What's new

Bakit Inilagay ng Diyos ang Puno ng Pagkakilala ng Mabuti at Masama sa Hardin ng Eden?

Mind Palace

Eternal Poster
Joined
Sep 11, 2020
Posts
1,135
Reaction
327
Points
310
Bakit Nga Ba Inilagay ng Diyos ang Puno ng Pagkakilala ng Mabuti at Masama sa Hardin ng Eden?

Kung hindi inilagay ng Diyos ang puno na iyon sa Eden at hinayaan ang mga tao na sundin lahat ng utos ng Diyos, paano maipakikita ng mga tao ang lubusang pagsunod sa Diyos kung ang lahat ng utos ay pabor sa kanila?

Isipin ang isang kaibigan na pinagkatiwalaan mo sa iyong bahay. Ibinigay mo sa kaniya ang lahat ng kailangan niya - matutulugan, paliguan, lutuan at makakain. Bawat pagkain sa kusina ay puwede niyang kainin. Pagkatapos ay sinabi mo sa kaniya na huwag bubuksan yung isang storage ng pagkain do'n sa kusina kasi mahalaga 'yon sa'yo. Bilang isang kaibigan, tiyak na nagtitiwala ka sa kaibigan mong iyon. Pero, paano kung sa kabila ng pagsasabi mo sa kaniya na huwag buksan iyon ay binuksan niya pa rin ang storage na iyon at kinain pa nga ang pagkain na naroon, ano kaya ang mararamdaman mo bilang isang kaibigan? Tiyak na masasaktan ka sa ginawa niya. Sa katulad na paraan, ganiyan mismo ang naramdaman ng Diyos nang suwayin nila Adan at Eva ang malinaw na utos Niya.

pexels-photo-1458687.jpeg

(Photo by Daria Shevtsova from Pexels)

Ang totoo, ang pangangalaga sa mga hayop, ang pagsasaka ng lupa, at ang pagpaparami ng tao sa lupa ay masasabing mga utos na madaling masusunod nila Adan at Eva dahil walang pagbabawal sa mga ito. Lahat ng ito ay iniutos ng Diyos ng walang pagbabawal. Pero, nang ilagay ng Diyos ang puno na ipinagbawal niya, doon ay maaari nang masubok ang pagkamasunurin ng tao sa pamamahala ng Diyos.

Mahirap bang sundin ang utos na iyon? Hindi! Bakit? Napakarami ng puno noon sa hardin ng Eden, at isa lang ang ipinagbawal ng Diyos na huwag kuhaan ng bunga. Kaya, masasabi bang nagkakait ang Diyos sa kanila? Hindi rin! Inilaan ng Diyos sa kanila ang lahat - pagkain, maiinom at matitirahan. Binigyan din sila ng kasiya-siyang mga gawain - pagsasaka, pangangalaga sa hayop, gayundin ang pagpapamilya. Kaya, nagkulang ba ang Diyos sa kanila? Hinding-hindi!

Kaya, makatuwiran lang na ilagay ng Diyos ang puno na iyon upang maipakita ng mga tao ang lubusang pagsunod sa kaniya. Oo, ang puno sa gitna ng hardin ng Eden ay kumakatawan sa karapatan ng Diyos na pamahalaan sila—karapatang magtakda ng kung ano ang mabuti at masama. Kinailangang ilagay ng Diyos ang puno na iyon upang malaman kung lubusang susunod sa kaniyang mga utos ang kaniyang mga nilalang. Ang pagsuway sa utos na iyon ay nangangahulugan na ayaw nilang pamahalaan sila ng Diyos at mas gusto nilang pamahalaan ang kanilang sarili.

Iyan ang dahilan kung bakit inilagay ng Diyos ang puno ng pagkakilala ng mabuti at masama sa gitna ng hardin ng Eden—upang malaman nila na ang may karapatang mamahala at magtakda ng mabuti at masama ay walang iba kundi ang Diyos.

Pero baka maitanong mo pa rin:
Bakit hindi pinigilan ng Diyos si Satanas sa pagtukso kay Eva?
Nilalang ba ng Diyos si Satanas?
• Kailan Umiral ang Kasamaan? Diyos ba ang Gumawa Nito?
• Patiuna na bang Pinlano ng Diyos na Magkasala sina Adan at Eva?

