What's new

Closed Catholic Origin And Priest *** Abuse!

Status
Not open for further replies.
Religion is your system, it controls your brain and practice. No one realizes it, because they simply call it CONSPIRACY.
 
The existence of so many religions and the claim that all religions lead to God without question confuses many who are earnestly seeking the truth about God, with the end result sometimes being that some despair of ever reaching the absolute truth on the subject. Or they end up embracing the universalist claim that all religions lead to God. Of course, skeptics also point to the existence of so many religions as proof that either you cannot know God or that God simply does not exist.

You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. contains the biblical explanation for why there are so many religions. The truth of God is seen and known by every human being because God has made it so. Instead of accepting the truth about God and submitting to it, most human beings reject it and seek their own way to understand God. But this leads not to enlightenment regarding God, but to futility of thinking. Here is where we find the basis of the “many religions.”

Many people do not want to believe in a God who demands righteousness and morality, so they invent a God who makes no such requirements. Many people do not want to believe in a God who declares it impossible for people to earn their own way to heaven. So they invent a God who accepts people into heaven if they have completed certain steps, followed certain rules, and/or obeyed certain laws, at least to the best of their ability. Many people do not want a relationship with a God who is sovereign and omnipotent. So they imagine God as being more of a mystical force than a personal and sovereign ruler.

The existence of so many religions is not an argument against God's existence or an argument that truth about God is not clear. Rather, the existence of so many religions is demonstration of humanity's rejection of the one true God. Mankind has replaced Him with gods that are more to their liking. This is a dangerous enterprise. The desire to recreate God in our own image comes from the sin nature within us—a nature that will eventually “reap destruction” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.).

Do all religions lead to God? No. All people—religious or otherwise—will stand before God some day (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.), but religious affiliation is not what determines your eternal destiny. Only faith in Jesus Christ will save. “Whoever has the Son has life; whoever does not have the Son of God does not have life” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.). It’s as simple as that. Only Christianity—faith in the death and resurrection of Jesus Christ—leads to God’s forgiveness and eternal life. No one comes to the Father except through the Son (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.). It does make a difference what you believe. The decision to embrace the truth about Jesus Christ is important. Eternity is an awfully long time to be wrong.
 
There are true and pure religion sadly this is not catholicism and islam. Why protestant protested alam niyo ba kung bakit? 1. Nakita nila yung mga MALING ARAL NA KATOLISISMO. 2. The corruption and the abuse by pope and priest noong dark ages at sa katulad sa panahon ni Rizal. 3. ANG PAGSAMBA SA MGA REBULTO O IMAHE kahit di aminin ng mga katoliko ang pag gawa at pagdalangin sa mga ito ay nagdudulot ng galit ng Diyos.

Now there are 80% Catholics in the Philippines they say kaya pala maraming Lasenggo, babaero, corrupt, criminals, îllégâl drugs, prostitution etc. PANAY KAHIRAPAN AT DAANAN NG KALAMIDAD.

Wala sa bilang yan kundi nasa aral kung ito ay sumusunod sa Salita ng Diyos kasi KUNG ANO ANG PUNO AY SIYANG BUNGA!

Binigyan tayo ng utak ng Diyos para mag aral at matuto... Hindi tayo ililigtas ng kamangmangan o respeto at wala tayong maidadahila sa DIYOS sa harap Niya dahil huhukuman niya kasama ng mga bulaang mangangaral, mga sakim sa kapangyarihan, di mananampalataya at mga terrorista.

I am the way the truth and the life... -Jesus.

"Wider is the way in hell and narrow is the gate in heaven..." -Bible.
 
