What's new

Basted ba o may pag-asa pa?

Status
Not open for further replies.

_Awe_

Forum Expert
Joined
Dec 11, 2020
Posts
7,345
Solutions
39
Reaction
12,251
Points
2,732
Mapagpalang araw sa inyo mga kaibigan dito sa PHC!

Mayroon lang akong idudulog na suliranin, at gusto kong marinig ang inyong opinyon..

Mayroon akong tropa na may kaibigang may nagugustuhang / natitipuhang isang dalaga. Yung kaibigan ng tropa ko ay umamin sa kanyang nararamdaman doon sa nasabing dalaga ngunit ganito ang tugon ng dalaga (in exact words)...

"Let's be friends and know each other pa."

Sila daw po ay bago lamang na magkakilala at naging magkaibigan.

Ngayon, ang tanong ko mga kaibigan ay ganito..

1. Nabasted ba siya?
2. Kapag ganyan ang tugon ng isang babae, wala na bang pag-asa at naging magalang lamang siya sa pagtanggi upang hindi makasakit ng damdamin ng nanunuyo o kailangan pa ng kaunting tiyaga sa part ng lalaki?
3. Maghahanap na ba ng iba yung nasabing kaibigan, o aasa pa?

Yan lamang po, at sana matulungan natin yung kaibigan ng tropa ko... Maraming salamat.
 
Di pa sya basted.

"Let's be friends and know each other pa."

That say's it well and says it all, willing maki-mingle yung girl, kung basted or hindi is depende kung magugustuhan sya nung girl after they know each other more.
Wika nga eh nasa evaluation period yung guy. Ineevaluate nung girl yung guy base sa ugali, status and everything kung magugustuhan nga nya or hindi.
That is a fair deal
 
Last edited:
Para sa aking opinyon kaibigan, lahat ng dalaga ay dinadaan lamang sa pagsisikap para makuha ang kanyang/kanilang loob. Maglaan ka ng oras at tiyaga kung ito talaga ay iyong gusto/natitipuhan. Ang pag-ibig ay hindi ganoon kadali. Kailangan mo din itong paghirapan. At saka, parang masyadong mabilis. Sabi nga ng dalaga "Let's know know each other pa" na nangangahulugan na wala ka talgang pag-asa kasi gwapo hanap niyan. Just saying brother. Hahahaha
 
"Let's be friends and know each other pa."

Maliwanag pa sa sikat ng araw yung sinabi ni Ate Girl. Pakisabi sa kaibigan mo na wag nyang masyadong madaliin lalo na't "kakakilala" pa lang nila. Hindi yan parang hagdan, na pwede syang lumagpas ng hakbang.
 
Di pa basted pero parang binigyan nang pag asa pero sa huli talaga nyan paasa lang yan🤣 pero di pa natin talaga alam abangan na lang namin ang susunod na kabanata nito lodi..
 
Di pa yan basted, kung mga ilang buwan palang silang magkaibigan syempre gugustuhin muna ng babae ba magkakilala sila ng lubos ng tropa mong lalake para makapag decide yung dalaga if pasado ba sa kanya yung lalake o hindi......Wag masyayong atat sabihin mo yan sa tropa mo....maraming namamatay sa pagmamadali😂
 
Di pa sya basted.

"Let's be friends and know each other pa."

That say's it well and says it all, willing maki-mingle yung girl, kung basted or hindi is depende kung magugustuhan sya nung girl after they know each other more.
Wika nga eh nasa evaluation period yung guy. Ineevaluate nung girl yung guy base sa ugali, status and everything kung magugustuhan nga nya or hindi.
That is a fair deal
depende boss im sure may pagasa pa kase sinusubukan ka ng taong nililigawan mo kong hanggang saan kaya mong pagtitiis sa panliligaw sa iyong nagugustuhan hehehe ...just saying lang
Para sa aking opinyon kaibigan, lahat ng dalaga ay dinadaan lamang sa pagsisikap para makuha ang kanyang/kanilang loob. Maglaan ka ng oras at tiyaga kung ito talaga ay iyong gusto/natitipuhan. Ang pag-ibig ay hindi ganoon kadali. Kailangan mo din itong paghirapan. At saka, parang masyadong mabilis. Sabi nga ng dalaga "Let's know know each other pa" na nangangahulugan na wala ka talgang pag-asa kasi gwapo hanap niyan. Just saying brother. Hahahaha
Maraming salamat po mga boss, makakarating sa tropa ko yan.
 
Sa akin lang kapag may tyaga may nilaga.😁
"Let's be friends and know each other pa."

Maliwanag pa sa sikat ng araw yung sinabi ni Ate Girl. Pakisabi sa kaibigan mo na wag nyang masyadong madaliin lalo na't "kakakilala" pa lang nila. Hindi yan parang hagdan, na pwede syang lumagpas ng hakbang.
Di pa yan basted, kung mga ilang buwan palang silang magkaibigan syempre gugustuhin muna ng babae ba magkakilala sila ng lubos ng tropa mong lalake para makapag decide yung dalaga if pasado ba sa kanya yung lalake o hindi......Wag masyayong atat sabihin mo yan sa tropa mo....maraming namamatay sa pagmamadali😂
Bilang babae rin, para sakin hindi basted. Gusto ko kilalanin mo muna ako bilang kaibigan para malaman nating pareho if we really want to take it to the next level.
Maraming salamat mga boss, siguradong malaking tulong ito sa aking tropa.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top