What's new

Closed Dalubhasa sapag unawa sa tagalog pasok po

Status
Not open for further replies.

Maginaku

Eternal Poster
Joined
Jan 28, 2020
Posts
529
Reaction
158
Points
261
Sa Tabi ng Dagat
Ni Ildefonso Santos

Marahang-marahang
manaog ka, Irog, at kata‘y lalakad,
maglulunoy katang
payapang-payapa sa tabi ng dagat;
di na kailangang
sapnan pa ang paang binalat-sibuyas,
ang daliring garing
at sakong na wari‘y kinuyom na rosas!

Manunulay kata,
habang maaga pa, sa isang pilapil
na nalalatagan
ng damong may luha ng mga bituin;
patiyad na tayo
ay maghahabulang simbilis ng hangin,
ngunit walang ingay,
hanggang sa sumapit sa tiping buhangin….

Pagdating sa tubig,
mapapaurong kang parang nangingimi,
gaganyakin kita
sa nangaroroong mga lamang-lati;
doon ay may tahong,
talaba‘t halaang kabigha-bighani,
hindi kaya natin
mapuno ang buslo bago tumanghali?

Pagdadapithapon
kata‘y magbabalik sa pinanggalingan,
sugatan ang paa
at sunog ang balat sa sikat ng araw.
Talagang ganoon:
sa dagat man, Irog, ng kaligayahan,
lahat, pati puso
ay naaagnas ding marahang-marahan.



Guys baka gets nyoto anong pagsusuri nyo dito? Salamat po. Pa help napo
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top