Sasagutin ang mga tanong na iyan sa susunod na mga thread.
 
Attachments

Yay...finally may sumagot din neto

Anyway..so basically god the creator and provider gave everything na posibleng kailanganin ng tao....

Ang tree na un if parang pagsubok kung susuway ang tao o hindi... So initially pa lang may doubt na sya sa "perfect" creation nea na kailangan pa nea lagyan ng ganong dilemma ung tao...

And ano ang benefit nun sa tao?? Wala except sa sinabi mo na pagpapatunay ng pagsunod ss diyos?? So ultimately eh si god ang beneficiary?? Para malaman ng tao ang tunay na pagmamahal at pagsunod sa diyos??

Anong magiging mali sa scenario kung san walang ganong tukso within sa tao?? Ang gusto nmn ng diyos eh mahalin at sambahin sya db?? Mawawala ang free will?? Anong will lang ba ang katanggap tanggap kay god??
 
Hibang kna tlg ,ano daw may doubt ,dilema ?? , Una walang duda na ang ginawa ng Dios ay napakabuti. Absolute true yun,,nilagay nya yung puno na yun sa eden maaari nga nman para turuan ang tao sa pagsunod pero hindi dahil ma duda Siya sa ginawa Niya,.unang una hindi sira ang Dios para gumawa ng pagdududahan Niya mismo...
Tsaka ang Dios di naglalagay ng dilemma ,"sa KANYAY walang kalikuan ni anyo man ng kasamaan" ,
Una ano ma ang dilemma ? Dilemma sa tagalog mahirap na kalagayan , qaw b nakita mong mabuti ang ginawa mo tapos ilalagay mo nman sa mahirap na kalagayan ? Para saan ? Para mapasama ? ,Hindi ganon ganun ang Dios.
Katunayan nga ganda ng kalagayan ni adan at eva eh , biruin mo dalawa lang kayo at sagana sa pagkain na hindi na nila kailangan magtanim pa? ..

Sakin lang bro magisip ka ng mahinahon,.baka maligaw ka kase mali tanggap mo , humingi ka ng kaliwanagan wag ka umasa sa sariling pagiisip mo ,.
 
Sagot: malaki ,marami,maganda ang benifits nun sa tao ,pag ang tao natututong sumunod sa Dios ,ay una mapapabuti ka ,ikalawa di ka matutukso ni satanas at ma impyerno ,ikatlo magmamana kapa ng buhay na walang hanggan at walang katumbas yon.! Kahit siguro ikaw sa sarili mo dito nga lang sa lupa nag nanais kna na mabuhay ng mahaba eh ,yung pa kanyang mabuhay ka ng walanghanggan ? Ay napakalaking benifits ng tao yun, ..at yun sa tao mismo yon,dhil di kailangan ng Dios yun kase Siya mismo walang hanggan eh ,..

Ultimately ,ang TAO ang benificiary , pagkat Siya'y di nangangailangn ng anoman , sa Kanya nga galing lahat ng bagay eh ,tsaka hindi selfish ang Dios, tao pde pa.kaya wag mong ibintang sa Kanya yung bagay na di mo nauuunawaan.
 
Sagot: nagkaroon nga kase ng satanas , aq kase naniniwala aq may ibang pakinabang o gamit yung puno na yun bukod sa pagkakilala ng mabuti at masama, dahil di nman lilikha ang Dios ng walang kabuluhan eh ,. Parang yung makahiya na matinik , nakakainis yun kase pag aksidenteng nahila mo yun kung nagbubunot ka ng damo sugat abutin mo ,pero my gamit pla yun ,gamot pala yun kung ilaga mo sa babaeng di regular ang dalaw.. ganun din yun ,may gamit yung puno na yun kaya inilagay yun ng Dios ,.

Pangalawa : oo gusto ng Dios na mahalin at sambahin Siya ,may mali ba dun? ..eh sa Kanya galing lht eh ,ikaw ba halimbawa nagbigay ka ng cp sa syota mo tapos ang gusto mo mahalin ng syota mo eh yung kapitbahay nyo ??

Mawawala ba ang freewill ? Hindi na mawawala yun ,yun nga ang gusto ng Dios na pagkalikha sayo eh,design ,tapos parang gusto mo ngaun maging robot o anime ka na kung ano lang gusto ng creator eh yun lang mangyayari ? Hindi bat bagay nga yun na unang dapat mo ipagpasalamat at may sarili kang pagiisip/pagpapasiya ?