So your quoting that Catholicism ay di maliligtas? 🤔 Nag babasa kanaman ata ng Bible, Wag magmataas diba? Imbis na mag judge mag mahalan, So yoyr judging na ang mga prostitutes ay di na mahal ng Dios? Wag mong e General kuya. Nasan yung sinabing righteousness na sinabi ni Kristo nyan kung ganyan ugali mo. Lahat naman ng Protestants nag claclaim na kayo talaga ang tama, kahit nga sa iba dinadamay pa ang Catholic sa preach nila. Hays. Nag simba na nga gumawa pa ng kasalanan. So demonyo naba kaming Katoliko? Di naman kami sumasamba sa Rebulto. Lol. Kahit nga sa Sabi sa exodus na wag mag samba sa mga graven images, Idolatry. Tapos 5 chapter after non. Sabi naman ng Panginoon kay Moses na gumawa ng statue na may dalawa anghel. Tapos yung serpent at nagalit Ang panginoon dahil yung serpent na sinasama nila. Dapat God Alone yung pag samba. Sa simbahan ni solomonmay mga desinyo din roon na may mga anghel. Hays.
Wag sanang mag judge agad. Hate nasa puso mo nawala na yung love.
God have Mercy, God bless you
 
Maraming mga napakalaking pagkakaiba sa pagitan ng Simbahang Romano Katoliko at Simbahang Protestante. Habang marami ang nagtatangka na humanap ng pagkakasundo sa dalawang grupo sa pagdaan ng mga panahon, nananatili pa rin ang mga pagkakaiba at ang mga pagkakaibang ito ay kagaya pa rin sa pasimula ng repormasyong Protestante hanggang sa kasalukuyan. Ang mga sumusunod ay maiksing pagbubuod ng ilang mga pangunahing pagkakaiba sa pagitan ng dalawang grupo..

Ang isa sa mga pangunahing pagkakaiba sa pagitan ng Simbahang Romano Katoliko at Protestante ay ang isyu sa kasapatan at awtoridad ng Kasulatan. Naniniwala ang mga Protestante na tanging ang Bibliya lamang ang nagiisang pinanggagalingan ng espesyal na kapahayagan ng Diyos sa sangkatauhan at itinuturo nito ang lahat na dapat malaman ng tao tungkol sa kaligatasan at mga gawang nakalulugod sa Diyos. Kinikilala ng mga Protestante ang Bibliya bilang sukatan kung saan dapat ihambing ang pananampalataya at mga gawa ng mananampalataya. Ang paniniwalang ito ay karaniwang tinatawag na "Sola Scriptura" at isa sa "Limang Solas" (ang sola ay latin para sa tangi o nagiisa) na lumabas sa repormasyong Protestante at isa mga pangunahing pagkakaiba sa pagitan ng Simbahang Katoliko Romano at mga Protestante.

Habang napakaraming mga talata sa Bibliya kung saan itinatag ang awtoridad at kasapatan nito sa lahat ng bagay na may kinalaman sa pananampalataya at mga gawa, ang isa sa pinakamalinaw na talata ay ang 2 Timoteo 3:16 kung saan mababasa, "Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios ay mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa pagsansala, sa pagsaway, sa ikatututo na nasa katuwiran:" Sa kabilang banda naman, tinatanggihan ng mga Romano Katoliko ang doktrina ng Sola Scriptura at hindi pinaniniwalaan na sapat na ang Bibliya. Naniniwala sila na parehong kailangan ang Bibliya at ang "sagradong" tradisyon ng Simbahang Katoliko bilang kanilang awtoridad. Marami sa mga doktrina ng Simbahang Katoliko gaya ng purgatoyo, pananalangin sa mga namatay na santo, pagsamba at pagpupugay kay Maria at iba pa ay walang basehan sa Kasulatan kundi ayon lamang sa mga tradisyon ng Romano Katoliko. Sa esensya, ang pagtanggi ng Simbahang Katoliko sa Sola Scriptura at ang kanilang pagpipilit na may pantay na awtoridad ang mga tradisyon ng Simbahan sa Bibliya ang nagpapawalang saysay sa kasapatan, awtoridad at pagiging kumpleto ng Bibliya. Ang pananaw tungkol sa awtoridad ng Bibliya ang ugat ng marami, kung hindi man ng lahat na mga pagkakaiba sa pagitan ng Simbahang Katoliko at mga Protestante.

