What's new

Bible verse of the day

PHC -Sanchopunch-

Forum Veteran
Elite
Joined
Feb 11, 2016
Posts
1,758
Reaction
668
Points
773
IMG_1930.jpeg
 

Attachments

Love your enemies. Yan ang isa sa mga turo ng Panginoong Jesus sa atin. Naipakita naman Niya ito nung mga panahong Siya ay nasa lupa din. Ang tanong. Ginagawa rin ba ng Diyos Ama ang Pag-ibig sa kaaway gaya ng ipinakita ni Jesus sa atin? Oo naman. Dahil sabi ni Jesus, "sapagkat ang lahat ng mga bagay na ginagawa ng Ama, ay Siyang ginagawa ng Anak sa gayun ding paraan" (Juan 5:19). Dahil kung may pag-ibig ka sa mga kaaway, hindi mo sila magagawang saktan, pahirapan o patayin man. Pero ito talaga magandang term dyan, "God has no enemies at all". Walang itinuturing na kaaway ang Diyos dahil mahal at mabuti rin Siya sa masasama. That's why God's heart is always at peace and forever will be.

Kung itutuloy mo pa ang pagbasa ng kaunti sa passages na ibinigay mo. Ito ang nakasulat:
Luke 6:35 "But love your enemies, do good, and lend, hoping for nothing in return; and your reward will be great, and you will be sons of the Most High. For He is kind to the unthankful and evil."

Gawin natin iyan at tayong lahat ay magiging mga anak ng kataas-taasan sa langit. At idinugtong pa ni Jesus, dahil ang Ama ay mabuti sa mga walang utang na loob at masasama. Ibig lang iparating ni Jesus na dapat din nating tularan ang Ama gaya ng pag-ibig Niya sa mga ito.

Mabuti pala ang Ama sa mga walang utang na loob at masasama. Pero nakakalungkot lang maraming mga kristiyano ang naniniwala sa ilang mga turo tungkol sa Diyos. Masasabi kong isa ka na rin siguro doon ts. Katulad na lang sa Lumang Tipan. Noong panahon ni Noe, pinatay "daw" ng Diyos ang lahat ng tao sa baha dahil sobra na ang kasamaan nila. Pinatay? Where is the kindness sa mga unthankful and evil kung talagang ginawa ng Diyos iyan? True to myself kristiyano rin ako, but I strongly believe na hindi magagawa ng Diyos ang pumatay ng masasama dahil gaya ng sabi ni Jesus "God is kind to the unthankful and evil". Alam ko maraming mga kristiyano ang hindi matatanggap ang paliwanag ko. But I do hope na mayroong ding mga kristiyano ang tunay na makaunawa sa nais kong iparating.
 
Last edited:

Similar threads

Back
Top