What's new

Closed Computer technician

Status
Not open for further replies.

Angelbench03

Addict
Joined
Dec 2, 2015
Posts
31
Reaction
7
Points
77
May Computer Technician na matagal ng hindi makahanap ng trabaho....kaya ang ginawa nya...nagtayo sya ng medical clinic at naglagay ng karatula sa labas.....
magpacheck up sa halagang 500 at kapag hindi ka gumaling babayaran kita ng 1,000!!
May isang doktor ang nakakita sa karatula at naisip na magpacheck up.... gusto nya utakan ang Computer Technician para kumita sya ng 1,000. easy money sabi nya.....hehehe!
Doktor: "Magpapacheck up ako..... Nawalan kasi ako ng panlasa.
Computer Technician: nurse, dalhin mo dito ang gamot sa box 22 at patakan mo ng tatlong patak sa bibig ang pasyente....
Doktor: e gasolina to ah!
Computer Technician: congratulation! Bumalik na ang panlasa mo...500 lng ang bayad para dun....
Bad trip ang doktor dahil nautakan sya kaya makalipas ang ilang araw bumalik sya para mabawi ang pera nya, nagpacheck up ulit sya.
Doktor: nawalan ako ng alaala. Wala na kong matandaan kahit na ano.
Computer Technician: nurse dalhin mo dito ang gamot sa box 22 at patakan mo ng tatlong patak sa bibig ang pasyente.
Doktor: teka lang! Yan yung pinatak mo sa akin dati eh! Gasolina yan eh!
Computer Technician: congratulations! Bumalik na ang alaala mo....500 lng ang bayad dun....
Umalis ang doktor na galit na galit....makalipas ang isang linggo bumalik sya ulit....
Doktor: malabo na ang mata ko...hindi nako maka aninag ng kahit na ano....
Computer Technician: wala akong gamot para jan.....eto ang 1,000....
Doktor: e 500 lng to ah!
Computer Technician: congratulations! Malinaw na ang iyong paningin....500 lng ang bayad dun....hahaha
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top