Ang isa pang pangunahing pagkakaiba sa pagitan ng Simbahang Katoliko at mga Protestante na may kaugnayan sa awtoridad ay ang gawain at awtoridad ng Papa. Ayon sa Katolisismo, ang Papa ang "Vicar of Christ" o "Kahalili ni Kristo" (ang vicar ay isang kahalili) at siya ang pumalit sa pwesto ni Hesus bilang nakikitang ulo ng Iglesya. Dahil dito, anumang sabihin niya na may kinalaman sa doktrina ay itinuturing na "ex-ctahedra" (may kapangyarihan sa lahat ng katuruan at gawang panrelihiyon), at kung magtuturo siya, ang kanyang itinuro ay itinuturing na hindi nagkakamali at dapat na sumunod doon ang mga Katoliko Romano. Sa isang banda naman, pinaniniwalaan ng mga Protestante na walang taong hindi nagkakamali at si Kristo lamang ang pinuno ng iglesya. Pinagtitiwalaan ng mga Romano Katoliko ang pagsasalin ng awtoridad sa mga kahalili ng mga apostol upang itatag ang awtoridad ng Papa. Ngunit naniniwala ang mga Protestante na hindi nanggagaling ang awtoridad sa pagsasalin ng awtoridad sa mga apostol kundi sa nasulat na Salita ng Diyos - ang Bibliya. Ang espiritwal na kapangyarihan at awtoridad ay hindi nakasalalay sa mga kamay ng tao kundi sa mismong Salita ng Diyos na naitala sa Bibliya. Habang itinuturo ng simbahang Romano Katoliko na ang simbahang Katoliko lamang ang may kakayahang maunawaan ng tama ang Bibliya, pinaniniwalaan naman ng mga Protestante na ipinadala ng Diyos ang Banal na Espiritu upang manahan sa mga isinilang na muling mananampalataya upang bigyan sila ng kakayahan na maunawaan ang mensahe ng Diyos na nakasulat sa Bibliya.

Ito ay malinaw na makikita sa mga talata gaya ng Juan 14:16-17: “At ako'y dadalangin sa Ama, at kayo'y bibigyan niya ng ibang Mangaaliw, upang siyang suma inyo magpakailan man, Sa makatuwid baga'y ang Espiritu ng katotohanan: na hindi matatanggap ng sanglibutan; sapagka't hindi nito siya nakikita, ni nakikilala man siya: siya'y nakikilala ninyo; sapagka't siya'y tumatahan sa inyo, at sasa inyo.”

Hindi ko kayo iiwang magisa: ako'y paririto sa inyo" (Tingnan din ang Juan 14:26 at 1 Juan 2:27). Habang itinuturo ng Katolisismo na tanging ang Simbahang Katoliko lamang ang may kapangyarihan at awtoridad upang ipaliwanag ang Bibliya, kinikilala naman ng mga Protestante ang doktrina ng Bibliya tungkol sa pagiging saserdote ng lahat ng mananampalataya, at mapagtitiwalaan ng bawat mananampalataya ang Banal na Espiritu para sa paggabay sa kanila sa pagbabasa at pagunawa sa katuruan ng Bibliya.

