What's new

Daily Bread (September 25 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"KATAWANG PANLUPA, KATAWANG PANLANGIT"
(1 Corinto 13:12,)
“Sa kasalukuyan, tila malabong larawan ang nakikita natin sa salamin...” Bahagya lamang ang nalalaman ko ngayon.”
Mapagpalang araw po sa ating lahat, muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Ang tunay na Kristiano ay may dalawang tahanan; panlupa (ang ating katawan) at may hinihintay tayong ipagkakaloob pang isa pang tahanan na panlangit. Sa kasalukuyan, tayo ngayon ay nasa (tahanan o) katawang panlupa. at kung paghahambingin ang dalawa; narito po ang pagkakaiba...
Ang pananatiling buhay sa katawang panlupa ay katulad ng sabi ng apostol sa Cor. 13:12, “Sa kasalukuyan, tila malabong larawan ang nakikita natin sa salamin...” Bahagya lamang ang nalalaman ko ngayon.”
Sa ngayon, dumadaan pa tayo sa mga pagsubok, kapighatian, sakit at mga kahirapan. Hindi pa natin nakikita ng literal ang ating inaasam na buhay sa langit, kailangan tayong “mamuhay sa pananalig at hindi sa mga bagay na nakikita (v.7).
Sa ating katawang panlangit, wala na pong kamatayan sakit o mga salot, isang perpektong tahanan ang ating pangalawang tahanan. At malinaw na po nating makikita ang dating malabong salamin na tungkol sa pangwalanghanggang buhay.
Mga kapatid kung marami man tayong mahigpit na mga pinagdaraanan ngayon ito ay dahil sa wala pa tayo sa ating perpektong katawang panlangit, kaya pakaasamin po nating makamit po natin ang katawang yaon na katulad ng sa ating Panginoong Hesus. Magpakatatag po tayo sa ating pananampalataya hanggang sa makamit natin ang ating panlangit na katawan.
Sa ating pangalawang tahanan, doon magiging maliwanag ang lahat, kapag kapiling na natin ang Diyos.... Hindi dalawa ang buhay natin, sa halip dapat nating unawain na tayo ay may isang buhay na may dalawang yugto. Ang buhay natin sa lupa na ay unang yugto, samantalang ang buhay natin sa langit ay ang pangalawa at pang walang hanggan.
Ang pagpapala at pagiingat ng Dios ay sumaating lahat ngayon at magpakailanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

About this Thread

  • 3
    Replies
  • 410
    Views
  • 4
    Participants
Last reply from:
Ronald99

Online statistics

Members online
702
Guests online
5,705
Total visitors
6,407
Back
Top