What's new

Trivia DO YOU BELIEVE GUYS IF THERES NO RELIGION NO CRIME

Status
Not open for further replies.
I think its right. Norms and religious= Laws. Crime or omission which constitutes an offence and is punishable by law. Crime exist when people believed that is omission and punishable.
 
Last edited:
Pakisuyong Sulyapan po itong kaunting na-research ko may kinalaman kung paano lumihis ang karamihan sa orihinal na turo ng bibliya..

Sana bigyan natin ang ating sarili na suriin kung tayo ay naging bahagi na at gumawa ng mga pagbabago..

Ang Kasaysayang Pinagmulan


Noong kalagitnaan ng ikalawang siglo C.E., ipinagtatanggol ng nag-aangking mga Kristiyano ang kanilang pananampalataya kapuwa laban sa mga Romanong mang-uusig at sa mga erehe. Gayunman, ito’y isang panahon ng napakaraming opinyon sa teolohiya. Ang mga pagtatalo sa relihiyon may kinalaman sa “pagkadiyos” ni Jesus at sa katangian at mga pagkilos ng banal na espiritu ay naging sanhi hindi lamang ng intelektuwal na mga hidwaan. Ang maiinit na di-pagkakasundo at di-malunasang pagkakabaha-bahagi hinggil sa doktrinang “Kristiyano” ay umabot sa larangan ng pulitika at kultura, na kung minsan ay nagbubunsod ng mga kaguluhan, himagsikan, labanang sibil, at maging ng digmaan. Sumulat ang istoryador na si Paul Johnson: “Ang [apostatang] Kristiyanismo ay nagsimula sa kalituhan, pagtatalo at pagkakabaha-bahagi at nagpatuloy itong gayon. . . . Ang gitna at silangang Mediteraneo noong una at ikalawang siglo AD ay hitik sa pagkarami-raming ideya sa relihiyon, na pinagsisikapang palaganapin. . . . Kaya mula sa pasimula, may iba’t ibang uri ng Kristiyanismo na hindi gaanong magkakatulad.”

Nang panahong iyon, nagsimulang dumami ang mga manunulat at mga taong palaisip na nakadama na kailangang bigyang-kahulugan ang mga turong “Kristiyano” sa pamamagitan ng mga pananalitang pilosopikal. Upang palugdan ang mga edukadong pagano na mga bagong kumberte sa “Kristiyanismo,” lubhang pinagbatayan ng gayong mga relihiyosong manunulat ang naunang literaturang Griego at Judio. Pasimula kay Justin Martyr (c. 100-165 C.E.), na sumulat sa wikang Griego, ang mga nag-aangking Kristiyano ay patuloy na naging makabago sa pagtanggap nila sa pamanang pilosopikal ng kulturang Griego.

Ang ibinunga ng kalakarang ito ay ang mga akda ni Origen (c. 185-254 C.E.), isang awtor na Griego mula sa Alexandria. Ang nakasulat na argumento ni Origen na On First Principles ang siyang unang sistematikong pagsisikap upang maipaliwanag ang mga pangunahing doktrina ng teolohiyang “Kristiyano” ayon sa mga pananalita ng pilosopiyang Griego. Ang Konseho ng Nicaea (325 C.E.), na nagtangkang ipaliwanag at itatag ang “pagkadiyos” ni Kristo, ang mahalagang pangyayari na muling nagpasigla sa interpretasyon ng turong “Kristiyano.” Ang konsehong iyon ang naghudyat sa pasimula ng isang yugto na doo’y pinagsikapan ng panlahat na mga konseho ng simbahan na ipaliwanag ang turo sa paraang mas detalyado.

Mga Manunulat at mga Orador

Si Eusebius ng Cesarea, na sumulat noong panahon ng unang Konseho ng Nicaea, ay nakiugnay kay Emperador Constantino. Sa loob ng mahigit nang kaunti sa 100 taon pagkatapos ng naganap sa Nicaea, binuo ng mga teologo, na ang karamihan sa kanila ay sumulat sa wikang Griego, sa isang mahaba at mainit na pagtatalo, ang doktrinang siyang magiging pagkakakilanlan ng Sangkakristiyanuhan, ang Trinidad. Pangunahin sa kanila si Athanasius, ang mapaggiit na obispo ng Alexandria, at ang tatlong lider ng simbahan mula sa Capadocia, Asia Minor—si Basil na Dakila, ang kapatid niyang si Gregory ng Nyssa, at ang kaibigan nilang si Gregory ng Nazianzus.

