What's new

Closed Busted na naman

Status
Not open for further replies.
Peke:
upload_2018-3-26_14-16-43.png

Totoo:

upload_2018-3-26_14-17-0.png
 
Attachments

hindi po ba,natin nakikita un picture ang post ng isang DDS at anti DDS o mapanuri lang.

Kasi kung ikaw ay isang diehard supporters o DDS talaga hindi muna kailangan ungkatin pa ang pekeng picture dahil para sa iyo ito ay totoo, maganda at hindi mo na iisipin fake news ito.

Pero kung ikaw ay taong mapanuri, uungkatin mo talaga ito kung ang source mo ay nagbibigay ng totoong balita. Ito ang pinapakita sa 2nd picture..

Pero kung un una picture lang ang pinakita ni TS sigurado hindi na para alamin ng mga DDS kung totoo ito o hindi at puro maganda ang magiging comment nila.

Ang nakikita ko isang punto ni TS dito ay ang wag tayo maging ultra one sided dahil alam natin na lahat ng sobra ay masama. Hindi sa lahat ng bagay ay laging supporters lang tayo. May mga bagay na mali na dapat din natin makita at kailangan mapuna para maitama ito. Maging suporters din sana tayo para maitama ang pagkakamali.
pwede ko din ibalik sayo yang commento mo. ang dami ding mga haters na kagaya ng sabi mo peke ang gamit. well kung isa ka sa haters halata naman:) kagaya ng sabi ko kanina 2022 pa po election matagal tagal pang maninikip ****** ng mga haters.baka mareelect pa nga kung tatakbo ulit :)
 
Last edited by a moderator:
pero para sa mga DDs followers nya hindi na iisipin ito na fake news talaga ang iisipin na lang nila ay kung paano ito ililike at ise share..
pinagpilitan talaga? bakit ipagpilit ishare ng supporter kung makakasira sa presidente. baka kamo haters/anti duterte magkukunwaring DDS hahaha
 
A "report" button is there for a reason po. If alam nyong fake news, e report. Paano tayo nakakasiguro na DDS ang owner ng page na yan? Dahil lang sa may pangalang inuugnay kay Duterte? Ikaw na din an nagsabi na wag maging one-sided, sana e apply mo din sa sarili mo. As what I've said, in a different situation, kaya kong magpanggap nanisang "dilawan" para magpakalat ng fake news.
 
pwede ko din ibalik sayo yang commento mo. ang dami ding mga haters na kagaya ng sabi mo peke ang gamit. well kung isa ka sa haters halata naman:) kagaya ng sabi ko kanina 2022 pa po election matagal tagal pang maninikip ****** ng mga haters.baka mareelect pa nga kung tatakbo ulit :)
hindi ko naman kailangan maghintay na matapos ang termino nya dahil ang papalit sa kanya ay wala rin pinagkaiba sa lahat ng pangulong nagdaan..
 
Last edited by a moderator:
hindi ko naman kailangan maghintay na matapos ang termino nya dahil ang papalit sa kanya ay wala rin pinagkaiba sa lahat ng pangulong nagdaan..
well opinyon mo yan respeto kita. para sakin naman mas ok pa si duterte 2 years pa lang dami na nagawa kesa sa nagdaang pangulo natapos nalang termino oo may nagawa nga pero karamihan palpak.wala namang tao na perfecto eh.:) pwede din ikaw tatakbo sir para maiba:) :) peaceyow
 
Last edited by a moderator:
pinagpilitan talaga? bakit ipagpilit ishare ng supporter kung makakasira sa presidente. baka kamo haters/anti duterte magkukunwaring DDS hahaha
A "report" button is there for a reason po. If alam nyong fake news, e report. Paano tayo nakakasiguro na DDS ang owner ng page na yan? Dahil lang sa may pangalang inuugnay kay Duterte? Ikaw na din an nagsabi na wag maging one-sided, sana e apply mo din sa sarili mo. As what I've said, in a different situation, kaya kong magpanggap nanisang "dilawan" para magpakalat ng fake news.
bakit hindi nyo subukan na kayo ang magsuri. Hindi un puro opinyon lang kayo.. Try nyo kaya bisitahin ang page na ito para malaman nyo kung ang opinyon nyo ba ay nasa tama.
 
