You all can actually form a connection on what type of leader the current administration is from what is the current political opinions/climate there is both in real life and in cyberspace. Ever since Duterte came into power, people became more divided. Kung madalas kayo magbasa ng mga comment sa social media o kahit makinig sa mga usapang kanto at kalye, makikita niyo na mas lalong hati ng opinyon at pananaw ng tao pagdating sa politika. People are more polarized than ever compared from previous administration. May ginawa ba si Duterte? Wala.
Instead of uniting his citizens for the common good, ang ginagawa niya pa ay mag incite ng hate. That's the strategy of a fascist authoritarian leader. Kailangan bumuo ng pag-aawayan para mahati ang tao, polarizing the people to create the illusion that it's about "You against me" imbes na dapat ay "you and me against them (naghaharing uri sa lipunan)." It's in the fascist handbook, proven and tested sa panahon pa lang ni Hitler at Marcos. Kahit si Trump ng US at Putin ng Russia ay ganito ang strategy na ginagamit to stay in power. Ginagawa ngayon yan sa pamamagitan ng pag-iinvest ng estado sa mga troll farm para makapag influence ng mga netizens, then the result is that it'll flame people's hate and polarize the people. Ang ending tuloy ay nagkakaroon tayo ng kanya-kanyang bubble, kung saan tinatanggap lang natin yung mga tao na kaparehas natin ng opinyon and we antagonize those people na iba sa political opinion na mayroon tayo (o kahit hindi political) we can see it in the cancel culture sa social media.
Anong dahilan bakit ginagawa ito ng mga fascist and authoritarian leader (pati na rin ng mga aspiring)? Because this is an attack to democracy and real activism. Kung hati ang tao, desensitized at walang pakialam sa mga human rights violation, na-normalize na ang dapat hindi naman normal gaya ng pagpatay sa mga lumalaban para sa mga karapatan mo at nating lahat, magiging wala nang pakialam ang mga tao at mas madali tayong mapapailalim sa kapangyarihan ng mga gustong maghari-harian at manatili sa kapangyarihan habang wala tayong kaalam-alam na inaabuso at ninanakaw na pala satin yung dapat sana ay mga karapatan natin.
I dare you all na mga nasa comment section na tanungin ang mga sarili niyo. Hindi kaya kayo napapasayaw lang sa saliw ng Propaganda?
(I'm begging you please open you mind and understand kasi ang hirap mag type ng mahaba hoping na someone will snap out of it hahha.)
Hindi dapat tayo magkaka-away dito kasi meron tayong iisang kalaban.