What's new

Help BPO AWOL QUESTION

Lord Doom

Forum Veteran
Elite
Bale 3 months na ako ngayong April 2nd week sa BPO company na tinatrabahuan ko. Balak ko umalis kasi di ko na kaya yung puyat, mas pumapayat na ako. Gusto ko sana mag AWOL, may babayaran ba ako kung sakali mag AWOL ako?

Nakalagay kasi sa contract na "should you fail to render 30 days notice, company will deduct 500 pesos, as liquidated damages, for every unexpired portion of the 30 days notice"

Patulong naman, first work and BPO ko to di ko alam gagawin.
 
Kung balak mong mag-AWOL sa BPO company mo, mahalaga na isaalang-alang mo ang kontrata na iyong pinirmahan. Sa nakasaad sa kontrata mo, sinasabi na may babayaran ka na ₱500 para sa bawat araw ng hindi pagsunod sa 30-araw na notice period bago ka umalis. Ibig sabihin, kung mag-AWOL ka ng hindi nagbibigay ng 30-araw na notice, maaaring singilin sa iyo ng kumpanya ang ₱500 para sa bawat araw ng hindi mo pagtupad sa nasabing notice period.

Bilang baguhan sa BPO industry, mahalaga rin na isaalang-alang mo ang posibleng epekto ng AWOL sa iyong trabaho sa hinaharap. Maaring magkaroon ito ng negatibong epekto sa iyong trabaho sa hinaharap lalo na sa paghahanap ng ibang trabaho.

Sa halip na mag-AWOL, maaari mong suriin ang iba pang opsyon na maaaring makatulong sa sitwasyon mo. Maaari mong kausapin ang iyong supervisor o HR department para pag-usapan ang iyong mga alalahanin at paghahanap ng mga posibleng solusyon. Maaring magkaroon sila ng mga alternatibong opsyon o mabigyan ka ng payo kung paano mo masolusyunan ang iyong mga alalahanin sa trabaho.

Mahalaga ring isaalang-alang ang iyong kalusugan at kapakanan. Kung patuloy na hindi mo kayang panindigan ang puyat at nararamdaman mo na ito ay nakakaapekto sa iyong kalusugan, maaaring magandang maghanap ng mas maayos na balanse sa pagitan ng trabaho at kalusugan.
 
Yes, kung ano naka indicate sa contractual bond mo yun ang babayadan mo in ur case ung sinabi mo. Tsaka bat need mo mag AWOL? If pwde ka naman mag paalam at render ng 30 days? Karapatan mo naman mag resign wala naman silang magagawa.
 
Nagpaalam naman ako boss nung last week. Actually nasa probinsya ako ngayon, kasi may problema sa pamilya umuwi ako. Nagpaalam ako na uuwi ako at aalis na kasi di ko talaga kaya puyat. Sinabihan ako ng boss namin na uwi daw muna ako then assess the situation dito sa bahay at mag leave without pay muna ako, nag agree naman ako.
Nag update ako sa kanila kahapon, sabi ko decided akong aalis pero magrender ako 30 days. Ito convo namin,

Ako: April 9 siguro ako babalik Boss, then after rendering magresign na po ako

Boss: Mahirap kasi magpaalam ng approval kung walang commitment na magstay

Gusto ko naman magrender kaso nag iba naman sinabi niya.

Ngayon pinapakuha niya ako med cert saying na not fit to continue working kung gusto ko immediate resignation.

Ang ibig sabihin niyang hirap magpaalam ay yung leave without pay.
 
Last edited:

I think wala naman mali sa sinabi niya. binigyan ka naman ng option na mag immediate resignation without considering yung babayadan mo na bond. pero i clear mo skanya ito if wala ka ng babaydan pag nag provide ka ng med cert.
 
Hmmm 🤔 para di ka na mag render is file ka ng immediate resignation then if granted yun or may approval ng company is you can free to go. Since mag file ka pa nun eh pumasok ka muna at kung verbal lang kasi is wala yan.
 
Yes, kung ano naka indicate sa contractual bond mo yun ang babayadan mo in ur case ung sinabi mo. Tsaka bat need mo mag AWOL? If pwde ka naman mag paalam at render ng 30 days? Karapatan mo naman mag resign wala naman silang magagawa.
same sa sitwasyon ko ngayon, nag pass nako ng resignation letter kaso ayaw nila tanggapin yung immediate. nag render nalang ako 1month kaso di ako pwede makaabsent kase bawal daw. pano yon?
 
same sa sitwasyon ko ngayon, nag pass nako ng resignation letter kaso ayaw nila tanggapin yung immediate. nag render nalang ako 1month kaso di ako pwede makaabsent kase bawal daw. pano yon?
Wala naman silang karapatan na pigilan ka mag resign kahit pa imediate yan, ang cons lang niyan i tag ka na hindi na pwdeng i rehire skanila pero kung haharangin ka at di ka bigyan ng clearance bawal yan mag sumbong ka sa Dole. Sa panahon ngayon pag di ka mag rereklamo aapak apakan ka lang kaya you need to know ur rights.
 
totoo talaga yan. kasalanan din nila bat nag awol yung mga kateam ko dahil walang proper training tas ngayon mageexit ako ng maayos andami pang kus2 balungos.
 
I Think maganda excuse yung may med cert kausapin mo yung doctor mo na baka pwede mag issue sila ng cert na bumabagsak na yung health condition mo at cant persue na ang night shift at possible magkaron ka ng future complication gnun nalang sguro, for the day na nsa province ka at wlang kang way pra makapasok wag mna mna pasukan ks umuwi kn pwede ka gumawa ng letter for them na for the render pwede ka pmsok ng ilang araw pero online wfh gnun. if not pwede hnd ka makakauwi ks may inaasikaso ka like nagkasakit yung magulang mo or naospital yung ganto gnyn magrason k nalang pero ang maipapayo

kausapin mo yung TL mo if madali nmn kausap kht sya na magexp sa management
 
Similar threads

Back
Top