well opinyon mo yan respeto kita. para sakin naman mas ok pa si duterte 2 years pa lang dami na nagawa kesa sa nagdaang pangulo natapos nalang termino oo may nagawa nga pero karamihan palpak.wala namang tao na perfecto eh.:) pwede din ikaw tatakbo sir para maiba:) :) peaceyow
hindi kasi ako tumitingin lang sa basta nagawa at hindi basta pagbabago, kundi pang habang buhay na pagbabago.. Natutuwa kayo sa mga nagawa nya pero hindi natin nakikita na ang bawat ginagawa nya ay hindi parin kayang baguhin ang panghabang buhay na kalagayan ng pilipino.. May ginagawa nga sya pero ito ay sanga at dahon lamang at magpapabalik balik lang ito sa dati.

May maganda siya nagawa sa termino nya, paano na pag natapos ang termino nya at isang pnoy, gloria o erap na naman ang pumalit. Nasasayang lang ang ginagawa nya kung hindi nya kaya solusyunan kung ano ba talaga ang ugat ng paghihirap ng pilipino.

Wag mo lang ko sasagutin ng ako na lang ang mag presidente..baka Mapagkakamalan kita troll na binabayaran sa fb.. Hehehe
 
Last edited by a moderator:
bakit hindi nyo subukan na kayo ang magsuri. Hindi un puro opinyon lang kayo.. Try nyo kaya bisitahin ang page na ito para malaman nyo kung ang opinyon nyo ba ay nasa tama.
Boss ang opinion hindi tama or mali, binibase yan sa judgement mo, kung ano ang pananaw mo. Kaya walang opinion na tama or mali.

Ok sabihin na natin na fake news nga yan, does that page represent the whole dds?

Madami akong nakikitang diliwan na dummy account, do they represent the whole dilawan?

Ano ba talaga ang issue natin dito? Ang fake news ba o dahil tinatangkilik namin si Duterte?
 
May maganda siya nagawa sa termino nya, paano na pag natapos ang termino nya at isang pnoy, gloria o erap na naman ang pumalit. Nasasayang lang ang ginagawa nya kung hindi nya kaya solusyunan kung ano ba talaga ang ugat ng paghihirap ng pilipino.
Napahanga mo ako sa pinupunto mo dito boss. Pero mahirap gumawa ng batas na panghabam buhay at sasangayonan ng lahat. Halimbawa, federalismo, kaming mga taga Mindanao pabor jan, pero maraming iba na hindi. Maraming tototol, maraming haharang. May mananabotahe para sa sariling interes lang.
 
Hindi po, ang opinyon ay hindi natin masasabi tama o mali kung hindi dahil sa nakikinig dito at pumupuna nito. Ito ay masasabing tama batay sa pagsangayon ng mga nakikinig o mali dahil meron pa opinyon mas higit na maganda sa nauna.

Hindi naman tayo magbibigay ng opinyon na lalong ikakababa natin.

Ang issue po dito ay.. Ayaw natin tumanggap na nagkamali dahil sa sobrang pagka one sided natin..
 
Napahanga mo ako sa pinupunto mo dito boss. Pero mahirap gumawa ng batas na panghabam buhay at sasangayonan ng lahat. Halimbawa, federalismo, kaming mga taga Mindanao pabor jan, pero maraming iba na hindi. Maraming tototol, maraming haharang. May mananabotahe para sa sariling interes lang.
edi gumawa sy ng batas na sasang ayon ang lahat... Bawat uri ng tao kasi sa lipunan ay may kanya kanya interes. Kung maibibigay mo ito sasangayon sayo lahat ng tao..

Halimbawa, sa magsasaka kung maibibigay mo ba ang interes nila. Magkaroon ng lupang masasaka, tunay na reporma sa lupa. Ibalik ang lupang inangkin ng mga haciendero. Paunlarin ang agrikultura. Tingnan natin kung hindi ka panigan ng magsasaka.

Sa manggagawa, Kung winakasan sana nya ang kontraktwalisasyon at pantay pantay na sahod sa bawat rehiyon at nakabubuhay na sahod sa bansa. Sana kakampi na nya ngayon ang manggagawa.

Sa mga professionals, kung kaya ba nya bigyan ng halaga sila bilang magamit ang kanilang napagaralan. E di sana katuwang na sila ng gobyerno para tumuklas, inbentor o taga isip ng bagong idea.