Ang mga manunulat at mga mangangaral nang panahong iyon ay nakaaabot sa matataas na pamantayan ng kahusayan sa pagsasalita. Sina Gregory ng Nazianzus at John Chrysostom (na nangangahulugang “May Ginintuang Bibig”) sa wikang Griego at gayundin sina Ambrose ng Milan at Augustine ng Hippo sa wikang Latin ay mga batikang orador, mga dalubhasa sa lubhang iginagalang at popular na uri ng sining na ito noong kanilang kapanahunan. Ang pinakamaimpluwensiyang manunulat nang panahong iyon ay si Augustine. Ang kaniyang mga nakasulat na argumento sa teolohiya ay nakaimpluwensiya nang malaki sa kaisipang “Kristiyano” sa ngayon. Si Jerome, ang pinakabantog na iskolar ng yugtong iyon, ang siyang pangunahing may pananagutan sa salin ng Bibliya na Latin Vulgate mula sa orihinal na mga wika.

Gayunman, ang mahahalagang katanungan ay: Maingat bang sinunod ng mga Amang iyon ng Simbahan ang Bibliya? Sa kanilang turo, mahigpit ba silang nanghawakan sa kinasihang Kasulatan? Ang kanila bang mga akda ay mapananaligang patnubay tungo sa tumpak na kaalaman tungkol sa Diyos?

Mga Turo ng Diyos o mga Turo ng Tao?

Kamakailan, isinulat ng metropolitan (obispo) ng Griego Ortodokso na si Methodius ng Pisidia ang aklat na The Hellenic Pedestal of Christianity upang ipakita na ang kultura at pilosopiyang Griego ang siyang naglaan ng balangkas ng makabagong kaisipang “Kristiyano.” Sa aklat na iyan, walang-pasubali niyang inaamin: “Itinuring ng halos lahat ng prominenteng Ama ng Simbahan na ang mga elementong Griego ay lubhang kapaki-pakinabang, at hiniram nila ang mga ito sa sinaunang klasikong Griego, anupat ginagamit ang mga ito bilang isang paraan upang maunawaan at maipaliwanag nang wasto ang mga katotohanang Kristiyano.”

Kuning halimbawa ang ideya na ang Ama, ang Anak, at ang banal na espiritu ay bumubuo ng Trinidad. Pagkatapos ng Konseho ng Nicaea, maraming Ama ng Simbahan ang naging panatikong mga Trinitaryo. Ang kanilang mga akda at mga paliwanag ay naging napakahalagang batayan upang ang Trinidad ang maging tampok na doktrina ng Sangkakristiyanuhan. Ngunit nasa Bibliya ba ang Trinidad? Wala. Kung gayon, saan ito kinuha ng mga Ama ng Simbahan? Binanggit ng A Dictionary of Religious Knowledge na sinasabi ng marami na ang Trinidad “ay isang paglihis mula sa orihinal na hiniram sa mga relihiyong pagano, at inilakip sa pananampalatayang Kristiyano.” At pinatototohanan ng The Paganism in Our Christianity: “Ang pinagmulan ng [Trinidad] ay ganap na pagano.”*—Juan 3:16; 14:28.

