- Joined
- Sep 19, 2016
- Posts
- 3,579
- Reaction
- 7,229
- Points
- 2,575
Bakit Dapat Itong Pag-isipan?
Kawalan ng katarungan para sa atin na makitang nagdurusa ang mabubuting tao. At dahil nagdurusa rin naman sila, lumalabas na hindi sulit na gumawa ng mabuti.Pag-isipan Ito
Naniniwala ang ilan na ang mga tao ay paulit-ulit na mamamatay at muling isisilang. Sinasabi nila na ang gumagawa ng mabuti ay isisilang muli sa isang mas magandang kalagayan pero ang gumagawa ng masama ay isisilang muli sa isang buhay na punô ng pagdurusa. Ayon sa paniniwalang ito, kahit mabuti ang isang tao, kung gumawa siya ng masama sa “nakaraang buhay” niya, magdurusa pa rin siya. Pero pag-isipan ito:- Para saan pa ang mga pagdurusa niya kung hindi naman niya naaalala ang mga ginawa niya sa nakaraang buhay niya?
- Bakit pa tayo magsisikap na maging malusog at iiwas sa mga aksidente kung nakadepende sa nakaraang buhay natin ang mga mangyayari sa atin ngayon?
PARA SA IBA PANG IMPORMASYON
Panoorin sa jw.org ang video na You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
Ang Sinasabi ng Bibliya
Hindi parusa ng Diyos ang mga pagdurusa.Ang totoo, karamihan sa mga ito ay nagkataon lang—baka ang isa ay nasa maling lugar sa maling pagkakataon.
Ang pagiging makasalanan natin ay nagiging dahilan din ng pagdurusa.“Hindi laging ang matulin ang nananalo sa takbuhan, hindi laging ang malakas ang nananalo sa labanan, hindi laging ang marunong ang may nakakain, hindi laging ang matalino ang nagiging mayaman, at hindi laging ang may kaalaman ang nagtatagumpay, dahil lahat sila ay naaapektuhan ng panahon at di-inaasahang pangyayari.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Para sa ilan, ang salitang “kasalanan” ay tumutukoy lang sa maling ginawa ng isang tao. Pero sa Bibliya, tumutukoy ito sa minanang kalagayan ng lahat ng tao—mabuti man sila o masama.
May napakasamang epekto ang kasalanan sa mga tao.“Ipinanganak akong makasalanan; makasalanan na ako mula pa nang ipaglihi ng aking ina.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Sinira nito ang kaugnayan natin sa Diyos, pati na ang kaugnayan natin sa ibang nilalang niya. Dahil dito, nakakaranas ng matinding pagdurusa ang lahat ng tao.
“Kapag gusto kong gawin ang tama, ang masama ang nasa akin.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
“Ang lahat ng nilalang ay patuloy na dumaraing na magkakasama at nasasaktang magkakasama.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..