Anong will ang katanggap tanggap sa Dios ? Alam mo na sagot dyan bro ,wag mo ng pagdudahin pa sarili mo ,lalabas kase nyan para kang masisiraan na ,mismong ikaw alam mo na sagot ,magdududa kpa ? Ayaw ko lng din maligaw ka bro ,.ingatan mo pag iisip mo ,dhil mahirap masumpungang dudahin at walang pagsampalataya..

Kaya nga ang gusto ng Dios ,sumampalataya ka ,
Ano ang pananampalataya?
Hebreo 11:1
Ngayon, ang pananampalataya ay siyang kapanatagan sa mga bagay na hinihintay, ang katunayan ng mga bagay na hindi nakikita.

Ay kapanatagan ,kaya mapanatag ka wag kang dudahin ,pagkat ang taong dudahin,taong dalawang akala :
Santiago 1:8
Ang taong may dalawang akala, ay walang tiyaga sa lahat ng kaniyang mga paglakad.

Walang tyaga sa paglakad ,saan at ano ang lakad?
Efeso 2:10
Sapagka't tayo'y kaniyang gawa, na nilalang kay Cristo Jesus para sa mabubuting gawa, na mga inihanda ng Dios nang una upang siya nating lakaran.

Sa makatuwid walang tyaga sa paglakad sa mabubuting gawa ,

Huwag ka sana maging tamad bro,magsiyasat ka ,wag puro duda.
 
"Una walang duda na ang ginawa ng Dios ay napakabuti. Absolute true yun,,nilagay nya yung puno na yun sa eden maaari nga nman para turuan ang tao sa pagsunod..."

Ginawa ng dios na napakabuti ang tao pero kailangan pang turuan ng pagsunod??? Un ba un?? So bakit alam ni god na kailangan pang turuan ng lesson sa pagsunod ang napakabuti neang creation?? Kung napakabuti nga nila despite their freewill eh di ba dapat within themselves na pagsunod??
 
And ano ang benefit nun sa tao?? Wala except sa sinabi mo na pagpapatunay ng pagsunod ss diyos?? So ultimately eh si god ang beneficiary?? Para malaman ng tao ang tunay na pagmamahal at pagsunod sa diyos??

Sagot: malaki ,marami,maganda ang benifits nun sa tao ,pag ang tao natututong sumunod sa Dios ,ay una mapapabuti ka ,ikalawa di ka matutukso ni satanas at ma impyerno ,ikatlo magmamana kapa ng buhay na walang hanggan at walang katumbas yon.! Kahit siguro ikaw sa sarili mo dito nga lang sa lupa nag nanais kna na mabuhay ng mahaba eh ,yung pa kanyang mabuhay ka ng walanghanggan ? Ay napakalaking benifits ng tao yun, ..at yun sa tao mismo yon,dhil di kailangan ng Dios yun kase Siya mismo walang hanggan eh ,..

Ultimately ,ang TAO ang benificiary , pagkat Siya'y di nangangailangn ng anoman , sa Kanya nga galing lahat ng bagay eh ,tsaka hindi selfish ang Dios, tao pde pa.kaya wag mong ibintang sa Kanya yung bagay na di mo nauuunawaan.
"pag ang tao natututong sumunod sa Dios ,ay una mapapabuti ka ,ikalawa di ka matutukso ni satanas at ma impyerno ,ikatlo magmamana kapa ng buhay na walang hanggan..."

Kala ko ba "napakabuti" na ng ginawa ng diyos??? Bakit ngayon kailangan pa non para "mapapabuti" pa???

Yang sa tukso nga bakit may tendency na matukso ang isang napabuting nilalang ng diyos???

Bakit nga kailangan ng "napakabuting" nilalang ni god na "matutong sumunod"??

