Equality saan? yan yung di ko ma gets.
Meron equality po pero hindi po absolute kase nga diba? Ever since... ever since ha? Ever since na nagkaroon nga po na “ganyan ideology” about “lalake” at “babae” lamang based on biological nga , ang nawalan ng posisyon po ay ang mga babae at ang mga homosexual po. Inuulit ko na ever since na nagkaroon na ng “batayan” about “lalake” at “babae” biologically, ang nawalan ng posisyon ay ang mga babae at ang mga homosexual po kung saan ang sabi ko, sabi ko ha? Ang sabi ko na meron man equality pero hindi po absolute. Andoon pa rin po ang “diskriminasyon” kung tawagin natin.
Since ang “ideology” po nila is being “heterosexual” lamang ang superior at katanggap-tangaap bilang normal sa lahat in our society po and they based on “biological birth” po, meron mga ilan laws... Ilan laws ha? Inuulit ko na meron ilan laws na bawat pasok na laws sa mismong gobyerno natin dahil diba? Sasaliksihin pa iyan , magkakaroon pa iyan ng “hearing” or pagdidiskuyanan pa iyan ng mga miembro na napapaloob ng government ay pahirapan po.
Bakit pahirapan po siya? Pahirapan po siya dahil kung ano man “new law” na papasok at eaapply sa atin lipunan ay e-aalign pa po iyan based on morality or based on masculine moral value na meron po sila o based on “ideology” na meron po sila and it is a reason why, ang sabi ko ay meron at meron pa rin na “legal restriction” o sabihin pa rin na naka-restrict pa rin kung ano man rights para sa mga homosexual po. Hindi lang homosexual. Pati po sa babae din.
Kaya huwag na rin kayo o ang ibang tao na magtaka kung bakit dahil diyan sa ano man ideology o morality na meron kilalaman sa masculine characteristic na iyan ang siyang pulot-dulo dahilan na bakit nagdedemand ang ibang individual sa grupong LGBTQ, nag-nagdedemand din ang ibang individual sa grupo ng mga WOKE, ganun din ang feminism, ganun din ang “me too” group at maraming-maraming iba pa. Ang ibang tao ay anti diyan sa mga group na iyan although hindi ko naman din inilalahat. Meron din nag-aagree diyan sa group pero marami akong naririnig na negative impression patungkol diyan at sa ibang social media online pagdating sa ganyan group na nag-eexist po. Meron ibang group na nagrarally na po.
Dagdag pa na meron ng Satanist activist group po na humihingi din ng rights pero ang rights na iyon is all about “human rights”. Mga philosophical Satanist kung baga and not theist Satanist.
Yung God kase o ang main center ng masculine deity na pinapaniwalaan as a whole associated to moral value or morality na tinatanggap ng mga tao is imperial form of government ang dating e. Imperialist ba kung tawagin.
Akusa sila ng akusa ang ibang tao na keyso “marxist” raw ang feminist o woke o keyso “oligarchy” daw ang LGBTQ – meron pa ganun na kilalaman. Ang sabihin nila na “mahal na mahal nila” ang konsepto ng ideology ng tradisyunal ng pagiging lalake at ng pagiging babae. Iyon lang iyon. Ang tawag sa kanila para sa akin ay “mala-tradisyunal patriarchal”. Traditional patriarchal kung saan ang paniniwala lamang na ang nag-exist lang sa lupa ay walang iba kungdi lalake at babae lamang at dagdagan pa ang “konsepto” kung saan si lalake ay malakas at si babae ay mahina. Iyan ang nag-eexist na hierarchy sa society po. Nasa top hierarchy position kase ang mga lalake as a whole. Iyan. Sobrang pagmamahal nila diyan. Pakasalan na kaya nila iyan.
It is a reason why ang sabi ko, wala siyang “equality” para sa akin. Kung meron man, hindi absolute.
Sa US or UK may equality sila doon may sogie, ang problema yung mga trans woman kuno sumasali na sa sports ng women, yan ba yung gustong makamit rin ng mga bakla sa pinas na equality?
Transwoman is a male na feeling babae.
Transman is a woman na feeling lalaki.
