Siyempre AIO kung pagandahan lang naman ang usapan. Pero mas maraming points of failure ang AIO - pwedeng humina ang pump, mag-leak ang water block, mag-krak ang tubes, mag-seep ang liquid sa tubes at mabawasan, maipon ang alikabok sa radiator, at masira ang fans. Bukod pa dun ang placement at size ng radiator. Sa air cooler, fan at heatsink height lang magiging problema mo. Madali pang palitan ang fan.
Naka-AIO ako sa gaming PC ko - 280mm rad para sa Intel CPU ko na may 95W TDP. Sa gaming, umaabot ako ng 84 C kung quiet ang fan speed. Nasa 76 C naman kung balanced fan speed. Nasa 40-50 @ idle. Kapag na-overclock ko to 5GHz, umaabot ng 95-100 C @ 100% usage, 100% fan speed sa Cinebench R20. Nag-thermal throttling at BSOD na, kaya hanggang stock speed nalang ako para stable sa gaming.
Yung Cooler Master Hyper 212X ko from 2014, last year lang nasira ang fan. Pinalitan ko ng Noctua fan, ayus na ulit. Panibagong buhay na naman for a 6-year old cooler. Very reliable pa rin. Ang AIO ko, di ko na pagkakatiwalaan yun by 2024.