Tingin ko di lang maganda ang 1st impression nila sayo kase nakitira ka sa kanila ng di pa kayo kasal tapos nabuntis mo pa ate nila, tsaka may mga naniniwala din kase na yung pagtatalik sa bahay ng hindi pa mag-asawa eh nagdadala ng kamalasan sa bahay kaya siguro ganun na lang ang tingin ng mga kapatid nya sayo. May asawa na din ako at maaga kaming nagkaanak, pinagdaanan ko din pinagdaanan mo pero mga magulang naman ng misis ko kalaban ko noon, 17 lang ako nung nabuntis ko misis ko at parehas pa kaming nasa college ang kinasama lang eh 1 year na lang tatapusin ng misis ko graduate na sya. Kaya nung nalaman ng magulang nya na buntis sya laking galit talaga nila sakin, at sa sobrang stress nagdrop na din ako sa school na naging resulta para palayasin ako sa amin, nakipisan ako sa kanila noon, tumutulong ako sa lahat ng gawain at di ko pinapakita na papetiks petiks ako pero mainit tlaga dugo ng magulang ng misis ko saken, sa totoo lang mas masakit talaga at tagos ang salita ng tao kapag di galing sa tunay mong pamilya, pero nagpakumbaba lang ako at tiniis ko lahat ng sinasabe sakin, hindi ako nakikipag sagutan at di ako nagpapakita ng sama ng loob, as in nilunok ko na lahat ng pride na meron ako since kasalanan ko naman ang lahat. May kaya pamilya ng misis ko kaya kahit di ako tumulong sa negosyo o bahay nila eh ayos lang at wala silang pakialam. Pero pinilit ko padin tumulong kahit papano. Nung una tulong tulong lang ako sa negosyo nila magbuhat buhat ng mga paninda, linis bahay etc., kaso parang epal lang ang tingin nila saken kaya nag decide na ko humanap ng trabaho, una kong sinubukan sa construction kaso pag dating ng tanghali sinundo na ko ng misis ko at pinauwi sabay sabe na wag na daw ako mag construction sabe ng tatay nya baka mapano pa daw ako, nung time na yon naluha ako kase feeling ko kahit papano concern din saken byenan ko. Pero di parin nya ko iniimik at lagi padin kunot ang noo nya kapag nasa bahay ako, kinabukasan non inabutan ako ng kapatid ng misis ko ng dyaryo binili daw ng tatay nya don daw ako maghanap ng trabaho at gagastusan daw ako ng byenan ko sa paghahanap ng trabaho, hanggang sa nakahanap na ko ng work at na-hire ako na janitor, lumipas ang ilang buwan sa trabaho parang unti unti na din akong natatanggap ng pamilya ng asawa ko, kinakausap na din ako ng mga magulang nya kahit paminsan minsan lang, hanggang sa palapit na yung pasukan eh bigla na lang ako kinausap ng byenan ko at sinabi na tumigil na ko sa pagtratrabaho at mag-aral na lang daw ako at sya na daw ang bahala sa pang tuition. Nung narinig ko yun sa kanya di ko na napigilan luha ko kase di naman na ako nageexpect na magiging ganon yung byenan ko sakin kase ang bukambibig nya lagi sakin dati eh ako ang sumira sa buhay ng anak nila. Ayun na nga at pinagaral ako ng byenan ko ganun din misis ko, 2 years lang tinapos ko at misis ko ay nakagraduate, hindi ko na itinuloy dahil nahihiya din ako at nagdecide din ako nun na magwork na muna at pag nakaipon saka ko tatapusin yung kurso ko, naging maayos na pagtapos nun pakikitungo saken ng byenan ko at naging maayos na din ang aming samahan. Kung tutuusin mas madali pa yang problema mo TS kase mga kapatid lang yan, madali lang kuhain loob ng mga yan kumpara sa mga magulang ng asawa. Kaya suggestion ko sayo imbes na iprovoke mo sila sa mga post mo para mainggit sila, ipagdasal mo na lang na isang araw maging maayos din pakikisama nila sayo. Minsan kase kahit wala tayong sinasabe or ginagawa sa harap nila na kinakalaban natin sila, kung may sama naman tayo ng loob na tinatago makikita parin nila yon kapag kaharap mo sila, kahit nga yung nakikipag plastikan lang nahahalata eh, yung may sama pa kaya ng loob sa isat isa. At sana lang yung ginagawa mo sa kanila tigil mo na kase para ka na ring nakipagaway. Kung ayaw nila sayo hayaan mo lang sila at bawi ka nalang sa ibang paraan na hindi toxic. Ika nga sa kasabihan pag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay hindi magpost ng branded na pagkain na bili mo. Goodluck