Okay. Meron sogie bill sa may US or UK po – ito a, meron men’s sport na tagisan po siya ng “muscle” or “biological” na pangangatawan ng lalake po. Ang karamihan na women’s sport naman ay wala but , kung meron , well , kung ano meron sa lalake kase po ay meron din sa babae. Kase nga , “gender equality” po ang ipinagsisigawan po (dapat nga , for me , hindi babae ang humihingi ng equality sa lalake. Baligtad dapat. Dapat lalake ang humihingi ng equality sa babae. Kaya lang naman na babae ang humihingi ng equality sa lalake dahil malakas ang lalake sa social power o social influence nito sa loob ng society po) —anyway , okay sa akin na sumali ang “transwoman” sa women’s sport basta 100 percent na meron siyang biological na pangangatawan na babae. Kung baga , wala na siyang “testosterone” sa loob ng kanyang katawan dahil physically babae na po siya nang nagpasurgical po siya.
Okay na sa akin iyon pero kung sasali ang transwoman na hindi pa fully transform bilang tunay na babae physically, huwag na siya sumali. Kahit ayaw ko din na hindi pasalihin, I mean okay naman sana kaya lang “mamamatay tayo as women in the whole universe” sa kaka-compete sa physical biological na katawan ng lalake. Gusto ko sana pero hindi pwede dahil meron scientific kuno raw na lalake ang maraming physical mass though sa training , pwede makipagsabayan ang babae. Dagdag na meron ibang lalake na ayaw ang babae na ka-equal nito pagdating sa physical strength. Ayaw po nila. It seems na ooffend sila , natuturn off or a little bit insecure. Meron ibang lalake na ayaw talaga. Sabi nga raw na physical prowess ng mga lalake ang biological na katawan na meron sila versus sa sexual prowess naman sa mga babae. But anyway , ang sexual ng babae na consider dapat superior ay paghahawak na kase ng lalake , kung kaya negative na po siya.
Tingnan niyo lahat , karamihan sa mga babae ay feel violated o hindi open mind pagdating sa sarili nitong katawan. Naturuan kase ng mga tao na ang mga babae ay magpasubmit sa lalake at manatili inosente at manatiling birhin ala-alang sa unang magiging asawa nito. Sa ibang lalake naman ay panay nood ng p(o)rn dahil sa takot na baka hindi siya makapagperform sexually sa babae. Ibang lalake lang naman a?
Ngayon, kung magrereklamo naman na keyso transwoman daw kase ay feeling babae pero biological na lalake ay huwag isabak sa kahit anong women’s sport dahil keyso kawawa at lugi ang mga babae (dahil keyso meron ibang sumasali kuno na transwoman na hindi fully transform into woman physically – delikado daw) and so , ang tangi solution diyan ay eseperate po sila.
Meron women’s sport , men’s sport at meron para sa mga sports sa mga katulad po nila na transgender or huwag pasalihin ang transwoman as long as hindi pa fully transition physically to a woman. Kung baga na magpasurgical muna siya bilang tunay na babae or kung ayaw naman din , tanggalin ang lahat ng sports na meron kilalaman sa physical strength which is magrereklamo naman ang mga taga men's right na meron daw sila rights na gamitin ang kanilang physical strength.
Ganun na lang ang gawin pero ang problema ay ayaw din kase lahat. Parang katulad lang iyan sa CR. Separate ang CR ng lalake at ng babae. Yung mga lalake sa CR ay awkward kuno kapag meron bakla sa CR , e di ipa-CR ang transwoman sa CR ng babae. Kaya lang ayaw din dahil CR raw ng babae iyon. E di ipagawa ng separate CR para sa mga katulad nila na transgender , ganun din ay ayaw ng mga tao.
You see?
All in all , wala talaga equality sa kinakatayuan po natin. For me , kung gusto ng mga tao ang equality na iyan , baguhin ang “ideology” or “mentality” po nila towards sa mga homosexual po at kung nabago po siya literal speaking po , makaka-access na po ang mga homosexual and at the same time , sa mga babae po pagdating sa rights. Iyon nga lang........ Siyempre ayaw.
Ayaw dahil naniniwala ang mga tao na ang ginawa lamang ay lalake at babae po according to the creator of their God. Yung authority nga din , meron silang bible verse na lalake lang raw ang may hawak. Hindi sa babae po.
All in all , well , yung mga tao na ayaw na ayaw sa homosexual o yung mga tao na keyso sasabi-sabi na meron kuno "equality" na daw ngayon ay intindihin na lang na kung bakit meron pa rin na nag-eexist na ganyan makademand galing sa kanila. Kase , ang akala ng mga tao na meron equality pero para sa akin ay wala pa rin equality.
Gets naman namin feeling nyu na babae or lalaki pero wag nyu kalimutan kung ano kayo pinanganak.
