What's new

Closed Edited: exchange of thoughts about the holy book, science vs. faith

Status
Not open for further replies.
Panung putting ideas na hindi naman context? lahat po ng sinabi ko dito ay within context. Boss kung nag basa ka ng mga posts dito malalaman mo na meron dito puro's pang aasar lang pinost taz even a single insight regarding this discussions is wala syang naibahagi eh. Ako nakaka offend man pero hindi ako lumilihis sa usapan. Tsaka boss wala pong propaganda at wala ping nag papakalat ng Atheismo. Ang pagiging atheist ay self realization po. Kung paano nya po naintindihan ang mga bagay bagay based on reality po. Hindi po to kagaya ng religion na control at manipulation without providing solid facts ang sinusundan. Free will po eto. Diba nga kayo pa nga ang malaks ang loob na mag sabi sa mga tao na kapag sinuway nila ang Diyos ay mapuounta sila sa impyerno? Nilalagyan nyo ng takot ang utak ng tao. Imbis na katotohanan ang itanim nyo eh takot ang nilalagay nyo. So yung tao na lilimitahan na yung choice nya kasi merong ng takot na pag hindi nya nasunod, impyerno ang sasapitin nya. Walang ganun sa Atheism. Ang main purpose namen ay to seek the truth. Actual, factual reality based evidence.
Sa totoo lang bro,baka yung mga atheist dati,walang propaganda pero looking at Dawkins,hindi maipagkakaila na may movement para ipakilala ang atheism,hindi lang ito self realization.
So you mean na pag may thread about religions is nag papansin na din kayo? Ganun ba talga ang batayan ng thread? nag papansin? Ang pag kakaintindi ko ay exchanges of ideas to, debate, questioning, showing of valid evidences to support their sides. So pag medyo na offend ka kasi nakita mo na may mas nalalamangan ka is pagyayabang na ba yun? Kung tutuusin nga kayo nga mahilg mag brand ng mga tao eh, hilig nyong sabihin na purkit hindi naniniwala sa diyos masama na? Masusunog sa impyerno kasi hindi nakakakilala sa diyos?
Palagay ko walang ganyang brand,kaya nga ako nagpost sa thread na ito knowing beforehand na matitino ang mga kadebate dito pero sa totoo lang medyo dissappointed ako
Eh kung titignan mo nga ang reality mas marami pang nai ambag sa pag tuklas at teknolohiya ang sinasabi mong hindi naniniwala sa relihiyon eh, at kahit nga ikaw mismo nakikinabang dito eh.
I disagree here,kung paramihan ng may naiambag sa technology mas nakakalamang sa dami ang mga theist,hindi ito brag kundi factual,ang alam ko lang na naiambag ng kilalang atheist scientist ay theory.
Eh yung relihiyin anong inambag sa lipunan aside from control? Diba kayo kayo din nag papatayan? from the bibkical text up to reality ang content kundi genocide to **** acts hanggang umaasta nadin sila ngayong politiko.
Hindi mo ba napansin na sa bawat sibilisasyon na kilala noong mga ancient times hindi nahihiwalay ang religion,mula sa astronomy kahit alchemy(ancient chemistry) kung frustrated ka sa ginagawa ng mga theist,hindi na kasalanan yan ng religion esp. Christianity nasa nature na ng tao yang ganyan hindi ba may mga atheist din naman na sinubukan gumawa ng society na base sa ideolohiya ng atheism kaya nga binuo no Karl Marx ang konsepto ng Communism,ano ang nangyari total failure ito.
As far as I know sa "theist" nanggaling ang "atheist" dahil yan ang naging brand nyo sa mga taong sumalungat sa simbahan. Mga Atheist means not theist. Hanggang na accept nalang siguro ng lipunan yung term.
May mga atheist na dati pa,kung tutuusin hindi naman sila na persecute mas napersecute pa nga ang mga theist noon tulad ng mga Protestants kaysa sa mga atheist dati
 
I don't believe bible and religion, but I believe on God.

human created religion
human created bible

Opinion lang po. PEACE
Panoorin mo P.K. boss ni Ahmir Khan yung gumanap sa 3 idiots and Every child is special. Maganda rin yun. A indian movie that tackles belief or rather what to believe. Lalo na't all over the world sandamak mak ang kinikilalang Diyos ng mga tao.
 
The universe is vast. Malay mo meron nilalang na "powerful" na masasabing parang "god" tapos nilalaro lang tayo.