Sa mga national businessman, nalugi at nagsara ang kanilang mga negosyo dahil sa pagpasok ng mga dayuhan produkto..

Sila po ang bumubuo ng malaking bilang ng populasyon ng bansa.. Kung maibibigay lang po sana ang interes ng bawat isa baka lahat ng tao nasa panig na nya..

Sino po ba nagpapahirap sa lahat ng ito?
Ang mga dayuhan kapitalista nag papahirap sa manggagawa sa mababang sahod habang super tubo ang nakukuha nila sa bansa.
Ang mga panginoon may lupa na inangkin ang lupang pagaari ng gobyerno o nasa iilan tao lamang ang nagmamay ari ng kalakhang lupa sa bansa para sa pansariling interes lamang.
Ang Gobyerno na hinayaan na tangkilikin natin ang produktong gawa ng dayuhan kesa sa tayo ay gumawa ng industriya nito.
Ang gobyerno na mas gusto pa maglingkod sa dayuhan kesa sa sambayanan nito.
Ang mga pulitiko na ginagamit ang posisyon para magpayaman lang o mag negosyo.

Sila po ang mga ugat ng paghihirap ng sambayanan pilipino. Eto po ang nakikita ko sa nakaupo na malayo para masolusyunan nya ito.. Ang binabanggit nyo po para manabotahe at para sa pansariling interes lamang ay sila rin po kung sino nagpapahirap sa sambayanan, nasa kanila rin po kaisipan ito.. Sila po ang may kaisipang makasarili para sa pansariling interes para magpayaman at para sa kapangyarihan.

Ang federalism po ay sistema lang ng pamamahala.. Iba po ito sa sistema ng lipunan sa bansa. Nasa sistema parin tayo ng Feudalism o ekonomiya nakabatay sa pagsasaka at Capitalism na pinapatakbo ng mga dayuhan at local monopolyo kapitalista.
 
hindi kasi ako tumitingin lang sa basta nagawa at hindi basta pagbabago, kundi pang habang buhay na pagbabago.. Natutuwa kayo sa mga nagawa nya pero hindi natin nakikita na ang bawat ginagawa nya ay hindi parin kayang baguhin ang panghabang buhay na kalagayan ng pilipino.. May ginagawa nga sya pero ito ay sanga at dahon lamang at magpapabalik balik lang ito sa dati.

May maganda siya nagawa sa termino nya, paano na pag natapos ang termino nya at isang pnoy, gloria o erap na naman ang pumalit. Nasasayang lang ang ginagawa nya kung hindi nya kaya solusyunan kung ano ba talaga ang ugat ng paghihirap ng pilipino.

Wag mo lang ko sasagutin ng ako na lang ang mag presidente..baka Mapagkakamalan kita troll na binabayaran sa fb.. Hehehe
dami mo kasi alam eh kaya pwede mo subukan tumakbo sa 2022 ikaw na ata pagasa ng pilipino. wag mo ko pagkamanlan na troll sa fb dahil minsan lang ako active dun ni wala nga akong political group dun.at hindi ako kababang uri ng tao magtroll sa fb para magkapera.
 
A "report" button is there for a reason po. If alam nyong fake news, e report. Paano tayo nakakasiguro na DDS ang owner ng page na yan? Dahil lang sa may pangalang inuugnay kay Duterte? Ikaw na din an nagsabi na wag maging one-sided, sana e apply mo din sa sarili mo. As what I've said, in a different situation, kaya kong magpanggap nanisang "dilawan" para magpakalat ng fake news.
Eto ang tama hehe..
 
dami mo kasi alam eh kaya pwede mo subukan tumakbo sa 2022 ikaw na ata pagasa ng pilipino. wag mo ko pagkamanlan na troll sa fb dahil minsan lang ako active dun ni wala nga akong political group dun.at hindi ako kababang uri ng tao magtroll sa fb para magkapera.
hindi ko naman sinabi na direkta na troll ka.. Meron ka kaisipan na kagaya nila. Ang troll kasi ay gusto nila ay pababawin ang pagtingin sa isyu, ang gusto nila kasi ay wala na magreklamo pa. Pagmareklamo sasabihan ka,dilawan, aktibistang bayaran, ikaw na lang ang pangulo.

