What's new

Trivia Engkanto, aswang? tara láρágan ng experience😁

Based on experience ko. Nung elementary years ko, galing ako sa bahay ng kaklase nung pauwi na ako nag shortcut ako ng daan di ko alam may sementeryo pla na madadaanan. Nung nasa tapat na ako ng sementeryo biglang nagtumbahan mga tanim na kamoteng kahoy at humarang sa dadaanan ko kahit wala naman tao. Karipas ako ng takbo pabalik walang lingon2x.
 
Ako naman noon bata ako nag outing kami sa isang mabato na bukirin(creepy vibes na lugar), ako bilang bata naisipan ko lumayo sa house nang host namin at napapad ako sa palayan malapit sa creepy na mabatong bukid. Umopo lang ako at parang nag papa hangin... then after noon umitim yung parti nang binti ko as in subrang itim na parang tinurukan nang black venom, yung creepy lang hindi naman masakit at wala naman ako na randaman na sakit or wala man lang infection.... bigla nalang sya nawala nung bumalik na ako sa bahay nang host namin.
 
Ako real experience mataas ang araw ako pinaglaruan ng masasamang enkanto...at totong nakakakilabot pero nilakasan ko loob ko para di ako magapi so heres my own story...wag nyo na po ituloy basahin kung di nyo kaya baka mabuksan ang inyong 3rd vision nyo ng di oras....

Ako po ay isang ice cream vendor almost 16 years at taong 2020 buwan ng enero 8:30 ng umaga may pasok sa school nung time na ito,,sa di inaasahan pangyayarin habang akoy naglalako papunta sa aplaya ay may pumara na tatlong studyante ng malihud elementary school..bibili daw ng ice cream ang isang studyante,,so ako ay tumabi kc kalsada at malapit narin sa school nila...so pagkatabi ko,,ang sabi ng bibili ,,"hala saan ko naba nalagay yung pera ko"

So hinanap nya sa bag yung pera nya ,,kasama yung dalawang studyante pero wala,, kaya nagsalita yung bibili na ,,"san ko na ba nailagay wallet ko"ang edad nya estimate ko ay nasa 7 years old puro babae sila...at nilapitan ko para itanong kung bibili pa sya o hindi na kc nanghinayang ako sa oras kc naghihintay ako...

Alam nyo kung anong exact na sagot sakin,

Sagot ng isang hindi bata

"Oho kuya bibili pa ako,,pwede po pahintay ,tanungin ko lang sa school namin wallet ko"
Nag taka na ako na parang may kakaiba at naging curious ako kung legit ba yung kakaibang naramdaman ko,,

So sinabi ko sige hintayin kita sa gate at sunod lang ako sa school nyo..so dun na ko sa gate at pumasok yung tatlong student at tumakbo sila sa loob ng isang room,,,nakita ng dalawang mata,,at sigurado ako sa makita ko na yung bibili sa akin na studyante ay nag halukay ng mga bag ng mga studyante at nag sisigaw na dito ko lang yun nilagay nasaan na yun...


So naghahalukay HABANG ABALA ANG GURO SA PAGLELECTURE AT PAKIKINIG ANG MGA STUDYANTE, at narealized ko bandang huli ako lang pala ang nakakakita sa tatlong batang studyate na puro nakauniform...at lumabas na yung dalawa sa room at nakita nila ako na naghihintay parin,,,at sumigaw yung dalawa sa labas na parang walang nag klaklasae sa loob...

Ang sigaw nung dalawa,,

Tara na dali alis na tayo.....paulit ulit na sigaw na ako lang din ang nakakarinig at at hindi nadistract ang guro na nagtutu sa loob....tumakbo yung dalawa sa damuhan palayo at bigla nalang naglaho..ang isa sa loob di na nakalabas di ko alam san napumunta...

Sa huli nagsisi ako,,bakit diko kina usap yung mam sa loob nun time nayon,,sana tinanong ko bakit di sila nadidistract sa pumasok na magugulong studyate,,naisip dapat sasawayin nya yun,,pero hindi isip ko napaglaruan talaga ako ng mga engkanto...

So yun lang,,,nung nagkaroon ng palaro sa school na yun nalaman ko sa guard na may mga nkita sya na tatlo rin batang babae na pumasok sa school gabi nangyari at sinita nya akala nya nga magnanakaw pero bigla din daw nawala nung tumakbo sa damuhan...

I therefore conclude,,maari na dun sila nakatira...at ako ay napagtripan lang nila...

