabaga makakasigurado ka na may maliligtas sa mga angkan na yon ,pero ang bilang ng maliligtas ay hindi mabibilang
Pahayag 7:9
Pagkatapos ng mga bagay na ito ay tumingin ako, at narito, ang isang lubhang karamihan na di mabilang ng sinoman, na mula sa bawa't bansa at lahat ng mga angkan at mga bayan at mga wika, na nakatayo sa harapan ng luklukan at sa harapan ng Cordero, na nangadaramtan ng mapuputing damit, at may mga palma sa kanilang mga kamay;
Eto na po yung kabuuan ,total ng lht ng maliligtas ,.ngaun ang tanong bkt may 144,000 na pinangalanan mga mula saga angkan?
Ang malinaw na sagot dyan ,kung ang total ng maliligtas ay hindi mabilang ninoman kasama angkan ni israel, kung ilalagay ang bawat angkan sa bibliya at papangalanan lahat mga angkan nila ,lalabas magkakaroon rin ng napakakapal na bibliya ,.kung pangangalanan lht ,ng maliligtas .
Kung pilipinas pa lang po may milyon-milyon na ang populasyon..
Nakita ni juan, ng ipakita kay juan ang apocalipsis,.
Pahayag 7:4-10 (TLAB) At narinig ko ang bilang ng mga natatakan, na isang daan at apat na pu't apat na libo, na natatakan, sa bawa't angkan ng mga anak ni Israel:
Sa angkan ni Juda ay labingdalawang libo ang tinatakan; Sa angkan ni Ruben ay labingdalawang libo; Sa angkan ni Gad ay labingdalawang libo;
Sa angkan ni Aser ay labingdalawang libo; Sa angkan ni Neftali ay labingdalawang libo; Sa angkan ni Manases ay labingdalawang libo;
Sa angkan ni Simeon ay labingdalawang libo; Sa angkan ni Levi ay labingdalawang libo; Sa angkan ni Isacar ay labingdalawang libo;
Sa angkan ni Zabulon ay labingdalawang libo; Sa angkan ni Jose ay labingdalawang libo; Sa angkan ni Benjamin ay labingdalawang libo ang tinatakan.
Pagkatapos ng mga bagay na ito ay tumingin ako, at narito, ang isang lubhang karamihan na di mabilang ng sinoman, na mula sa bawa't bansa at lahat ng mga angkan at mga bayan at mga wika, na nakatayo sa harapan ng luklukan at sa harapan ng Cordero, na nangadaramtan ng mapuputing damit, at may mga palma sa kanilang mga kamay;
At nagsisigawan ng tinig na malakas, na nangagsasabi, Ang pagliligtas ay sumaaming Dios na nakaupo sa luklukan, at sa Cordero.
Bali angkan pa lang po iyan ng mga anak ng ni Israel ,israel pa lang po iyan,.noong panahon pa na ang isarael ay bayan pa ng Dios,.katunayan po di pa po kasama mga apostol dyan na sigurado naman po na maliligtas din naman po ,.
Kaya ang sumatotal lubhang karamihan na di mabilang kasama mga angkan ni israel ,yun po ang malíligatas , di lang po ipinasulat lht dahil di na po mabilang pra isulat ni juan ..