broken hearted girl

isang best way dyan ts. patawanin mo, asarin mo din minsan hahahaha. pwedi mo dn kantahan lol 😂
pero magtira ka din sa sarili mo baka ikaw yung ma fall ikw talo.
 
Let time heal everything muna.. Nakaranas ako nyan naging rebound ako... worst is.. I hated myself for it.. pero again, life has to move on. So please don't fall. Be a man for her a true friend muna, until ready na sya mag fall in love again... pero wag aasa para hindi ka lang din masaktan.
 
ok yan comfort mo lang sya. wala ka naman ibang magagawa ts kundi iparamdam mo lang na nandyan pakinggan mo lang yung hinaing nya. mas kailangan nya ng kaibigan na aalalayan sya at balikat na sasandalan nya pwde mo muna siguro isantabi yung bagay na gusto mo sya kasi mas maganda pa din na mag simula kayo ng buo sya
 
boss wagkang mag aksaya sa oras.. sa pangliligaw o diskarte time is gold yan.. baka ma friendzone ka at makakita siya ng bago, panakip butas kalang.. yan masakit if mahina ka..
 
Magiging rebound ka lang diyan. Kapag nangyari yun kantahin mo na lang kanta ng Silent Sanctuary like Rebound, Paalam, Ikaw Lamang, Tuyo ng Damdamin, etc. 🤣🤣🤣
 
Makinig ka lang sa kanya at patawanin siya. Ipasyal mo, be the shoulder to cry on kung baga. Tapos bigyan mo ng Tsokolates at kahit na anong másáráp( strawberry at ube jam galing baguio), ipaliwanag na hindi panliligaw toh at dinadamayan mo lang sya, ala papa Jack Style. Pag-nakalimot na siya bigyan mo ng space, mga 1 week, ay jusko hahanapin ka nun, promise. Kung hindi pa siya makamove on daw di sige labas lang kayo, nood sine, lakad sa luneta. Basta wag mong sasabihin na manliligaw ka,dahil bad word un, ang tamang gamiting salita ay "barkada lang" o "friends lang". Sabay pag ready na siya at nakamove-on na isama mo dun sa horror house na bago, nakalimutan ko kung saan un, basta dun, o manood kayo ng horror sa sine. Mas matibay pa sa gayuma ni Mang Hector un pre. ;)
 

Similar threads

Back
Top