Ang ikatlong pangunahing pagkakaiba sa pagitan ng Simbahang Katolisismo at Protestante ay kung paano maliligtas ang tao. Ang isa pa sa limang "Solas" ng repormasyong Protestante ay ang "Sola Fide" o pananampalataya lamang, na pinagtitibay ang doktrina ng Bibliya ng pagpapawalang sala sa pamamagitan lamang ng pananampalataya kay Kristo (Efeso 2:8-10). Ngunit, ayon sa simbahang Romano Katoliko, hindi maliligtas ang tao sa pamamagitan lamang ni Kristo at ng pananampalataya. Itinuturo nila na dapat magtiwala ang tao sa kanyang pananampalataya at sa "mga katanggap tanggap na gawa" upang maligtas. Napakahalaga sa doktrina ng kaligtasan ng Simbahang Katoliko ang pitong sakramento gaya ng sumusunod: sakramento ng binyag, kumpil, kumpisal, kumunyon, eukaristiya o misa, pagpapari o pagmamadre, matrimonyo ng kasal at pagbabasbas o pananalangin sa patay. Naniniwala ang mga Protestante na dahil sa pananampalataya kay Kristo lamang, ang mananampalataya ay pinawalang sala ng Diyos dahil ang lahat ng kanilang mga kasalanan ay binayaran ni Hesus doon sa krus at ang Kanyang katwiran ay ibinigay sa sinumang sumasampalataya sa Kanya. Ang mga Katoliko naman ay naniniwala na ang katwiran ni Kristo ay ipinagkakaloob din sa mananampalataya sa pamamagitan ng pananampalataya ngunit hindi iyon sapat upang mapawalang sala ang mananampalataya. Kailangang dagdagan nila ang kanilang pananampalataya ng katwiran ni Kristo na ipinagkakaloob sa kanila sa pamamagitan ng kanilang mabubuting gawa.

Hindi rin nagkakasundo ang mga Romano Katoliko at Protestante sa kahulugan ng pagpapawalang sala sa harapan ng Diyos. Para sa mga Katoliko, ang pagpapawalang sala ay kinapapalooban ng pagiging banal at makatwiran sa sariling lakas at kakayahan. Naniniwala sila na ang pananampalataya kay Kristo ay pasimula lamang ng kaligtasan at ang bawat indibidwal ay kailangang gumawa ng mabubuting mga gawa dahil "kailangan ng taong makamit ang biyaya ng Diyos ng pagpapawalang sala at walang hanggang kaligtasan." Ngunit ang pananaw na ito tungkol sa pagpapawalang sala ay sumasalungat sa malinaw na katuruan ng Bibliya sa mga talata gaya ng Roma 4:1-12; Tito 3:3-7, at marami pang iba. Sa isang banda, kinikilala naman ng mga Protestante ang minsanang pagpapawalang sala (ng ideklara tayo ng Diyos na makatwiran at banal dahilan sa ating pananampalataya sa pagtubos ni Hesus sa atin doon sa Krus) at sa pagpapaging banal (ang nagpapatuloy na proseso ng pagpapawalang sala habang nabubuhay tayo dito sa lupa). Habang kinikilala ng mga Protestante na mahalaga rin ang mabubuting gawa, naniniwala sila na ang mga ito ay bunga lamang ng kaligtasan at hindi kasangkapan sa kaligtasan. Pinaghahalo ng Romano Katoliko ang pagpapawalang sala at pagpapaging banal sa isang nagpapatuloy na proseso, na nagbubunga sa kalituhan kung paano maliligtas ang isang tao.

Ang ika-apat na pangunahing pagkakaiba sa pagitan ng Romano Katoliko at Protestante ay tungkol sa mangyayari sa tao pagkatapos ng kamatayan. Habang pareho silang naniniwala na gugugulin ng mga hindi mananampalataya ang kanilang walang hanggan sa impiyerno, may malaking pagkakaiba sa mangyayari sa mga mananampalataya kung sila'y mamatay. Mula sa mga tradisyon ng Simbahang Katoliko at dahil sa kanilang paniniwala sa mga hindi kanonikadong mga aklat, naniniwala ang mga Romano Katoliko sa doktrina ng Purgatoryo. Ang Purgatoryo ayon sa diksyunaryong Katoliko ay ang "lugar o kundisyon ng pansamantalang pagpaparusa para sa mga namatay na hindi malaya sa mga benyal na kasalanan o sa mga hindi nakabayad ng buo sa kanilang mga pagkakasala habang nasa lupa." Sa kabilang dako naman, naniniwala ang mga Protestante na napawalang sala na ang mga mananampalataya dahil sa kanilang pananampalataya kay Kristo lamang at dahil ipinagkaloob na sa kanila ang katwrian ni Kristo, pupunta sila diretso sa langit at mapapasa-piling ng Panginoong Hesu Kristo pagkatapos ng kanilang kamatayan (Corinto 5:6-10 at Filipos 1:23).