Uhmm, maybe we will only know the "birth" of the universe when the universe "die".


hypocrites spotted
 
I don't believe bible and religion, but I believe on God.

human created religion
human created bible

Opinion lang po. PEACE
Human Created Religion..indeed..and God too..(my own perspective) which Remind me of a song entitled Dear God by XTC
 
tama pinatagal pa nya sana noong nagkasala sila eva at adan inulit naqlang nya sana ang lahat ,, ginawa nya nga lang na 7 araw lang diba ? why not ulitin nya lang ...

pero dba hindi iteral na 7 days nya ginawa ang universe. ang sabi sa isang theory consist yun ng millions of millions of years
 
Sa totoo lang bro,baka yung mga atheist dati,walang propaganda pero looking at Dawkins,hindi maipagkakaila na may movement para ipakilala ang atheism,hindi lang ito self realization.
Palagay ko walang ganyang brand,kaya nga ako nagpost sa thread na ito knowing beforehand na matitino ang mga kadebate dito pero sa totoo lang medyo dissappointed akoI disagree here,kung paramihan ng may naiambag sa technology mas nakakalamang sa dami ang mga theist,hindi ito brag kundi factual,ang alam ko lang na naiambag ng kilalang atheist scientist ay theory.Hindi mo ba napansin na sa bawat sibilisasyon na kilala noong mga ancient times hindi nahihiwalay ang religion,mula sa astronomy kahit alchemy(ancient chemistry) kung frustrated ka sa ginagawa ng mga theist,hindi na kasalanan yan ng religion esp. Christianity nasa nature na ng tao yang ganyan hindi ba may mga atheist din naman na sinubukan gumawa ng society na base sa ideolohiya ng atheism kaya nga binuo no Karl Marx ang konsepto ng Communism,ano ang nangyari total failure ito. May mga atheist na dati pa,kung tutuusin hindi naman sila na persecute mas napersecute pa nga ang mga theist noon tulad ng mga Protestants kaysa sa mga atheist dati
Pakiwari ko kaya ka na dissapoint kasi siguro na realized mo rin na may point sila pero since di ka pwdeng tumalima sa paniniwala mo kasi takot kang masunog sa impyerno, nag titiis ka nalang sa disappointment. (palagay ko lang naman to brad, and I guess we will never know.) kung paramihan ng naiambag sa teknolohiya mas nakalalamang ang theist? proof mo brad? kadikit ng civilization ang relihiyon? oo kasi man made sya. Kaya nga kung sino nga may hawak ng relihiyon dati is considered makapangyarihan eh, kasi nga religion=control, control=power. Ikaw ba naman gamitin mo ang concept ng diyos at utuin mo yung population na kapag hindi sila sumunod sa relihiyon, kamatayan ang bagsak nila di ka ba susunod in the ancient times? Kahit nga sa kwento ni kristo yung mismong relihiyon ang nag papatay sa kanya and yet nandito kayo ngayon with that same religion. Haha how ironic. Huh? communism total failure? anong pag kakaiba ng mga estado ng bansang china ngayon? ng north Korea? ng pilipinas? Hahaha huh? mga atheist hindi pinipersecute? eh lumaban ka nga lang sa simbahan tyak patay ka eh. Yung mga babae nga dati branded na witch purkit nagnaaral sila ng syensya eh. Anong ginagawa sa kanila diba pinapatay? babatuhin, bibitayin, susunugin. lahat in the name of religion.
 
My opinion is, I will believe in something that has proof, more basis, trying to find the real answer of the existence of universe and more rather than believing a book with all the good stories to reflect the people with good deeds and attitude and believing a god to be saved with no proof at all. Bible is a good book tho
 
Di ba kayo nag tataka sa bible na maraming nag revise at may nag sulputang versions ng bible? If kay God yan bakit pa may version2 at eririwrite pa? Kaya may versions para may pag takpan yung mga questionable na content at para ma defend ng Bible ang ibat ibang katanungan kaya kaylangan i revise. Sa nag sasabi na sino nag create ng mundo? So far pa rin ma prove ng mga scientist ito so may mga theories sila i think sa ating brain capacity as a human being hindi talaga natin ma fifind.out kung san tayo nggaling but I will believe in something that is trying to find out the existence ng mundo rather than believing in something with no proof. I find science more realistic than God and the bible. My opinion
 
Kung gusto ninyo ipagtanggol ang Bibliya, may kasamang archaeological facts at Bible verse dapat ang pangdebate ninyo lalo ka na T.S. Hindi ako delusyonal, ikaw na nagsimula nito ay hindi sapat ang kaalaman kapag sa gantong usapin.