Hindi naman ako takot hehe....
 
Lahat nang naranasan niyo ay kagagawan nang mga anghel ang kasama ni Satanas, gusto nilang mapaniwala tayo
 
He he. Ang experience ko sa ganyan ay noon mid-70's (pre-teens ko). Mayor yung tiyuhin ko at may nahuling itim at malaking aso "daw" yung mga pulis nila noong nagronda sa gabi na kinulong sa presinto para pulutanin, pero kinaumagahan ay isang matandang mahaba ang buhok ang nakita sa kulungan na may tanikala. Aswang daw yon. Pinalaya ng tiyuhin ko siyempre. Noong naikuwento niya noong araw din iyon kung saan siya nakatira, alam ko na.
Kilala ko yung matandang yon (si Aling Lily) dahil madalas akong makipagkwentuhan doon malapit sa bahay tuwing nagbabakasyon ako. Naglalako din kasi yan ng "pinangat" sa amin. Mukhang aswang lang dahil napakahaba talaga ng buhok (tulad noong sinaunang mga Kastila), pero devoted Catholic yon at puro nga santo at Krus ang sa altar sa loob ng bahay. Kamukha pa ni "Mama Mary" yung apo niya, pati mata at buhok - tisay pa. Kahit noong edad kong yan ay naniniwala pa ako sa kwento ng lola ko na totoo yung aswang, dwende, engkanto, tikbalang atbp., pero di ko matanggap yung bintang sa kanya. Marami pa rin ang nagsasabi na aswang siya dahil sa balita. Ngunit ang katotohanan talaga ay dinampot siya ng isang pulis na may galit sa kanya noong gabi dahil daw sa "tiktik" na umaaligid sa kanyang buntis na asawa.
Wala namang "aswang" talaga. It's folklore. Dahil doon, napilitan silang lumipat ng tirahan para maiwasan ang tsismis. Naunsiyame tuloy yung pagdalaw ko sa una kong "crush" he he. Nagkita rin kami after a few decades (maganda pa rin) at ikinuwento na namatay si Aling Lily at a ripe age. We still remain as friends.

Kung experience sa engkanto naman, ang dami nyan depende sa interpretasyon ko noon, mga kasama at kilala ko at matatanda.

1. Taga-Maynila ako, pero mahilig akong mamaril ng ibon sa probinsiya (Quezon) noong 70's (dose anyos) mag-isa sa gubat mula 4am - 4pm. For some reason, nahilo at bigla akong nakatulog sa "balete tree" na paborito kong pamarilan sa bundok na +2hrs walk hanggang sa amin. Nagising ako mga 8pm siguro na nahihilo pa rin at halos walang makitang daan pabalik. Since ang mata natin ay mag-adjust sa dilim basta may slight presence of light, nagtiyaga akong umaninag ng daan at yung tunog ng mga sasakyan na lang sa malayo yung naging guide ko. Past 11 pm akong nakauwi pero di ko matandaan kung papaano ko nagawa. Umuwi ako na bitbit pa rin yung backpack, airgun at yung mga nakatuhog na ibong nabaril ko he he. Lahat sa bahay nag-aalala na at naitimbre na ako sa mga pulis para hanapin. Two weeks akong di makagalaw, at ilang buwan na sugat sa paa na ayaw gumaling. Walang masabi yung mga duktor dahil sa limited na detalyeng sinabi ko. Ano ba naman masasabi ng isang dose anyos? Naengkanto daw ako sabi ng mga matatanda. Nalaman ko lang after my check-up sa Manila na lead-poisoning ang cause. Ginaya ko kasi yung turo ng isang matandang mamamaril na sinusubo yung lead pellet sa bibig habang nag-iintay ng ibon. Ako kasi, +10 pellets kung sumubo at ilang linggo ko na rin yon ginagawa. I learned my lesson...but sadly through a mistake.