Ngunit ang mas nakakabahala tungkol sa doktrina ng purgatoryo ng simbahang Katoliko ay ang katuruan na maaaring mabayaran ang kasalanan ng taong nasa purgatoryo sa pamamagitan ng indulhensya ng kanilang mga kamag-anak at mahal sa buhay na nabubuhay pa sa lupa. Ang doktrinang ito at ang maling pagkaunawa sa katuruan ng Bibliya tungkol sa pagpapawalang sala ay nagbunga sa mababang pagtingin sa kasapatan at kapangyarihan ng pagtubos ni Kristo. Sa simpleng pananalita, ang pananaw ng simbahang Katoliko sa kaligtasan ay hindi sapat ang pagsasakripisyo ni Kristo sa krus para sa mga sumasampalataya sa Kanya at kailangan pa ng isang mananampalataya na tubusin ang kanyang sariling kasalanan o magbayad ng kanyang sariling kasalanan sa pamamagitan ng pagpipipenitensya para mapaikli ang kanyang panahong ilalagi sa purgatoryo. Ngunit paulit-ulit na itinuturo ng Bibliya na ang kamatayan lamang ni Kristo ang katanggap-tanggap na kabayaran para sa ating mga kasalanan at ito lamang ang makapapawi sa poot ng Diyos laban sa mga makasalanan (Roma 3:25; Hebreo 2:17; 1 Juan 2:2; 1 Juan 4:10). Ang ating mga gawang ayon sa katuwiran ay hindi maaaring magdagdag sa nagawa ng kamatayan ni Kristo.

Habang napakaraming mga pagkakaiba sa pinaniniwalaan ng mga Katoliko at mga Protestante, ang apat na ito ay sapat na upang ipakita na may napakalaking pagkakaiba sa pagitan ng dalawa. Kung paanong sinulatan ni Pablo ang mga miyembro ng relihiyong Judaismo (Mga Hudyo na nagsasabi sa mga hentil na kinakailangan nilang sundin ang mga Kautusan sa Lumang Tipan upang maligtas) sa kanyang sulat sa mga taga Galacia, ang paniniwala ng mga Katoliko na kailangan ang gawa upang mapawalang sala ng Diyos ay “ibang Ebanghelyo.” Napakalaki at napakakrusyal ng pagkakaiba sa pagitan ng Simbahang Katoiliko at Protestante.

Dalangin namin sa Diyos na nawa'y buksan Niya ang mata ng sinumang makakabasa ng artikulong ito na nagtitiwala sa mga katuruan ng Simbahang Katoliko. Kami’y umaasa na nawa'y maunawaan ng mambabasa na hindi makakapagpawalang sala o makakapagpabanal man ang mabubuting gawa ng tao (Isaias 64:6). Aming dalangin na nawa'y ilagak ng lahat ang kanilang pananampalataya sa katotohanan na ang tao'y "Inaring-ganap na walang bayad ng kaniyang biyaya sa pamamagitan ng pagtubos na nasa kay Cristo Jesus: na siyang inilagay ng Dios na maging pangpalubagloob, sa pamamagitan ng pananampalataya, sa kaniyang dugo" (Roma 3:24-25a). Iniligtas ng Diyos ang tao, "hindi dahil sa mga gawa sa katuwiran na ginawa nating sarili, kundi ayon sa kaniyang kaawaan ay kaniyang iniligtas tayo, sa pamamagitan ng paghuhugas sa muling kapanganakan at ng pagbabago sa Espiritu Santo, na kaniyang ibinuhos ng sagana sa atin, sa pamamagitan ni Jesucristo na ating Tagapagligtas; upang, sa pagkaaring-ganap sa atin sa pamamagitan ng kaniyang biyaya, ay maging tagapagmana tayo ayon sa pagasa sa buhay na walang hanggan" (Tito 3:5-7).
 
