What's new

Closed Eto yung maiinis ka sa mga kwento!

Status
Not open for further replies.

-simplice-

Forum Expert
Joined
Jun 10, 2018
Posts
6,073
Reaction
2,210
Points
2,214
Isko: Pare nakita kita kanina nung nakasakay ako sa helicopter ko ah. Tinatawag kita hindi mo naririnig.

Dado: 'A pasensya ka na pare kung hindi kita narinig, maingay kasi yung mga makina ng F1 turbo racing cars ko 'e.

Isko: 'A ganon ba? Kakalabitin nga sana kita galing sa helicopter. Magba-bungee jumping ako papunta sayo para makalabit kita. Kaso naisip ko bisitahin na lang kita dito.

Dado: Sakto nga yung pagbisita mo pare. Hindi kasi natuloy yung schedule ko ng pag-akyat sa Mount Everst.

Isko: Mabuti naman kung ganon pare. Matagal na kasi tayong hindi nagkikita. Naging busy kasi ako. Lagi kasi akong niyayaya ni Kobe Bryant mag-basketball.

Dado: Gusto ko nga ding makapag-basketball pare. Kaso si Megan Fox laging nagyayaya mag-date. Pinagbibigyan ko na lang kawawa naman kase.


Isko: Tara inuman tayo pare.


Dado: Tara, libre moko.

Isko: Ay nako pare, wala akong cash dito. Naiwan ko kasi yung wallet ko sa Saturn nung huling space expedition ko. Ikaw na lang muna manlibre.

Dado: Nako pare wala din akong cash. Naiwan ko sa year 1992 nung ginamit ko yung time machine ko.

Isko: Yayain na lang natin si Pareng Oscar. Sya na muna ang manlibre. Text mo.

Dado: Nagcha-charge pa ng battery yung cellphone ko sa secret laboratory ko. Ikaw na mag-text.

Isko: Sure. Naka-unlimited text naman ako.

Dado: Yabang mo naman.
 
Ang nagiging damdamin talaga natin sa kayabangan ay inis bakit kaya ano?

may mga taong ganyan yun akala mu kung sinu na makapagyabang lang pero wala naman ibubuga hanggang salita lang kaya siguro nakakainis!.. hahaha...
 
may mga taong ganyan yun akala mu kung sinu na makapagyabang lang pero wala naman ibubuga hanggang salita lang kaya siguro nakakainis!.. hahaha...
Kahit naman yong may ibubuga at mayayaman na mayabang nakakainis parin eh
 
Ang ulam daw nya karne...pero sardinas lang pala :)

Wala lang po may masabe hahaha...
 
Last edited by a moderator:
usapang magbabarkada ahahahah, yung tipong kapag may nakarinig na iba pwde nang liparin ng hangin dahil sa kayabangan niyong walang katutuhanan ahahahaha
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top