Tanggapin na lang natin ang bulok sa sistema. They want a nation of blind followers, obedient sheep. Gusto nila, maging **** at mababaw ang tao, para hindi na magtanong kung bakit laganap pa rin ang kurapsyon, ang daming pinapatay at walang nananagot, nakalulusot ang mga makapangyarihan, at naghihirap pa rin ang karamihan.
Huwag maging mababaw. Patuloy na magtanong, makialam, magsalita. Ang mga trolls ay maingay lamang, pero walang kapasidad na magdulot ng pagbabago. Ayaw nila sa pagbabago.

Pero sinabi nyo na hindi kayo ganon. Kaya dapat wag kayo maging mababaw. Magsuri, makialam. Para hindi mapagkamalan troll.
 
Para daw e uunfollow natin yan.
Akala nya yata pinanganak tayo kahapon para di maintindihan ang pinupunto nya dito.

Try nyo magcomment na peke yang larawan doon sa page tingnan natin kung anong itatawag sa inyo doon.
bakit hindi nyo subukan na kayo ang magsuri. Hindi un puro opinyon lang kayo.. Try nyo kaya bisitahin ang page na ito para malaman nyo kung ang opinyon nyo ba ay nasa tama.

Try nyo din magcomment doon na isang pekeng larawan ang pinapakalat nila. Try nyo din tingnan kung sinong mga nagshare, alangan naman lahat nang nagshare at nagcomment doon ay mga pekeng "DDS" at tunay na dilawan.
 
edi gumawa sy ng batas na sasang ayon ang lahat... Bawat uri ng tao kasi sa lipunan ay may kanya kanya interes. Kung maibibigay mo ito sasangayon sayo lahat ng tao..

Halimbawa, sa magsasaka kung maibibigay mo ba ang interes nila. Magkaroon ng lupang masasaka, tunay na reporma sa lupa. Ibalik ang lupang inangkin ng mga haciendero. Paunlarin ang agrikultura. Tingnan natin kung hindi ka panigan ng magsasaka.

Sa manggagawa, Kung winakasan sana nya ang kontraktwalisasyon at pantay pantay na sahod sa bawat rehiyon at nakabubuhay na sahod sa bansa. Sana kakampi na nya ngayon ang manggagawa.

Sa mga professionals, kung kaya ba nya bigyan ng halaga sila bilang magamit ang kanilang napagaralan. E di sana katuwang na sila ng gobyerno para tumuklas, inbentor o taga isip ng bagong idea.

Sa mga national businessman, nalugi at nagsara ang kanilang mga negosyo dahil sa pagpasok ng mga dayuhan produkto..

Sila po ang bumubuo ng malaking bilang ng populasyon ng bansa.. Kung maibibigay lang po sana ang interes ng bawat isa baka lahat ng tao nasa panig na nya..

Sino po ba nagpapahirap sa lahat ng ito?
Ang mga dayuhan kapitalista nag papahirap sa manggagawa sa mababang sahod habang super tubo ang nakukuha nila sa bansa.
Ang mga panginoon may lupa na inangkin ang lupang pagaari ng gobyerno o nasa iilan tao lamang ang nagmamay ari ng kalakhang lupa sa bansa para sa pansariling interes lamang.
Ang Gobyerno na hinayaan na tangkilikin natin ang produktong gawa ng dayuhan kesa sa tayo ay gumawa ng industriya nito.
Ang gobyerno na mas gusto pa maglingkod sa dayuhan kesa sa sambayanan nito.
Ang mga pulitiko na ginagamit ang posisyon para magpayaman lang o mag negosyo.

Sila po ang mga ugat ng paghihirap ng sambayanan pilipino. Eto po ang nakikita ko sa nakaupo na malayo para masolusyunan nya ito.. Ang binabanggit nyo po para manabotahe at para sa pansariling interes lamang ay sila rin po kung sino nagpapahirap sa sambayanan, nasa kanila rin po kaisipan ito.. Sila po ang may kaisipang makasarili para sa pansariling interes para magpayaman at para sa kapangyarihan.