Wow..i agree with u... Gusto mabuhay ng matagal... Pero for different reasons...gusto ko mabuhay ng matagal kasi ito lang buhay ko..nagiisa lang.... Eh ikaw...kung may walang hanggan ka nman pala bakit nagttyaga ka pa dito sa earth?? Di ba dapat naguuna unahan na ung mga bibiyaan ni god mo ng walang hanggan??? Bat parang wala nmng gustong mauna?? Bakit pag nagkakasakit kayo eh lalapit kayo sa doktor para bigyan kayo ng lunas...tas magdadasal kayo kay god nyo na habaan pa ang buhay nyo?? Di ba dapat winiwelcome nyo ung chance na makapunta na sa walang hanggan nyo.?
 
Anong magiging mali sa scenario kung san walang ganong tukso within sa tao?? Ang gusto nmn ng diyos eh mahalin at sambahin sya db?? Mawawala ang free will?? Anong will lang ba ang katanggap tanggap kay god??

Sagot: nagkaroon nga kase ng satanas , aq kase naniniwala aq may ibang pakinabang o gamit yung puno na yun bukod sa pagkakilala ng mabuti at masama, dahil di nman lilikha ang Dios ng walang kabuluhan eh ,. Parang yung makahiya na matinik , nakakainis yun kase pag aksidenteng nahila mo yun kung nagbubunot ka ng damo sugat abutin mo ,pero my gamit pla yun ,gamot pala yun kung ilaga mo sa babaeng di regular ang dalaw.. ganun din yun ,may gamit yung puno na yun kaya inilagay yun ng Dios ,.

Pangalawa : oo gusto ng Dios na mahalin at sambahin Siya ,may mali ba dun? ..eh sa Kanya galing lht eh ,ikaw ba halimbawa nagbigay ka ng cp sa syota mo tapos ang gusto mo mahalin ng syota mo eh yung kapitbahay nyo ??

Mawawala ba ang freewill ? Hindi na mawawala yun ,yun nga ang gusto ng Dios na pagkalikha sayo eh,design ,tapos parang gusto mo ngaun maging robot o anime ka na kung ano lang gusto ng creator eh yun lang mangyayari ? Hindi bat bagay nga yun na unang dapat mo ipagpasalamat at may sarili kang pagiisip/pagpapasiya ?

Anong will ang katanggap tanggap sa Dios ? Alam mo na sagot dyan bro ,wag mo ng pagdudahin pa sarili mo ,lalabas kase nyan para kang masisiraan na ,mismong ikaw alam mo na sagot ,magdududa kpa ? Ayaw ko lng din maligaw ka bro ,.ingatan mo pag iisip mo ,dhil mahirap masumpungang dudahin at walang pagsampalataya..

Kaya nga ang gusto ng Dios ,sumampalataya ka ,
Ano ang pananampalataya?
Hebreo 11:1
Ngayon, ang pananampalataya ay siyang kapanatagan sa mga bagay na hinihintay, ang katunayan ng mga bagay na hindi nakikita.

Ay kapanatagan ,kaya mapanatag ka wag kang dudahin ,pagkat ang taong dudahin,taong dalawang akala :
Santiago 1:8
Ang taong may dalawang akala, ay walang tiyaga sa lahat ng kaniyang mga paglakad.

Walang tyaga sa paglakad ,saan at ano ang lakad?
Efeso 2:10
Sapagka't tayo'y kaniyang gawa, na nilalang kay Cristo Jesus para sa mabubuting gawa, na mga inihanda ng Dios nang una upang siya nating lakaran.

Sa makatuwid walang tyaga sa paglakad sa mabubuting gawa ,

Huwag ka sana maging tamad bro,magsiyasat ka ,wag puro duda.
First off...sabi mo wag bigyan ng sariling interpretasyon ang biblia and yet hir you are asserting your "...aq kase naniniwala aq..." 🤭

"Napakabuti" ng ginawa nya pero naglalagay siya ng puno, "yung puno na yun bukod sa pagkakilala ng mabuti at masama..." - kung napakabuti ng nilalang ni god then bakit nga kailangan pa ng something na possible na magbibigay ng idea about being masama which is contradicting sa supposedly "napakabuting" character ng tao??

"Nagkaroon kase ng satanas"... - so san ulit galing si satanas?? And sino uli ang may kapangyarihan para puksain si satanas?? And sino din dapat ay may alam ng lahat ng bagay?

Hmmmm...