O isaalang-alang ang turong imortalidad ng kaluluwa, ang paniwala na isang bahagi ng tao ang patuloy na nabubuhay pagkamatay ng katawan. Muli, ang mga Ama ng Simbahan ay naging kasangkapan sa pagpapasok ng ideyang ito sa isang relihiyon na walang turo tungkol sa pananatiling buháy ng kaluluwa pagkamatay ng isang tao. Malinaw na ipinakikita ng Bibliya na maaaring mamatay ang kaluluwa: “Ang kaluluwa na nagkakasala—iyon mismo ang mamamatay.” (Ezekiel 18:4) Ano ang saligan ng paniwala ng mga Ama ng Simbahan sa isang imortal na kaluluwa? “Ang Kristiyanong paniniwala sa isang espirituwal na kaluluwang nilikha ng Diyos na ipinasok sa katawan sa panahon ng paglilihi upang bumuo ng isang taong may buhay ay resulta ng matagal na paglinang ng pilosopiyang Kristiyano. Tangi lamang noong panahon ni Origen sa Silangan at ni San Agustin sa Kanluran natatag ang paniniwala sa kaluluwa bilang isang espirituwal na bagay at nabuo ang pilosopikong ideya ng kayarian nito. . . . [Ang doktrina ni Agustin] . . . sa kalakhan ay hango (lakip na rin ang ilang mga pagkukulang) sa Neoplatonismo,” sabi ng New Catholic Encyclopedia. At ang magasing Presbyterian Life ay nagsabi: “Ang imortalidad ng kaluluwa ay isang paniniwalang Griego na nabuo sa sinaunang mahiwagang mga kulto at higit na ipinaliwanag ng pilosopong si Plato.”*

Ang Matibay na Saligan ng Katotohanang Kristiyano

Kahit pagkatapos ng maikling pagsusuring ito ng kasaysayan ng mga Ama ng Simbahan, at gayundin ng mga pinagmulan ng kanilang mga turo, angkop lamang na itanong, Dapat bang ibatay ng isang taimtim na Kristiyano ang kaniyang mga paniniwala sa mga turo ng mga Ama ng Simbahan? Hayaang ang Bibliya ang sumagot.

Halimbawa, ipinagbawal ni Jesu-Kristo mismo ang paggamit ng relihiyosong titulo na “Ama” nang sabihin niya: “Huwag ninyong tawaging inyong ama ang sinuman sa lupa, sapagkat iisa ang inyong Ama, ang Isa na makalangit.” (Mateo 23:9) Ang paggamit ng terminong “Ama” upang tumukoy sa sinumang relihiyosong indibiduwal ay di-maka-Kristiyano at di-makakasulatan. Ang nasusulat na Salita ng Diyos ay natapos noong mga 98 C.E. sa mga isinulat ni apostol Juan. Sa gayon, ang mga tunay na Kristiyano ay hindi kailangang tumingin sa sinumang tao bilang panggagalingan ng kinasihang pagsisiwalat. Iniingatan nilang huwag ‘pawalang-bisa ang salita ng Diyos’ dahil sa tradisyon ng tao. Ang pagpapahintulot na halinhan ng tradisyon ng tao ang Salita ng Diyos ay nakamamatay sa espirituwal. Nagbabala si Jesus: “Kung isang taong bulag ang umaakay sa taong bulag, kapuwa sila mahuhulog sa hukay.”—Mateo 15:6, 14.

Kailangan pa ba ng isang Kristiyano ng anumang pagsisiwalat bukod sa salita ng Diyos na nakasaad sa Bibliya? Hindi. Ang aklat ng Apocalipsis ay nagbababala laban sa pagdaragdag ng anuman sa kinasihang ulat: “Kung ang sinuman ay magdagdag sa mga bagay na ito, idaragdag sa kaniya ng Diyos ang mga salot na nakasulat sa balumbong ito.”—Apocalipsis 22:18.

Ang katotohanang Kristiyano ay nakapaloob sa nasusulat na Salita ng Diyos, ang Bibliya. (Juan 17:17; 2 Timoteo 3:16; 2 Juan 1-4) Ang tamang pagkaunawa rito ay hindi nakasalig sa sekular na pilosopiya. May kinalaman sa mga tao na nagtangkang gumamit ng karunungan ng tao upang maipaliwanag ang pagsisiwalat ng Diyos, angkop lamang na ulitin ang mga tanong ni apostol Pablo: “Nasaan ang taong marunong? Nasaan ang eskriba? Nasaan ang debatista ng sistemang ito ng mga bagay? Hindi ba ginawa ng Diyos na kamangmangan ang karunungan ng sanlibutan?”—1 Corinto 1:20.