Ang federalism po ay sistema lang ng pamamahala.. Iba po ito sa sistema ng lipunan sa bansa. Nasa sistema parin tayo ng Feudalism o ekonomiya nakabatay sa pagsasaka at Capitalism na pinapatakbo ng mga dayuhan at local monopolyo kapitalista.
May point sana mga pinagsasabi mo at pinaglalaban mo kaya lang sobrang wala ka sa lugar. Masyado mong pinapalalim yung usapin sa simpleng mababaw lang na problema. Yung mga ganyan istilo ay hindi nalalayo sa galawang "liberal party" napag-iwanan na ng panahon yung mga ganyan istilo at hindi na uubra yang ganyan. Kung dati ay pwede pa, pero ngayon hindi na dahil bukas na libro na ang gobyerno dahil sa social media.
Ang pinupunto ko lang ay hindi na bulag, ta-nga, mangmang at ignorante yung mga tao. Pero hindi ko nilalahat:) dahil yung mga thread na ganyan o yung mga tulad mo ay nagpapatunay na buhay na buhay yung tinatawag na "Crab Mentality" dito.
 
Last edited by a moderator:
Try nyo magcomment na peke yang larawan doon sa page tingnan natin kung anong itatawag sa inyo doon.

Try nyo din magcomment doon na isang pekeng larawan ang pinapakalat nila. Try nyo din tingnan kung sinong mga nagshare, alangan naman lahat nang nagshare at nagcomment doon ay mga pekeng "DDS" at tunay na dilawan.
Hindi kana bata, malamang may isip ka na. Bakit makikinig ka sa sasabihin ng iba kung may sarili kang pananaw at prinsipyo sa buhay?
 
May point sana mga pinagsasabi mo at pinaglalaban mo kaya lang sobrang wala ka sa lugar. Masyado mong pinapalalim yung usapin sa simpleng mababaw lang na problema. Yung mga ganyan istilo ay hindi nalalayo sa galawang "liberal party" napag-iwanan na ng panahon yung mga ganyan istilo at hindi na uubra yang ganyan. Kung dati ay pwede pa, pero ngayon hindi na dahil bukas na libro na ang gobyerno dahil sa social media.
Ang pinupunto ko lang ay hindi na bulag, ta-nga, mangmang at ignorante yung mga tao. Pero hindi ko nilalahat:) dahil yung mga thread na ganyan o yung mga tulad mo ay nagpapatunay na buhay na buhay yung tinatawag na "Crab Mentality" dito.
crab mentality man ako pero ito ay hindi para hatakin sa pababa kundi hatakin sya sa totoong pagbabago..

Hindi po mababaw na problema ang kalagayan ng bansa. Nasa loob tayo ng kapangyrihan ng neoliberalization o globalization ng imperyalistang bansa. Kaya po ganito na lang ang kalagayan ng pilipinas..
Hindi mo masasabi napagiiwanan na ang ganitong istilo at hindi ito malalaos dahil hanggat nandyan ang kontradiksyon ng mga kapitalistang bansa tungo sa krisis nila. Lumalala ang paghihirap ng mga bansa sa 3rd world country.. Isa na ang pilipinas doon. Kung bakit lumalala ang kontraktwalisasyon, bumababa ang sahod, at pagtaas ng bilihin.

Nasasabi mo yan opinyon mo dahil kinain na ang utak mo ng kultura ng mga imperyalistang bansa batay sa pang araw araw na nababasa, nakikita at naririnig mo.. Kesa kamuhian natin sila sa ginagawa nila sa bansa natin kaya palubog ng palubog ang pilipinas. Nagagawa pa ninyo sambahin ang mga dayuhang ito.

Hindi ito hinalaw sa istilo ng liberal, ito ay batay sa teorya at karanasan ng mga dating mga bansang kolonya at mga bansang pinaghaharian ng dayuhan at mayayaman lamang. Tungo sa tagumpay ng pagkakaisa ng mamamayan nila upang agawin ang kapangyarihan sa mga naghaharing uri tungo sa pagkakapantay pantay ng bawat uri. Ngayon sila ang mga bansang tinitingala at hinahangaan dahil sa mabilis na pagunlad nila.

Hindi mo masasabi na laos na ito.. Dahil naniniwala ako na lahat ng bagay ay nagbabago. Darating ang panahon na sa sobrang api na ang sambayanan wala na tayo lalapitan kundi ang pagkakaisa nito ang magpapalakas sa tao.
 
Last edited by a moderator:
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top