Nagsisiyasat ako....and so far nangingibabaw pa rin ang duda dahil sa mga sagot ng kagaya mo na walang maidagdag sa diskusyon kundi sariling claim lang din
 
Hopefully eh makasagot ako ng maayos sa mga tanong mo jayendecastro haha 😅

Yung tanong mo kasi about sa "tukso", eh, sinasaliksik ko pang maigi, para masabi kong tumpak ang magiging sagot ko at hindi lang sariling claim ..

Yamang, nakita ko na marami ka tlgang tanong, marami-rami din ang kailangan kong ihanda na sagot para sa mga tanong mo ..
 
Una iqaw nag iisip ng duda sa ginawa ng Dios malinaw naman ang nakasulat :
Genesis 1:31
At nakita ng Dios ang lahat ng kaniyang nilikha, at, narito, napakabuti. At nagkahapon at nagkaumaga ang ikaanim na araw.
,Yung puno bang yun eh nilikha ng Dios ,abay oo kasama yun sa mabuti ., Ngaun naglalagay ka ng duda sa sarili mo ,kase binigyan mo na agad ng masamang kahulugan , unang una ang Dios ay mabuti ,talata
Awit 92:15 (TLAB) Upang ipakilala na ang Panginoon ay matuwid; siya'y aking malaking bato, at walang kalikuan sa kaniya.

Kaya nagugulumihanan , kase ang tingin mo sa puno ng pagkakilala ng mabuti at masama eh masama ,?, Hindi masama ang makakilala ka ng mabuti at masama , ano ba pinagkasala ni eva at adan sa tingin mo yung nakakilala ng mabuti at masama ???

Hindi kasi ang pagkakilala ng mabuti at masama na dala ng puno ang pinagkasalaan ni eva at adan ,dhil mabuti yung puno eh, at di masama kumilala ng mabuti at masama , ang tunay na kasalanan nila yung sinuway nila ang Dios ,at kumain pa din sila kahit wala pang pahintulot !

Sa tingin mo maglalagay ang Dios ng likhang masama ? Na ikakasama nila eva at adan ,nataon lang na wala pa Siyang pahintulot ,na kainin yung bunga kaya nga bawal eh ,pero di ibig sabhin nun masama na yung puno ???

Kaya nga magsiyasat ka huwag ka lumayo ,ang nakasulat "lahat ng ginawa napakabuti ,kasama puno dun"!!

Hal. Ganito sa mababaw na halintulad ,kase di nman bawal maghalintulad : sample
Kawikaan 27:15
Ang laging tulo sa araw na maulan at ang babaing palatalo ay magkahalintulad:

Kaya heto halintulad ,.kung may anak ka ,nagtanong sayo ,nay may nakita kong wallet madaming pera anong gagawin q ?
Ngayon qaw naman nanay na matuwid ,sasabhin mo isoli mo nak kse yun ang mabuti , wag mo angkinin masama yon.! (Isang halimbawa lang yan na ang pagkakilala ng mabuti at masama ay di masama ,tinuturo pa nga yan eh ) eh itinuro mo sa anak mong 1 yr old at di pa nakakaunawa at bago lang sa mundo halos ,eh mauunawaan kaba? Kaya may tamang panahon ..

Tsaka walang contradicting sa bibliya ,manatili ka lang kung ano yung nakasulat ,lht napakabuti maging yung puno mabuti !,yan ang nakasulat
 
Yung "aq kase naniniwala aq " sa tingin mo ba babagsak yun sa sinasabi kong wag bigyan ng sariling interpretasyon ?

Sabi q kase aq naniniwala aq na yung puno na yun may gamit yun eh ,naniniwala kase aq na hindi masama yung puno ,na ipinalalagay mo kaseng masama na lumikha ang Dios ng masamang puno ,yun ang malaking kamalian ,pero yung maniwala na di nman lalabag sa essence ng nakasulat masama ba yun ?
Hindi ba't paniniwala nga ang kailangan mo ?
Roma 10:17
Kaya nga ang paniniwala'y nanggagaling sa pakikinig, at ang pakikinig ay sa pamamagitan ng salita ni Cristo.

Masamang maniwala na mabuti yung puno pagkat di gagawa ang Dios ng di mabuti ?
 
Uulitin q lang , masama bang maniwala ka na mabuti yung puno ,pagkat di gagawa o lilikha ang Dios ng bagay na masama ???

