ilang buwan na ba o taon?
dumarating naman kasi talaga yan e.
Based lang sa experience ko (3 years na kami ng asawa ko)
Nung 1 yr palang kami nanlamig siya sakin, panay away kasi kami. Haha. Selosa kasi ako.
Kinausap niya ko ng masinsinan na kung mapatingin man siya sa ibang babae di naman ibig sabihin nun e gusto niya magloko. Nakiusap siya na sana pagkatiwalaan ko siya kasi wala naman siyang balak maghanap ng iba kasi kuntento naman na daw siya sakin.
After nun, nag try naman ako. Kaya umayos naman relasyon namin.
Tips?
More effort.
Always say "Thank you" miski maliit na bagay ginagawa ng bf mo.
Purihin mo siya. Di lang babae ang dapat pinupuri, gusto rin ng mga lalake nakakarinig ng compliments.
Pagkwentuhan niyo kung paano at saan kayo nagsimula, alalahanin niyo masasayang moments niyo together lalo na nung nagsisimula palang kayo.
Maging sweet.
Maging maalaga pa.
Magtiwala ka.
Pero kung ginagawa mo naman mga sinabi ko, baka may iba na yan. Hindi tips ang kailangan mo, pag move on.