Kanino na ba inutos ang Ark, Cherubim at ginto ahas? Sa Israel ba o sa mga Kristiano? Ito ba ay maikukumpara para I justify ang maling pagsamba na di naman inutos ng Diyos? Ano ang significance nito sa kasaysayan ng Israel at ito ba ay nag eexist pa ngayon? (READ FIRST BEFORE POSTING COMMENT):

Maliwanag ang sinasabi ng ikalawang utos na “WAG KANG GAGAWA NG ANUMANG INANYUHAN NA WANGIS NG TAO O HAYOP SA LANGIT O SA LUPA MAN pagka’t ang DIYOS AY “ESPIRITU” at katotohanan sila na sumasamba sa Diyos ay DAPAT sumamba sa “ESPIRITU” at katotohanan... (–JOHN 4:24) Laging dinadahilan ng mga iba ang Ark, Cherubim at ang Ahas?
UNA: Ang mga bagay na ito ay inutos sa ISRAEL hindi sa mga Kristiano o kanino pa man… ayon sa kasaysayan ng Israel…

PANGALAWA: Ang significance nito sa Israel na ibang iba sa mga rebulto o imaheng hindi naman inutos ng Diyos! Hindi dinalanginan ng Israel ang mga ito liban sa ahas kung saan napahamak ang marami at ito ay pinasira ni Moses… ang Ark, Cherubim at Ahas ay hindi na nag eexist ngayon sa Israel tulad ng dati (2 KINGS 18:4).

PANGATLO: Kung ginagaya ito ng ibang religious sectors at ganito ang pagrarason nila MAG PISTA NA RIN KAYA SILA NG TINAPAY NA WALANG LIBADURA AT PAMPASKUWA at gayahin ang mga bagay ng Israel noon? SUBALIT TAYO AY HENTIL AT MGA KRISTIANO naligtas sa biyaya ng Diyos sa pamamagitan ni Kristo Hesus…

PANG-APAT: IBA ANG GRAVENN IMAGES SA MGA BAGAY NA INUTOS NG DIYOS SA ISRAEL na pinabanal ng Diyos at sa mga bagay na HINDI NAMAN INUTOS NG DIYOS bagkus utos lang ng simbahaban, tao at mga maling paniniwala o tradisyon…

Ginagawa pang dahilan ng iba si RIZAL? Tandaan nating ang DIYOS ay hindi taong tulad natin na kailangan Niya ng rebulto para maalala natin Siya ang tunay na pananampalataya nasa mga bagay na ESPIRITUAL hindi sa mga bagay na nakikita ng mata… at ang tunay na sumampalataya kay Kristo ay hindi nakakalimot at nasa puso Niya ito kailanman…

[DAHIL HINDI BINIBIGAY NG DIYOS ANG KANYANG PURI SA MGA BAGAY NA GAWA NG MAKASALANANG TAO NA HINDI NAMAN INUTOS NG DIYOS!]

PANG-LIMA: Sinumpa ng Diyos ang mga sumasamba sa mga rebulto sa ano pa mang kaparaanan hanggang sa ikaapat na salinlahi at dahilan ng maraming pagkakasala maging sa panahong ito… DAHIL ANG TUNAY NA PAPURI, DALANGIN, PAGLILINGKOD AT PAGSAMBA AY SA DIYOS LAMANG HINDI SA TAO O BAGAY!!! Kaya napakahalaga rin ng mga tanong na ito NA MAY INUTOS BA? WAG TAYONG HIHIGIT SA NASUSULAT! Sabi ni Pablo….