Sa panahong punong puno ng maling akala kase ,dapat din tayong manindigan kung ano yung tama ,.hindi nman masamang itama yung kapwa mo ,kesa manatili syang dinadaya ng sariling pag iisip ,kase may mandaraya tlga ,may satanas na dumadaya hanggang ngaun..

Kaya sana maintindihan mo ,hindi gagawa ng masama ang Dios na pagkakasalaan ng tao,.lht ginawa ay ikabubuti ng tao..sana maunawaan mo ,ialis mo yung duda sa isip mo ,kung sa tingin mo naman matalino ka ,ipanig mo sa tamang pagiisip yung kaloob na talino sayo ,wag mo pagdudahan ang Dios.
 
Paalala ko lamang po sa lahat ng mga nagcocomment sa thread na ito:

Lahat po kayo ay may kalayaang magpahayag ng inyong interpretation sa Bibliya rito, at malaya po kayo na sumagot sa mga tanong .. Pero, sa huli, bilang TS, ako po ang may pananagutan na sumagot sa katanungan niyaong mga nagtatanong dito ..

At hindi nangangahulugan na dahil kayo ang sumagot sa tanong eh masasabi kong iyon ang tumpak na kasagutan ..

Sa bandang huli, tanging ang mga nagtatanong at bumabasa ang makakakita kung ang sagot ay tama at malinaw at hindi sumasalungat sa sinasabi ng Bibliya at sa mga katangian ng Diyos ..

Bilang TS, sinisikap kong gawing malinaw at talagang sinaliksik ang mga sagot ko, bago ko ito ipost or icomment sa katanungan ng nagtatanong upang masabi kong iyon ang sagot ng Bibliya at hindi lang sariling claim ..
 
Yun lang nman sakin ,bro ..na anot ano pa man ang ipasok o maisip mong duda tumiwal ka na ,"ang Dios ay mabuti ,di Siya gagawa o panggagalinganan ng masama o ikasasama ,kaya dapat ano man yung duda o palagay mong kontradiksyon " manatili ka lang sa dapat mong tayuan ,na ang Dios ay mabuti, at Walang kalikuan ,.

Para ma access mo ng tama at di ka magdalawang akala..at di ka madaya.
 
Salamat ts ..tsaka pasensya na baguhan ,medyo másáráp kase sa pakiramdam yung kht d2 pala pdeng magshare .,kaya salamat sa thread mo.
 
[XX='Angel069, c: 1314031, m: 1872083'][/XX] Okay lang naman .. Mahusay ka naman sumagot, pero, may ilang bagay lang na kailangang itama pagdating sa iyong mga paliwanag 😅

Anyway, salamat sa pagsisikap mo na sumagot sa thread na ito ..
 
Gen.1:31 At nakita ng Dios ang lahat ng kaniyang nilikha, at, narito, napakabuti. At nagkahapon at nagkaumaga ang ikaanim na araw.
 
Awit 14:1
Ang mangmang ay nagsabi sa kaniyang puso, walang Dios: sila'y nangapapahamak, sila'y nagsigawa ng kasuklamsuklam na mga gawa; walang gumagawa ng mabuti,

Kahit alam mo naman na mali pinagsasabi mo ,pinagmamatigasan mo pa din ,sana magbago kana mas mabuting may Dios sa buhay kesa wala kang inaasahan,

Gaya ng sabi mo iisa lang buhay mo ,tapos gugugulin mo pa sa pagtanggi na merung Dios,?

Kamangmangan tlga babagsakan mo bro..

Ishortcut natin, natapos ang paglikha lumabas napakabuti, nun nadaya si eva at adan nagkaroon ng corruption ,kaya para maibalik sa dating kalagayan ,nagsugo ang Dios ng mga propeta ,at isunugo ang Anak ,ang Panginoong Jesus para yung naidulot nacorrupt na napakabuti ,maibalik sa dating kalagayan ,kaya may pagliligtas , .at yung maliligtas yun nga yung magmamana ng buhay na walang hanngan.

Tsaka yung doktor propesyon nila manggamot , natural lang na sa doctor ka lumapit kung may sakit ka ,alangan nman sa mekaniko ka pumunta ?

Tsaka alam mo pag kristiyano ka di naman doctor una naming pinupuntahan eh , manalangin ka muna sa Dios ,di doctor agad ,.kayan nga mas mabuting may Dios ka ..
 
Back
Top