Karagdagan pa, ang tunay na kongregasyong Kristiyano ay “isang haligi at suhay ng katotohanan.” (1 Timoteo 3:15) Pinangangalagaan ng mga tagapangasiwa nito ang kadalisayan ng kanilang turo sa loob ng kongregasyon, anupat hinahadlangan ang pagpasok ng anumang pamparumi ng doktrina. (2 Timoteo 2:15-18, 25) Inaalis nila sa kongregasyon ang ‘mga bulaang propeta, mga bulaang guro, at mapanirang mga sekta.’ (2 Pedro 2:1) Pagkamatay ng mga apostol, pinahintulutan ng mga Ama ng Simbahan na mag-ugat ang “nagliligaw na kinasihang mga pananalita at mga turo ng mga demonyo” sa kongregasyong Kristiyano.—1 Timoteo 4:1.

Ang mga resulta ng apostasyang ito ay nakikita ngayon sa Sangkakristiyanuhan. Ang mga paniniwala at mga gawain nito ay malayung-malayo sa katotohanan sa Bibliya.
 
Ano ang Mangyayari sa Kristiyanismo?

MAKUKUMBERTE kaya ang daigdig sa Kristiyanismo, o maglalaho na ito? Nanatili bang dalisay ang Kristiyanismo na gaya ng isang tanglaw sa madilim na sanlibutan, o nabantuan na ito? Mga tanong ito na nakababahala sa atin hanggang sa ngayon.

Ipinakita ni Jesus, sa simpleng ilustrasyon, na karaka-raka matapos niyang itanim ang mga binhi ng Kristiyanismo, isang kaaway, si Satanas, ang nakialam. (Mateo 13:24, 25) Kaya hindi lamang basta mga kaganapan sa lipunan ang nagpabago sa Kristiyanismo sa unang ilang siglo pagkatapos ng ministeryo ni Jesus. Gawa ito ng kaaway, si Satanas. Ginagawa pa rin ng mga simbahan ng Sangkakristiyanuhan ang mga pagkakamali nito noong nakaraan, kaya naman inaani ng mga ito ang bunga.—2 Corinto 11:14, 15; Santiago 4:4.

Palihim na Pagsalakay sa Kristiyanismo

Inihula ni Jesus na pasasamain ang kaniyang mga turo. Sinabi niya: “Ang kaharian ng langit ay naging tulad ng isang tao na naghasik ng mainam na binhi sa kaniyang bukid. Habang natutulog ang mga tao, ang kaniyang kaaway ay dumating at naghasik ng mga panirang-damo sa gitna ng trigo, at umalis.” Itinawag-pansin ng mga lingkod sa lalaki ang kasamaang ito at nang humingi sila ng pahintulot na tipunin ang mga panirang-damo, nakapagtatakang sinabi ng lalaki: “Hindi; baka sa paanuman, samantalang tinitipon ninyo ang mga panirang-damo, ay mabunot ninyong kasama nila ang trigo. Hayaan ninyong kapuwa sila lumaking magkasama hanggang sa pag-aani; at sa kapanahunan ng pag-aani ay sasabihin ko sa mga manggagapas, Tipunin muna ninyo ang mga panirang-damo at bigkisin ang mga iyon sa mga bungkos upang sunugin ang mga iyon, pagkatapos ay tipunin ninyo ang trigo sa aking kamalig.”—Mateo 13:24-30.

Gaya ng paliwanag mismo ni Jesus, ang lalaki sa kaniyang ilustrasyon na naghasik ng trigo sa bukid ay kumakatawan kay Jesus, at ang mga binhi na itinanim niya ay kumakatawan naman sa mga tunay na Kristiyano. Ang kaaway na naghasik ng mga panirang-damo sa gitna ng trigo ay kumakatawan sa “Diyablo.” Ang mga panirang-damo ay ang tampalasan at apostatang mga lalaki na may-kasinungalingang nag-aangking mga lingkod ng Diyos. (Mateo 13:36-42) Nagbigay pa ng karagdagang detalye si apostol Pablo hinggil sa mangyayari. Sinabi niya: “Alam ko na pag-alis ko ay papasok sa gitna ninyo ang mapaniil na mga lobo at hindi makikitungo nang magiliw sa kawan, at mula sa inyo mismo ay may mga taong babangon at magsasalita ng mga bagay na pilipit at ilalayo ang mga alagad upang pasunurin sa kanila.”—Gawa 20:29, 30.