ITO ANG LAGING INIIWASAN NA TANONG AT DI NASASAGOT NG IBA NG DIRETSO kundi puro opinion lang nila KUNG SAAN VERSE MAKIKITA NA GAWAN MO SIYA NG REBULTO O IMAHEN NIYA TSAKA MO YUKURAN O DALANGINAN ITO?! MALIWANAG WALA NI ISA! MAGDADAHILAN PA NG LIHIS AT MGA OFF CONTEXT VERSES NA DI NILA NAUUNAWAAN…

MARAMING SALAMAT SA PAGBABASA… SI HESUS ANG TANGING DAAN SA LANGIT! (JOHN 3:16)
 
Hmm? I don't believe at all.
But one thing that is still unanswered, until now. That is true. And I'm still asking this to myself. Not just me, but to others who doesn't believe religions.

Question:
Who was the God's father?

Kahit i-search sa Google ang tanong, wala pa ring malinaw na sagot sa tanong. In short, wala pa ring proof to answer.

Kung meron man, hindi po siya proven answer, but only inacurate answer.

Who knows? Kahit nga mga pari, pastor, o kahit nga yung Bible di nasagot eh, kayo pa kaya?

That's one of the suspicious question about the religion.

Sorry. Atheist talaga ako.
No offence, peace.

Try to prove me wrong. ;)
I remembered my college days because of this question. Naging atheist ako noon kaso narealized Kong I don't really believe that "everything is a chance" which is one of the core of atheism so I labeled myself na agnostic kasi naniniwala padin ako sa "higher power".

Wala nako sa eskwelahan ng nasagot to. Kung sino sumagot, I believe it's God(yeah Christian nako ngayon which I find it more logical).

Here's the answer.

"Nasanay ka na lahat ng bagay may SIMULA at KATAPUSAN. Nabuhay ka sa mundong dominante ang dalwang idea kaya ganyan ka mag-isip. Kaso merong ISA na walang simula at walang katapusan. DIYOS ang tawag Sakanya."

Mind boggling.
 
well, sorry about using that word. its not really my intention to hurt someones feeling, but to educate them to differentiate the right to wrong and correct to mistake. i do respect your religion (belief) , but that was long ago. and i think it is now the right time for us to wake up. Wake up to that heavenly fantasy.
Of course you are not really sorry at it is REALLY your intention to hurt. Wag ka nga magmalinis. May pa "ipokrito mga may religion" eh ipokrito kadin.

Biglang mabait ka kuno kasi takot kang mabash. Woooh.
 
Wala naman lahat nasa Bible. May mga libro na di isinama sa New Testament. Pinili lamang ang by God's Grace yung nasa New Testament. Isa pa na Tadisyon na kasi yan. Alam mo naman sa panahon noon. Iconography. Inaadopt lang hanggang ngayon. Di naman siguro magahalit ang Panginoon na ang Rebultong iyon ay makaka tulong sa pananampalataya sa kanya. Matalino naman ang Panginoon kesa sa atin. Walang may alam, ni ikaw di mo talaga alam na nagagalit ag Panginoon. Masa gawa nalang natin naka toon kung San tayo oapunta. Kahit wala kayong rebulto sa bahay at di ka maniwala diyan kung ang paniniwala mo ay patay. Wala parin yan. Lalo na kung wala kang gawa. Gawa naba ang manghusga sa kapwa, dahil sa oaniniwala nila. Dahil ang nasa isip mo ay ikaw ang mas mataas at may alam kesa sa kanila. Nah. Tanggalin mo yan. Diyan magagalit ang Panginoong Dios, ang sinabi ni Hesus mag mahalan tayong lahat. No hate comment to sir ha. Pero I do resoect your faith. Pero malaki rin Faith ko sa simbahan ko. If may makita kayo na mga Catholics na lumuhod sa rebulto wag niyo agad e judge ang Dios lang ang owede mag judge. Walang malinis saatin. Ang gawin nalang natin mga Kristyano mag mahalan imibis na mag debate. Natatawa lang mga Atheist nyan. Mas lalo silang di maniniwala sa atin.
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top