What's new

Closed Do cats have 9 lives?

Status
Not open for further replies.

PHC-Yasuo

Addict
Joined
Jul 25, 2017
Posts
121
Reaction
40
Points
119
Age
24
Sabi nila, ang mga pusa daw ay mayroong siyam (9) na buhay ngunit alam niyo ba na ito ay iisa sa pinaka popular na myth sa buong mundo.

Myth—a widely held but false belief of idea Merriam Webster Dictionary). Pwede din itong i-define as old stories na ang main goal is to expalin different phenomenon.
Sinasabi na ang myth o usapin na ang pusa ay may siyam na buhay ay nanggaling kay William Shakespeare nang isulat niya sa kanyang play na Romeo and Juliet ang mga linyang:
“A cat has nine lives. For three he plays, for three he strays and for the last three he stays”
Marami din tao ang naniniwala na ang myth ay nagsimula sa isang simple observation na may kakayahan ang mga pusa na mag-land nang maayos kahit na napakataas nung tinalunan nila.

“Sa dinami-rami ng numbers, bakit 9 lives? Bakit hindi naging 7 or 8 lives?”
Dahil ang number 9 daw ay maiituturing na isang magic number at sinasabi na nag originate din ito noong ancient times dahil ang mga pusa ay sinasamba dati ng mga tao dahil sa pgiging “Magical” or mahiwaga nila.

Ngayong alam na natin ang pinagmulan ng myth, alamin naman natin kung ano ba talaga at papaano nagagawa ng mga pusa na maka-survive sa napakataas na pag-talon.

1. Ang surface area ng katawan nila ay proportion sa kanilang weight or timbang na nag re-reduce ng impact kapag bumagsak sila

2. Dahil sa kanilang surface area and low weight, nagagawa nilang ma-reach ang terminal velocity (The speed at which the gravity is matched by wind resistance).

3. Natural selection—ang mga cat or pusa ay nag develop through time ng aerial righting reflex na nag a-allow sa kanila na umayos ng posisyon kapag naramdaman nila na mali yung direction ng pagbagsak nila.

4. Ang mga pusa ay nag develop ng mahahabang legs na nag a-act as shock absorbers. Meron din silang large muscles na tumutulong sa pagtalon at sa pag reduce ng energy as soon as nag land na sila sa lupa para hindi sila mabalian ng mga buto

5. Ang mga pusa ay nag i-spread ng legs kapag malalaglag na sila, increasing their surface area at slowing their movement by increasing the air’s drag on their bodies.

At dahil dyan, Kapag nilaglag mo ang mga pusa sa kahit anong anggulo Laging mauuna sa lupa ang kanilang mga paa, depende nalang kung pupwersahin mo na ibagsak, wag naman kawawa e.

Ayan, so alam na natin na ang pusa ay equipped to fall sa mga matataas na height and it is because of the science behind their body structure and hindi dahil sa… magic. Haha
 
Totoo yan sa bone structure nila pero namamaty sila pag di sobrang taas binabagsakan nila
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top