Pinasamâ ang Kristiyanismo

Natupad ba ang ilustrasyon ni Jesus at ang inihula ni Pablo? Oo. Kinontrol ng ambisyosong mga lalaki ang kongregasyon na itinatag ni Jesus at ginamit ito sa sarili nilang kapakanan. Sinabi ni Jesus sa kaniyang mga tagasunod: “Hindi kayo bahagi ng sanlibutan.” (Juan 15:19) Gayunman, nakipag-alyansa sa mga tagapamahala ang mga lalaking uhaw sa kapangyarihan at bumuo ng mga pambansang relihiyon na nagkaroon ng malaking kapangyarihan at nagkamal ng yaman. Nagturo ang mga relihiyong ito ng “mga bagay na pilipit.” Halimbawa, tinuruan nila ang mga tao na sumamba sa Estado at isakripisyo ang kanilang buhay sa pakikidigma. Kaya nakibahagi sa mga Krusada ang diumano’y mga Kristiyano at pumatay ng mga taong itinuturing nilang di-sumasampalataya. Nakipagdigma rin sila at pumatay ng sarili nilang mga “kapatid” na karelihiyon nila. Talaga ngang hindi nila ikinapit ang Kristiyanong neutralidad at ang pag-ibig sa kapuwa.—Mateo 22:37-39; Juan 15:19; 2 Corinto 10:3-5; 1 Juan 4:8, 11.

Maliwanag, ang mga relihiyong nag-angking Kristiyano sa loob ng maraming siglo ay balatkayong Kristiyanismo lamang. Ito ang dahilan kung kaya, gaya ng nakita natin sa naunang artikulo, ang mga relihiyon ay patuloy na nagkakawatak-watak at nagiging mga sekta, nakikisangkot sa pulitika, at nagwawalang-bahala sa mga kautusan ng Diyos. Ang masasamang bungang ito ay iniluwal, hindi ng tunay na Kristiyanismo, kundi ng huwad na Kristiyanismong itinanim ng Diyablo. Ano ang kahihinatnan ng huwad na relihiyong ito? Gaya ng ipinakita ni Jesus sa kaniyang ilustrasyon, hindi lamang ito basta maglalaho dahil sa kawalan ng suporta. Hahatulan ito at pupuksain.

Mga Tunay na Kristiyano na Sumisikat sa Kadiliman

Gayunman, bago tipunin at puksain ang mga “panirang-damo” ng huwad na Kristiyanismo, ipinakikita ng ilustrasyon ni Jesus na may isang bagay na kailangan munang maganap. Sa loob ng maraming siglo, lumago nang husto ang mga huwad na Kristiyanong “panirang-damo” anupat halos matabunan na ang “trigo” ng tunay na Kristiyanismo. Subalit inilarawan ni Jesus na ibubukod ang trigo sa mga panirang-damo sa panahon ng “pag-aani,” na ayon sa kaniya ay kumakatawan sa “katapusan ng sistema ng mga bagay.” Sinabi rin niya: “Sa panahong iyon ang mga matuwid ay sisikat nang maliwanag na gaya ng araw.” (Mateo 13:39-43) Ipinakikita ng ebidensiya na nabubuhay na tayo sa katapusan ng sistema ng mga bagay mula noong Digmaang Pandaigdig I, na naganap mahigit 90 taon na ang nakalilipas. (Mateo 24:3, 7-12) Natupad din ba ang bahaging ito ng makahulang ilustrasyon ni Jesus?

Ang mga tunay na Kristiyano ay naibukod na mula sa “panirang-damo” ng Sangkakristiyanuhan. Ang mga Saksi ni Jehova ay ‘sumisikat nang maliwanag na gaya ng araw,’ habang tinutulungan ang iba na makilala ang tunay na Diyos, si Jehova. Hindi ibinababa ng mga Saksi ang kaniyang mga pamantayan. Sa halip, kailangang gumawa ng malalaking pagbabago sa kanilang buhay ang mga nagiging Saksi upang masunod ang mga Kristiyanong simulain na masusumpungan sa Bibliya.