2. Pagkatapos ng ilang linggo pagbalik mula Maynila, namamaril na naman akong mag-isa pero sa isang malapit na burol sa amin dahil banned na ako sa bundok. May nakita akong buntot sa lupa na naghuhukay - mukhang bayawak. Siyempre, hinukay, hinila at binaril ko ng airgun hanggang lumabas siya na +5 ft. pala at buntis pa. Kung di ko napalo ng kahoy ay kinagat ako. Hinila ko na lang pauwi dahil wala pa akong 4 ft. noon he he. Naiwan ko yung itak ko sa pagmamadali. Noong binalikan ko at bumaba na sa burol, pagkaapak ko sa putik sa pitak, biglang tumahimik yung paligid, walang hangin, walang gumagalaw na dahon kahit saan, wala akong marinig, pati mga taong nakikita ko sa malayo ay tila hindi rin gumagalaw, maging ako, at di ako makapagsalita. Sa malambot na liguan ng kalabaw ako napaapak kaya lampas tiyan na yung lalim ko at patuloy pang lumulubog. Habang nilalabanan ko ay di ako makaalis, pinilit kong kumalma na lang kahit sagad na yung takot ko. Umabot ng +30 minutes bago bumalik yung aking ulirat at makagalaw ng normal. Sabi noong isang magsasaka nakakita sa akin, akala niya ay naglalaro lang ako sa putik he he. Gumagalaw naman daw ako pero nasa isang lugar lang. Sa galit ko nga, binalingan ko at tinabas lahat ng ng nuno sa punso sa burol at pitak for some crazy reason kahit magkasugat-sugat yung kamay ko. "Bad boy" kasi ako noon. Di ko maipaliwanag noon kung bakit pero malamang ay case of "panic attack" yon. Yung paglubog ko sa putik ang nag-trigger!

Marami pa yan sa dami ng aksidente at misadventures ko with nature sa bundok, kweba, ilog, atbp. I embroiled myself to experience and see with my own eyes all the the myths and folklore my old folks still believe to find the truth when I was younger. Pero in all cases, hindi engkanto o kung anong nilalang ang dahilan kundi normal causes due to mistakes, fraud, fear or just misunderstandings of reality. "Seeing is believing" is not enough. You need a lot of time to see the facts for sound analysis and judgment. That's the fault why most people are easily carried by authoritative narratives of the elders that imprint it to the minds of the child while they're still young - which is hard to correct if you are trained to just follow without thinking repeatedly! It applies to everything.
 
yung shapeshifter lore ay very common iyan dito sa atin, baka nag simula iyan sa mga proto-Austronesian culture or maybe much older. makes me wonder kung totoo nga sinasabi ngayun na meron nautical bridge few thousand years ago between pacific islands at sa americas.
 
ang bata madaling lokohin madaling maniwala

nuong bata rin ako may ganyanpero ngayon tumatanda na wala na hindi na kasi ako naniniwala sa mga manloloko napagtanto siguro nila na sasayangin lang nila oras nila sakin dahil una palang hanggang sa huli kilala ko na sila kaya siguro hindi na sila nag eeffort na lokohin ako
 
Aku nga everytime n pupunta aku sa cr namin, palagi akung my naririnig na umiiyak n mga bata. Kya ginawa ku ngsindi n lng aku ngkan dila sa banyo namin😁😂
 
yung shapeshifter lore ay very common iyan dito sa atin, baka nag simula iyan sa mga proto-Austronesian culture or maybe much older. makes me wonder kung totoo nga sinasabi ngayun na meron nautical bridge few thousand years ago between pacific islands at sa americas.
Bukas naman ang isip ko sa possibilities dahil marami pa rin pwedeng mangyari as we continue our discoveries as long as it's plausible. Yung lumang kultura kasi, kahit naman saan ay di nawawala hangga't merong generation na nagpapasa nito without changing it's content to apply to modern times.
Huli yata ako sa balita dyan sa land bridge sa Pacific Islands to Americas he he. Ang alam ko lang noon yung Bering Land Bridge from Asia (Russia) to North America noong araw at old island hopping routes from Asia to Australia pre. Medyo di ko linya geography he he. But that's the common knowledge.
 
Last edited:
ako mismo ay nakakita ng aswang habang kinkain ang biktima pero bakit ganun sabi ng biktima cge cge cge pa kainin mo pa hayyy...🤣🤣🤣🤣🤣
He he. Putris, vinerify ko pa ulit sa taas kung napunta na naman ako sa Joke section.
Para yang kuwento sa RFTIA sa YT....Wala namang problema siguro at may consent yung biktima he he. Legal yung aswang!
 
Nung bata pako diko sukat akalain na makakakita ako ng tao as in tao na nagsasabing bibigyan daw niya ng sampung libo bawat pamilya pero bigla nalang nawala
 

Similar threads

About this Thread

  • 100
    Replies
  • 5K
    Views
  • 63
    Participants
Last reply from:
-Bannerism

Online statistics

Members online
529
Guests online
4,523
Total visitors
5,052
Back
Top