"Bakit nga ba ang puso"
Bakit nga ba ang puso?
Kapag nasasaktan lahat apektado
Mga kaugalian bigla na lang naglaho
Pag-iisip at pagkilos nagbabago
Para kang nabaon sa utang
Hindi makatulog at palaging lutang
Madalas nakakaligtaan ang pagkain
Pati katawan napapabayaan na rin
Bakit nga ba ganun?
Sadya kaya o nagkataon?
Kasalanan nga ba ang magmahal?
kaya ba lagi nalang walang nagtatagal?
Kapag nabigo ka na..
Laging ang tanong sa isip mo "bakit nga ba?"
Anong mali, at saan ako nagkamali?
Mga tanong na sa isip mo na namalagi
Bakit nga ba ang puso no?
Siya yung dahilan ng pagiging masaya mo
At kadalasan siya rin ang dahilan nang lungkot sa pagkabigo
Subalit sa pagkadapa.. lahat tumitibay at nagbabago