Hindi libangan ang inilalaan ng mga Saksi ni Jehova sa kanilang mga pulong kundi libreng pag-aaral sa Bibliya. Nasisiyahan din sila sa mainit na pag-ibig at pagkakaibigan, mga katangiang natututuhan nila sa pag-aaral ng Kasulatan. Naniniwala silang babaguhin ng Diyos ang lupa at gagawin itong paraiso na paninirahan ng maaamo sa lupa, gaya ng orihinal na nilayon niya. Subalit dapat munang alisin sa daigdig ang nakasasamang impluwensiya ng huwad na relihiyon, na tinatawag sa Bibliya na Babilonyang Dakila. Ayon sa hula ng Bibliya, malapit nang gawin ni Jehova ang gayong malaking pagbabago.—Mateo 5:5; Apocalipsis 18:9, 10, 21.

Kapag napalaya na ang masunuring sangkatauhan mula sa mapanlinlang na mga gawain ng huwad na relihiyon, pagkakaisahin ng tunay na Kristiyanong pagsamba ang lahat ng nabubuhay sa lupa. Isa ngang kamangha-manghang kinabukasan para sa tunay na Kristiyanismong itinanim ni Jesus! Isasauli ang Edenikong Paraiso sa mapayapang lupa, at wala nang mga relihiyon na muling magdudulot ng pagkakabaha-bahagi at di-pagkakasundo!

Para sa karagdagang kaalaman Pakisuyong Panoorin po ang mga sumusunod na Video

You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
 
Last edited:
the answer is it always be the same, kase since then nature na ng tao ang may pinaniniwalaan na may mas mataas sa kanila or superior na kinikilala na tagapaglikha, mapapatunayan ito kung titingnan mo ang lahat ng group of peoples around the world such like tribes at mga naglalakihang sibilisasyon noon pa man. Kung tutuusin RELIGION ang isa sa nangunguna sa pagkakaroon ng digmaan at di pagkakaunawaan noong bago pa magkaroon ng Industrial revolution sa kadahilanan ng kanilang pinaglalabang paniniwala at samut-saring Ideologies, kadalasan ginagamit ito sa mga hakbang para manakop ng bansa at lalo na sa panahon ngayon ng mga Terorista tulad ng ISIS. kaya sa tingin ko parehas lang yan, ang kailangan ng Tao ay respeto, malawak na pangunawa sa lahat ng bagay at mas maayos na sistema sa pamahalaan/gobyerno para sa mamamayan, edukasyon at pinakaimportante ay ang pagkakaroon ng self disipline na dapat ang tahanan, paaralan at maging sa society ay kanila itong i-promote sa kanilang nasasakupan.
 
pag walang relihiyon mas maraming krimen sa palagay ko. mas iba pa rin ang may Relihiyon may pinaniniwalaang dyos, may takot silang gumawa ng masama, yong mga taong gumagawa ng krimen posibleng sila ay rebilde sa kanilang mga sarili, maaring may bisyo, gumagamit ng droga. hanggang tumatagal pasama na ng pasama ang ating kapwa.
Tama po kayo!
 
hahahaha yung mga nag qquote sakin oh pabayaan nyo ko tapos na ko dito at wala naman nananalo sa ganitong away haha
 
Last edited:
tuwang tuwa sa inyo si ts habang nagaaway kayo at isa pa, hindi ako magbabasa ng bibliya kahit anong sabihin nyo kaya pabayaan nyo na ko pababayaan ko rin kayo
 
Last edited:
Siguro naman ts nakuha nyo na lahat ng opinyon na gusto mo, nasa trending topic na nga eh, tsaka parang di opinyon turing nila dito ayyy away na, away
 
Yes. Malaking factor din ang religion. Kahit simula pa lang marami ng dahas ang nangyari nang dahil gusto nilang ipakalat ang kani-kaniyang religion. Even until now, marami discriminations, gulo, etc just because of their beliefs.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

About this Thread

  • 949
    Replies
  • 13K
    Views
  • 191
    Participants
Last reply from:
Lets-All-Love-Lain

Online statistics

Members online
1,282
Guests online
3,830
Total visitors
5,112
Back
Top