Sa totoo lang medyo may alam ako lalo na pag sa ganitong topic pero hindi muna kailangang ibida pa. Mahirap maging Kristiyano lalo na kung nasa lugar ka na napakalapit mo sa kasalanan. Realtalk yan.

Totoo na may Diyos. Proven sa Biblia at archaeological facts meaning ang Bible ay may katotohanan base sa mga nadiskubreng mga bagay na ginamit noon. Iisa lang ang Diyos kung tunay kang Kristiyano. Hindi namin kilala si Allah. Si Jesus Christ ang tunay na Mesias. Yung professor ko na Messianic (take note, hindi yan kasali sa kung ano mang relihiyon ang naiisip niyo), kaya niyang ipamukha sa inyo na kalokohan lahat ng relihiyon at papatunayan niya sa inyo na si Hesukristo lang ang tunay na Panginoon. Maghanap kayo ng mga taong Messianic na nag-aral ng Pilosopiya para maging malinaw sa inyo at mamulat kayo sa katotohanan. Hahahahaha. Yun lang.

Cheers mga ka-PHC! :)
 
Last edited by a moderator:
Eto nanaman tayo... Hahahaha.. Sa part ng mga scientific minded. Gumising kayo. Hindi lang bigbang ang theory about sa pinagmulan ng lahat lahat. May bagong theorya ngayon na mas detailed at valid. Try to research it.

Dun naman sa religious ones. Please stop saying na magbasa kami ng bible. My God. Try nyo kaya magbasa patungkol sa science. Wag nyo hayaang maging sarado utak nyo sa paniniwalang tao lang din ang may gawa.

At dun uli sa mga atista nating kasamahan dito. Wag naman kayong mging rude. Hehehe. Swabe lang dapat. Magbigay ng opinion pero in a respectfull manner
 
wag na tayo mas marunong pa sa Dios, pero ganto lang yan.. kung nagbabasa ka ng bible may mababasa ka sa

Mateo19:14Datapuwa't sinabi ni Jesus, Pabayaan ninyo ang maliliit na bata, at huwag ninyong pagbawalan silang magsilapit sa akin: sapagka't sa mga ganito ang kaharian ng langit.

binibigyan kase ng pagkakataon ng Dios ang taopara magsise, kung sa pamamagitan siguro ng pagpatay sa anak ng pharoh siguro makakapagbago pa ung pharaoh pero isipin mo pagmamahal ng Dios yun. kung patayin man ng Dios ung mga bata.. sa langit din naman mapupunta yun so no big deal. siguro kase pagliligtas din dun sa bata kase syempre tatay non masamang pharaoh malanang baka magmana pa yun sa tatay nya maging masama paglaki nya
 
Eto nanaman tayo... Hahahaha.. Sa part ng mga scientific minded. Gumising kayo. Hindi lang bigbang ang theory about sa pinagmulan ng lahat lahat. May bagong theorya ngayon na mas detailed at valid. Try to research it.

Dun naman sa religious ones. Please stop saying na magbasa kami ng bible. My God. Try nyo kaya magbasa patungkol sa science. Wag nyo hayaang maging sarado utak nyo sa paniniwalang tao lang din ang may gawa.

At dun uli sa mga atista nating kasamahan dito. Wag naman kayong mging rude. Hehehe. Swabe lang dapat. Magbigay ng opinion pero in a respectfull manner

Kahit pagbasahin mo ng sandamukal na Science book related sa pinagmulan ng mundo ang isang tunay na Kristiyano, hindi nito mababli ang paniniwala niya sa isang Diyos dahil siya mismo nakaranas non. Hindi lang dahil sa sinabi o narinig lang, may mga tao na nakakaranas ng isang bagay na nagiging dahilan kung bakit nagiging Kristiyano sila o vice versa (alam mo na siguro ibig kong sabihin).

Ako kasi naniniwala talaga ko kasi naranasan ko na ngunit aminado rin ako na sablay akong Kristiyano dahil napakahirap lalo na samen dahil nandito pa kami sa mundo. Walang tao hindi nagkakasala rito sa isang araw (sa tingin ko) at poreber tayonf may kasalanan dahil "corrupted" ang mundong ito.

