Ito para sa akin lang ha since ito yung efficient way para sa akin mag-review para sa mga exams ko noong nag-aaral pa ako para makakuha ng high exam scores.
- Kumain ng Nuts o Mani. Ayon sa pag-aaral ang pagkain ng mga ito ay nakakatulong sa pag-improved ng memory. Kaya ako always ako bumibili ng mga mani araw-araw kung may madaanan sa kalsada.
- Kumain ng Marami at Matulog ng maaga, iwas pc,gadgets a day before exam. Kailangan may enuogh sleep ka at least 6-8 hours of sleep.
- Matulog ng eksatong 6 pm at gumising ng 2 am (8 hours of sleep). 2 am ang best time ko for para mag-start mag review at gumawa ng mga pointers sa isang bond paper or pad paper.
- Sa pagsusulat ng mga pointers e ang ginagawa ko kinukuha ko lng yung mga terms ex: "It is the muscle found in the heart" ang isusulat ko naman ay "Cardiac Muscle - Heart". Para mabilis ko ma-recall. Once nakagawa na ako ng mga pointers ko ay binabasa ko ito ng paulit ulit mula bahay hanggang papuntang school. Meaning kahit nasa byahe ako binabasa ko ito.
- Last, kumain ng full meal sa umaga bago pumasok sa school. Pinaka importante yan na may laman ang tiyan natin para makapag function ng maayos ang brain natin at mag-hydrate ng maigi..
Ulitin ko lang, ito ang naging way ko para makakuha ng passing scores sa exams. Hindi ako yung student na nagsusunog ng kilay sa pag-aaral, ako yung tipo ng student na chill lang, mas maraming social time... Pero dahil sa ginagawa kong ito ay awa ng diyos nakapag-grad naman ako ng college dahil dito