Wag nyu agawan ng position yung mga nanay ninyu kasi kailan man di nyu sila magkapantay
Pantay naman ang mga lalake , ang mga babae at ang mga homosexual sa balat ng lupa. One hundred percent equal naman sila sa position po. Nawalan sila ng position ever since nagbased ang mga tao sa biological na gender po.
The reason why nasabi ko ito dahil meron na ako nabasa dati po na kung meron man sexual relationship o love relationship o mag-jowa sa bawat isa na kahit ang lalake na meron jowa na lalake , ang tawag pa rin sa kanila ay lalake. Ganun din ang babae. Kapag ang babae ay meron love relationship with a woman , ang tawag pa rin sa kanya ay babae. Ke lalake ay meron love relationship sa babae , lalake ang tawag. Ganun sa babae din kapag meron love relationship to a man. Babae ang tawag sa kanya. That was a long time ago. Hindi na ngayon and it is a reason why , deep inside my heart , iniisip ko na lahat ng gender ay equal po. Pumapasok sa isip ng mga tao ngayon na hindi raw equal ang lalake at babae , isama pati diyan ang homosexual dahil naka-focus po ang mga tao sa biological gender kung kaya , ito bale ginagawang high above at tinatangkilik ng mga tao bilang superior at katanggap-tanggap sa lahat. While ako ay hindi ko tinatanggap.
As far as na reremember ko sa abot ng aking makakaya po, associated po kase sila noon kung ano din meron concept of dieties po nila. Like for example , meron God(s) at Goddess(es) po. If ang lalake ay mahilig magluto , mahilig mag-alaga ng bata o mahilig magstay sa bahay – ang tawag sa kanya ay spiritually incline to a Goddess. Kapag babae naman ay mahilig sumabak sa war , ang tawag sa kanya ay spiritually incline to a God.
Yung mga gay ay spiritual incline to a Goddess while lesbian ay spiritual incline to a God but iyon nga lang , dati , walang katawagan bilang bakla o tomboy dahil everything is fine and everything is normal pa po.
Nagkaroon lang naman ng position katulad ng simulang nagkaroon ng separate gender role na lalake at babae lamang based on their biological , wala na po siya. Andiyan na ang ideology na heterosexual lamang at ipinanganak biologically na lalake at babae lang. Homosexual ay wala na sa posiyon at ang babae na rin.
Kaya kapag meron nagsasabi na keyso "ang lalake at babae ay equal pero magkaiba pa rin" - naku. Hindi ko tinatangkilik ang ganyan kataga. Ang ipinalalabas po nila kase ay "equal ang lalake at babae pero magkaiba pa rin dahil pagdating sa biological ng lalake ay malakas pa rin siya while ang babae ay mahina sapagkat mas malakas pa rin ang lalake kaysa sa babae" - pagkatapos sabay ejujustified pa nila ang "weaker vessel" in the bible? Naku - kase sa akin ay kapag ganyan , na-iinsulto na ako niyan. As in pero wala ako magawa dahil pabor ang mga tao pagdating diyan. Ako lang ang hindi.
I still believe na both men and women are equal kahit homosexual po ay equal siya sa atin lahat. Kaya for me , hindi ko nakikita na keyso inaagawan kuno ng posisyon ang mga nanay kuno. Sa akin lang iyon.
dahil mahilig tayo mang gaya kung ano yung trending sa america, mahilig tayo mag import nang 1st world problems dito sa 3rd world natin na bansa.
idag-dag mo pa na medyu delayed yung nauso dito, ngaun sa Amerika nauso na yung "men's rights movement" o "sigma males" panis na ngayun yung woke culture sa amerika.
Namulat kase ang ibang filipino na ang patriarchal culture ng bansang Pilipinas at ang pagiging traditional ay pawang hindi maganda , kung kaya , naki-gaya na rin. Imagine kung hindi tayo naki-gaya. Hanggang ngayon ay wala pa rin makakaisip kung ano dapat baguhin. Susunod-sunod lang tayo according to culture na meron tayo. Mabuti nga ay nakawala na ako.
Ako nga ay namulat ako dahil sa information galing computer internet. Imagine kung walang computer , e di matagal na ako nagsa-suffered sa loob ng relihiyon at bilang babae ay sobrang suppress ako niyan. Nagkaroon pa ako ng psychological issues dahil sa relihiyon inaaniban ko and sa internet ko lang din nalaman na meron itinatawag na "religious trauma syndrome" e. You see , dahil sa pagiging ignorante natin o lack of knowledge , hindi natin alam na ang sinusunod natin ay harmful effects na pala sa atin.
Kaya magpasalamat tayo at namulat tayo sa mga ganyan.