What's new

Depression is not a Joke

Baka-Joker-Ito

Forum Master
Joined
Nov 6, 2016
Posts
10,709
Solutions
11
Reaction
36,094
Points
6,289
Gusto ko lang po i share itong experience ko noong may Depression, Anxiety and Age Regression ako.


Simula po ng bata ako ay may trauma na ako sa mga bagay bagay, Sobra akong pinag papawisan kapag pinagsasabihan, pag may nagawang mali, kapag may hindi magandang sitwasyon, At Noong dumating na pag ka teenager ko lumabas na mga pag ka insecure ko sa mga bagay bagay, bakit ganto nangyari sakin at dumating yung mga tanong ko sa buhay, bakit ganito ang Trato ng mga tao sakin kahit wala ako ginawang Mali sa kanila, bakit nilalait nila ako dahil pangit ako , paitim ako , may puti ang buhok ko, mukhang matanda na ako.


Noong tumuntong naman ako sa College nawala yung pag ka insecure ko sa sarili , kase wala na ako pake sa sasabihin ng iba, ang kaso lang hindi ako ung taong mataas ang confidence na kayang gawin yung mga bagay na ginagawa ng iba, Then na stress na ako sa pag aaral ko, Kinuha ko nga pala Kurso ay IT kase mahilig ako sa Computer, ang Kaso lang tamad ako mag aral noon , kaya hanggang pag 3rd year hirap ako makasabay, pero ako yung nagiging Leader kadalasan sa mga Activities and Project ako yung tumatapos , kase sa akin umaasa mga kagrupo ko , yung mga ka group ko walang gamit CP lang , Since pandemic hindi kami nag uusap usap lang kami ,more on Video Call lang kami Gmeet ganyan, Tapos dumating yung Birthday ko 21st Birthday ko , sobrang Stress ko dahil sa activities hindi ako masaya, wala man lang ngiti sa aking bibig, pag kagabihan, ang ginawa ko nag sugal (Online Sugal) ako para mawala ang Stress ko kapag nanalo , hindi ko man lang inisip ang pagkatalo sa Sugal, Nanood ako ng 18plus video then nag (Mastu.)


Then dun na dumating yung point na lahat ng mga Problema ko sa buhay simula bata ako, lahat ng pag kakamali ko ay nag halo-halo na sa isip ko, pag katapos nyan ay Nag attempt ako mag suicide, uminom ng maraming gamot , mag bigti, mag laslas, Pero pumasok sa Isip ko na mag bumuhos ng tubig sa ulo para mahimasmasan, mabawasan man lang yung mga iniisip ko, inuntog untog ko yung ulo ko sa pader sa kabutihang palad walang damage na nangyari, After na nyan nag karoon ako ng Panic Attack, hindi ako makagalaw at nakatulala lang ako, dumating yung time na nagising yung pamilya ko nagsasalita sila kaso hindi ko pinapansin ,


Ilang weeks na hindi ako nag salita noon, nakatulala lang, hindi makakain , sinusubuan pa ako ng magulang ko para kumain, puro tulog nalang ginawa ko, walang exercise, walang wala para akong patay. Pero ang ginawa ng magulang ko pinalabas labas ako, pinunta ako sa Dagat , sa Mall at kung saan saan makalabas lang ng bahay, pina ramdam nila sakin kung paano i enjoy ang buhay at inexplain sa akin kung ano ang totoong buhay


Mga ilang araw ay nakapagsalita ako, pero ang Nangyari ay para akong baby talk mag salita mga 3 years old. Nalaman ko lang na nag ka Age Regression(Involuntary) ako dahil sa pang apat na Doctor ko, na bumalik daw ako yung pag iisip ko sa time na Wala akong Stress, habang tumatagal ilang months ay may improvement naman dahil sa iniinom kong gamot , then mga ilang araw bumabalik ako sa Normal states ko, parang nagkaroon ako ng Multiple Personality, yung bata personality and yung Normal state ko, kapag yung Personality ko ay bata doon na parang sumasalita yung normal State ko sa isip ko na gawin yung mga negative mag pakamatay ako, pumunta ako sa ilalim ng dagat,mag layas ako mag suicide ako , Nag karoon na ako dito ng Anxiety Attack.


Ang unang Doctor na tumingin sakin ay may schizophrenia, Second Doctor naman ay Bipolar, yung pangatlo hindi ko alam kase english yung pagkakasabi nya hindi ko matandaan pero binigyan nya ako ng gamot na pang patulog at pang pawala ng Stress doon hindi na bumalik yung Normal State ko or personality, Bumalik kami sa Unang Doctor kase noong unang pag kikita namin ay madalian lang , isang tanong lang ginawa nya, which is anong nang yari sayo, wala na syang Follow up question, ano reason bakit ganto ang nangyari, Nung Bumalik ako sa Unang Doctor ko Second attempt , ay dun nag para tanong sya then may binigay na gamot which is pang pakalma lang, sa kabutihang palad ay mas lalong nag improve yung mental health ko, Malapit nang mawala yung Age Regression ko, bumabalik lang sya tuwing umaga kapag may masamang panaginip ako mabumalik daw yung Age Regression ko , pero sa kasalukuyan ay masasabi ko ay 90% ay okey na ang mental health ko


Pag katapos ng pangyayari nayan ay nagbago lahat yung pananaw ko sa buhay, yung paniniwala ko na may diyos ba o wala, naging confidence ako nawala yung pag kamahiyain ko, mas naging open ako sa pamilya ko, mas naging open ako sa mga taong nakakaranas ng Depression, naging optimist ako dati ako pessimist , may mga pagbabago sa skills ko parang na develop nalang dahil ata sa mga pinaggagawa ko noong may age regression ako. Yung Critical Thinking ko nag Improve, dati tamad ako mag Research ngayon research lang ng research pag may tanong.


