What's new

quiet_spider

Honorary Poster
Patulong naman. may tnt smart sims ako, registered sa same name, may unlidata promos. parehong di maka call, receive messages or turn on data pero may signal. Blocked naba to? Kung oo, may paraan ba para mafix?
 
Hindi mo naman siguro sinalpak sa modem na hindi ka nag change imei? Or naka hotspot ka at my nakakonek na gumamit ng vpn. Malabo na yan maunblock khit roam on/off or khit CS
 
Hindi mo naman siguro sinalpak sa modem na hindi ka nag change imei? Or naka hotspot ka at my nakakonek na gumamit ng vpn. Malabo na yan maunblock khit roam on/off or khit CS
negative din. neither modem nor vpn. Noong una di lang nakaka call or receive ng txt pero gumagana naman data. Sa daming sims ngayon lang ako naka experience nito. Sabay pa naman yung dalawa. may load pa 1k+
 
Posible kaya na dahil sa pagka register? Di ko kasi ID ginamit dito. Baka may nangyari dun sa ibang sims ng may ari ng ID na naka register nito

Nangyari narin sa akin yan before nagdownload ako sa steam ng nasa 50GB or torrent file na malaki rin hindi ko lang sure kung alin sa dalawa ang dahilan.
Yung isa lang gamit ko heavy use dahil naka unli. Pero yung isa magic data lang pang emergency. pero sabay sila na block
 
bali yung tanong mo ikaw rin pala makakasagot 😅 posible nawala nia yung mobilephone nia then nagreport sa CS pra ipablock lahat nang sim nia under sa name nia.
Di ko agad sinabi baka may alam kayong iba eh hahahah

Ano na kaya ngayon magandang pampalit sa magic data at unli ni smart? bagal din kase ng unli ni smart sa area ko ehh
 
try mo nalang 2G mode o sa basic phone na legit (pag lokal na may wrong imei or 0000000 yung imei mag no-no signal yan at delikado).
dahil pre-registered na ata yang sim mo sa ibang name baka ang nangyari may history ng VPN usage yung nauna tapos ngayon lang nila naflag. isa pang nakakablock ng smart sim ngayon is sharing/texting ng mga referral gamble/****** links, sa globe once nag text ka ng may https:// di masesend kasi bawal.
other possible issue is vivo with factory duplicate IMEI yan, may chance na iblock ng telco until magpalit ng phone.
mas maganda iregister mo ulit sa name mo kasi kung sa ibang tao yan nakaregister pwede nila bawiin yung number mo anytime tapos report pa nila na ninakaw.

Isa pa palang dahilan ng massblocking kapag yung name ng nakaregister is madami nang nareg na sims, ang sabi daw pag more than 10 sims daw nakareg sa isang telco mamarkahan daw nila for monitoring.

pag naflag nila yung isang user may chance na block kayong lahat under that name/seller.

yun kasi issue pag sa vanity sim number or yung sim na inaalagaan (like old sun sim), yung ibang seller niregister nila na nila sa sarili nila or bogus info, pag naflag yung isa damay kayo lahat kaya need talaga magregister ka ulit pagka bili ng vanity/unli/used sim.
 
Last edited:

Similar threads

Back
Top