Para lang sa kaalaman ng lahat at gaya ng mga sinabi ng mga nauna ng nagcomment.
Tanong: Makakapag Register ka ba gamit ang fake ID?
Sagot: Yes, posible yan. Dahil walang sistemang gawa ng tao ang perpekto.
Tanong: Anong implikasyon o mangyayari sayo kung nag register ka ng simcard gamit ang fake ID?
Sagot: Pwede kang makulong ng mula anim (6) na buwan hanggang dalawang (2) taon, at / o multa mula 100k to 300k.
Tanong: Paano kung nag register gamit ang fake ID pero wala naman ginawang masama, katuwaan lang ng barkada para mapamasikat lang na nakapag register gamit fake ID?
Sagot: Kulong ka padin. Kahit wala kang intensyon masama, yun aktong pag register mo gamit ang pekeng ID, nilabag mo na yun pinagbabawal ng batas.
Tanong: Paano naman nila malalaman na fake yun ID na binigay mo?
Sagot: Maraming paraan, kapag kumuha ka ng police clearance, nakipag transact ka sa gobyerno or private na individual, maari na nilang i verify yun details mo.
Tanong: Paano kung di mo naman gagamitin sa legit na transaction yun dummy account mo na ginamitan mo ng fake ID? malalaman ba nila na ikaw yun?
Sagot: OO. Alalahanin na may record ang bawat telco ng detalye na binigay mo at selfie picture mo. Yun palang na akto na nagbigay ka ng pekeng detalye sa pag register, prima facie evidence na sa guilt mo.
Wag na mag magaling, wag mong subukan.