Yan ang Kwento ko, sana ay hindi kayo napagod sa pag babasa at pag kakaintindi,


Sa mga taong May depression po laban lang po tayo sa buhay hindi solution ang Suicide ☺hanap po tayo makaka-usap lagi kahit Si God po kung naniniwala po kayo malaking tulong po yan sa inyo,
Sa mga taong may kakayahang tumulong , Sa salitang "Lakasan mo ang loob mo" Malaking bagay na po yan sa taong nakakaranas ng Depression ,


Sa mga taong tumulong sakin sa friends ko, sa pamilya ko sa mga taong nakausap ko kahit hindi ko man lang kilala pero binigyan ako ng lakas ng loob, sa mga Doctor jan sa kinunsulta ako maraming salamat hindi ko po kayo malilimutan☺
 
Last edited:
Ako matindi din depression at may suicidal thoughts pa pero nawawala pag nag-maintenance ako ng b-complex. Nalaman ko na happy pillls ang tawag sa B vitamins.
 
BakaJokerIto
Totoo ba yang Age regression? Kase para sakin I Find it stupid.Kase nag research ako tungkol dyan at nung nalaman ko bumabalik pala sa 5yrs old ang kilos at pananalita ang isang nakaka Experience nun at isang katangahan ang ganun klase ng Defense Mechanism.
 
Last edited:
BakaJokerIto
Totoo ba yang Age regression? Kase para sakin I Find it stupid.Kase nag research ako tungkol dyan at nung nalaman ko bumabalik pala sa 5yrs old ang kilos at pananalita ang isang nakaka Experience nun at isang katangahan yung klase ng Defense Mechanism.
Yes po totoo po ang Age Regression, Lods hindi po yung voluntary nangyari sakin, may dalawang way po magkaroon ng Age Regression, Ang Voluntary at Involuntary, pag voluntary pwede mo po masabi na Katangahan, pero para sakin hindi naman katangahan yon the way na makakatulong sa mental health ng isang tao bakit hindi nya gawin d ba ?, pero ang weird nya tingnan,

edit: pag voluntary ang gagawin need ng Guidance ng expert jan like psychologist

Yung sakin naman ay Involuntary
sa madaling salita ayon sa experience ko ay hindi intensyon nagawin yung pagiging isip at kilos ng isang bata, dahil sa sobrang Stress sabi ng doctor bumalik daw ako sa edad nakung saan wala akong problema hindi ko naman intensyon na bumalik at hindi ako Aware , at eto nga may mga possitive effect sa akin ang Age Regression ko , pakiramdam ko umulit yung buhay ko , yung mga bagay na hindi ko maintindihan noon , ay na iintindihan ko na ngayon , yung mga problema ko sa buhay ay nabawasan (nag karoon ako dito ng Acceptance sa sarili ko kaya yung mga problema ko nawala ng parang bula) , and I Realized na Pinaka Doctor na gagaling sa Depression at Age Regression ay ang Sarili mo.

Naging Aware lang ako noong laging sinasabi ng pamilya ko na 21 kana hindi kana bata in a good way po, then habang tumatagal maraming tanong, at sa huli acceptance sa sarili ang naging sagot ko makawala sa Age regression, yung baby talked ko sa panaginip kadalasan nalang nangyayari, pagising ko pag baby talked ako Aware na ako, sasabihin ko sa sarili normal naman yun at hindi naman biglaan ang pag galing, mga ilang oras wala na ang age regression ko

Eto pa ang kagandahan nangyari habang may age regression ako ay nag karoon ako ng mga new hobbies like pakikinig ng Debate, between Believers and Non Believers about God po. Ako pessimist ako noon, ngayon optimist na ako.

Sa totoo lang hindi pa ako 100 percent nakalawa sa Age Regression sa ngayon pero soon hoping namaging 100℅ sya
Any follow up question Mam/Sir required21 ?
 
Last edited:
ikaw pala yan idol, napakabuti mong tao, ikaw yung nagbibigay ng tig 1gb dito load noon ah.
Ay naalala kita lods, pero wag mo nayun ulitin ha hehe, sana ay may natutunan karin sa nangyari sa atin noon ☺, na appreciate ko yung sinabi mo , Salamat
 
Last edited:
ipapaalala ko sana sayo at magsosorry ulit pero naaalala mo pa pala 😂
Okey na yun lods maliit na bagay naman yun wag na natin palakihin haha, isipin nalang natin na walang nangyari haha, pero natatawa na lang ako sa mga pinag gagawa natin don, pero sorry din ha at pinost ko yung maliit na bagay na un ,nadala lang ng emosyon haha
 
Ang ganda ng buhay no, marami tayong matutunan sa mga pagkakamali at sakaranasan natin, pero wag naman tayo gumawa ng laging mali haha, mas gumawa padin tayo ng Tama
 

Similar threads

Back
Top