Napakarami pang misteryosong bagay na dapat mong malaman (o maski ako) para talagang maniwala ka na may Diyos. Kung gusto mo, i-reverse kita. Tulad nito, subukan mong magresearch tungkol sa Anti-Christ (kasama na dyan syempre ang Illuminati, Masons, Satanist at marami pang iba). Ingat ka lang baka mahatak ka. Hahahaha. Totoo lahat ng yan kasi kung walang demonyo, walang Diyos. Wala tayong lahat. At the end of this, ikaw pa rin mismo ang makaka-diskubre ng mga bagay na curious ka siguro kahit papano. Maski ang bituin sa langit (yung pattern, constellations for short, may biblical meaning lahat yan, medyo mamangha ka siguro pag nalaman mo pa)

Anw, hanggang dito na lang. Kung ikaw yung taong nasa gitna, good for you pero kelangan meron kang paniwalaan na base sa nalaman, natutunan lalung-lalo na sa naging karanasan mo. Ang unang tanong lagi kapag unang beses mo pa lang ia-accept mo ang Diyos, "saan ka pupunta pag namatay ka?". Maraming ilag at asar sa ganyang tanong pero ikaw mismo, ikaw bahala maghanap ng kasagutan niyan. Kung naniniwala ka both science and religion (faith), mas okay siguro.
 
Kapag nagkaroon ng blessings, sisi sa panginoon. Kapag nagkaroon ng di nagugustuhang bagay, pangyayari, o ano pa man, sisi sa demonyo. (typical to some Christians. No offense)

Pistiness.

May mga taong nagsasabi sa akin noon. Mabuting bata daw ako, nagsisimba every Sunday. May nagsabi din na Atheist ako. Yung iba kini-claim na Christian ako. Mayroon nga rin nagtanong kung Illuminati na daw ako (like WTF?).
In my opinion, I don't F-in care about what they think of me in religious views.
Katoliko ako pero di ko ginustong maging ganito. Kung maaari lang ilagay ko sa resume "no religion".

Para sa akin di ko na kailangan ng relihiyon sa buhay.
Simpleng buhay lang naman ng walang pang huhusga sapat na.
Tol pwede mo lagyan ng no religion yung
mas marami pong nagawa si god dahil kung wala si god walang science ^^
Ang hirap sa inyong mga relihiyosong mga koan ay naniniwala agad kayo sa mga kwento-kwento diyan sa bibliya. Malakas ang mga imahinasyon niyo. Kahit anong dasal ninyo, di yan mangyayari.
 
Mga idol magandang topic sana to kaso mali to. Pero mag bibigay ako ng konting opinion base sa experience ko, anyway, my god talaga tayo but see it to yourself, i dont clearly give you the exact image pero nasatin na po yan and religion is not the basis po, rights po natin paniwalaan ang gusto natin. Science/scientist discoveries are highly controversial so they keep on hiding it to us due to full of mysteries and secrets they cant explain to themselves also. But onething is for sure, any holy books/bibles are great
no matter what it takes, fake or not, truth or lies? A superstition, fiction, tradition, barbers or anything you want. In this case we had the word freedom, freewill, and rights. Mas maganda pang itopic kung meron pa bang tao sa iba pang planeta o meron bang earthlike planets o hanggang saan ba talaga ang kawalan. Thankyou beribig
 
You do believe in him but you do not believe in the words that he spoke?
Sayo din sir.

Sa mga magtataka sa paniniwala ko bilang agnostic theist, may background po ako kaya ako naging ganito. My mother is an Islam, My father Catholic, girlfriend iglesia, tropa ko mga seminarista. And here I am, naconclude ko ang paniniwala ko base sa mga sjnasabj nila sa mga pangaral nila base narin sa quran, bible new/old at sa mga tropa kong seminarista- iisa ang diyos pero madaming relihiyon. Relihiyon ang nagbubuklod sating mga tao. Samba dito samba doon pero conflicting. Sa mga tropa kong hindi natuloy pag papari lumabas sila, kinaya nila ang Philosophy pero lumabas sila dahil sa Theology kasi pinipilit daw silang maniwala kahit may mga flaws. Sa Islam si Allah lang which is almost the same sa INC and which is at very point (i am a Catholic). Iisa lang ang sinasabi ng bible at quran kahit iglesia nagbbase sa bible, iisa lang ang dyos. Again, please dont kneel after idols, afyer your preachers or priests. Believe in god the only god. God bless you all
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top