What's new

Bakit ganito napaka sensitive ng partner ko?

mrnamasti

Eternal Poster
Joined
Dec 6, 2015
Posts
1,339
Reaction
265
Points
438
Age
31
Btw lalaki po ako.

Bago palang kami ikasal ganito na sya, away bati kami. Kasi sobrang sensitive nya. Pag may di nagustuhan di na nya ako hihimikan kahit kausapin ko pa sya at mag sorry ayaw nya kong himikan. Nagmumuka na tuloy akong kawawa. Kaya ginagawa ko nalang. Diko nalang din kakausapin. Good thing is sya mismo yayakapin ako at mag so sorry bigla. Sa part ko bilang lalaki sobrang naiinis ako. Pag sya sinusuyo ko ayaw. Pag sya nman nanunuyo sakin ok na kami. Nakapaka unfair nyo talaga mga girls. Hanggang sa nalaman ko na 2 months na syang preggy. Then kinasal kami nitong wed ( Oct 26 2022) at kagabi nag cr ako inalis ko yung wedding ring namin. At nakalimutan ko isuot naiwan sa cr. Pag gising namin ngayon habang magkayakap at naglalambing pa sya. Bigla nya napansin diko suot yung singsing. At muli nagtampo nanaman. Pang apat kona kc nakakalimutan ko lagi sa cr. Para bang nainis sya. Diko naman kasalanan na pinanganak akong makakalimutin. At eto away nanaman kami. Di nanaman nya ako kinikibo umagang umaga. Nag sorry ako at niyaya ko mag breakfast pero di nya ko kinikibo. Ano ba kailangan kong gawin mga lods? Minsan nakakasawa din tong ugali nya sensitive masyado. Nag so sorry na nga ayaw pa makipag areglo. Ganito ba talaga mga babae? Malapit na kami magka baby kaya, ayaw kong makipag talo sa kanya. Ayaw ko syang ma stress. Baka madamay yung bata. Ano ba dapat gawin mga lods? Kailangan ko ng mahabang pasensya kc mahal na mahal namin ang isat isa. Minsan nakakasawa din, lalo na pag galit sya masakit magsalita. Pero pagkatapos non , sya unang kakausap sakin. Kahit anong gawin ko, diko parin maiwasan magsawa kung minsan. Haiiyy buhay mag asawa Ganito pala🥺
 
lods sa pagkakaalam ko, mas sensitive talaga ang mga babae kapag buntis sila. siguro dapat mo lang talaga intindihin (tho nakakasawa) pero mas mahirap kapag mag-away kayo tapos may mangyari sa baby niyo (wag naman sana)
 
Oo lods eto di nanaman kami magka usap. Naka simangot nanaman. Kinakausap ko ayaw nyako himikan. Ang hirap ayaw naming pahalat sa magulang ko.

Aminado naman kasalanan ko, pero nag sorry naman ako sa kanya ng ilang ulit. Pero ayaw nya ko kausapin. Tapos sabi nya pa binigyan ko daw sya ng stress. Tama ba naman yon? Konting prublema pinapalaki nya lagi. Palatampo kaumay na.
 
Last edited:
ganyan tlga boss kapag buntis sensitive po sa lahat pero hanggat maari po gawa kapo ng paraan para di po sya mastressed kumbaga po bilhan mopo sya mga fuds na gusto nya mga ganun poba..kasi nakakaapekto po kasi yun sa baby kapag po laging stress si mommy..
 
Lods part yan ng adjustment period nyo bilang mag-asawa.
iniisip ko lang parang bago sayo ung sensitive nya? Ilang taon ba kayo naging mag on bago kayo nag-asawahan? Kasi dapat dun sa period na mag on kayo alam muna ung ganon nya eh hehee. Pero btw, be patient lang lods lalo na lagi kayo magkasama dapat maging tapat lang kayo sa feelings nyo, pangit din talaga ung tampo tampo tapos di i-direct kung ano nga bang kininatatampo hehe
 
oo paps tama hehe kumbaga po communication is the key..sahalip po na palakihin pagusapan nalang ng ayos para happy happy na
 
Lods part yan ng adjustment period nyo bilang mag-asawa.
iniisip ko lang parang bago sayo ung sensitive nya? Ilang taon ba kayo naging mag on bago kayo nag-asawahan? Kasi dapat dun sa period na mag on kayo alam muna ung ganon nya eh hehee. Pero btw, be patient lang lods lalo na lagi kayo magkasama dapat maging tapat lang kayo sa feelings nyo, pangit din talaga ung tampo tampo tapos di i-direct kung ano nga bang kininatatampo hehe
agree. piro di ko gusto yung babaeng madaldal
 
lods normal lang ang pag aaway at mag sawa minsan... ang hindi normal kung Perfect relationship kayo matakot kana..

Advice kolang wag kang gagawa ng kalokohan sa mga araw na ganun kayo.. kasi sa hulit huli kayo padin naman dalawa..

😁 topak talaga mga babae madalas lalo na sabi mo preggy pa misis mo now triple topak yan.. 🤣 pero ikaw nadin nag sabi lods..

"Kailangan ko ng mahabang pasensya kc mahal na mahal namin ang isat isa."
-TS
 
ganyan tlga boss kapag buntis sensitive po sa lahat pero hanggat maari po gawa kapo ng paraan para di po sya mastressed kumbaga po bilhan mopo sya mga fuds na gusto nya mga ganun poba..kasi nakakaapekto po kasi yun sa baby kapag po laging stress si mommy..
Ok salamat sa info lodi
 
Normal lang yan lods buntis din pala sya naglalambing at nanghihingi lang yan ng atensyon sayo alagaan mo sya maigi at tulungan sa pagbubuntis congrats sa inyo lodi pag mahal naman natin isang tao kahit tayo na mag adjust at ibaba pride natin.
 
Ganyan di kami ng husband ko nung bago pa kami ikinasal..lagi ko siya inaaway na walang dahilan..mababaw lang rason nagagalit agad ako..stressed pala ako nun kaya si ko alam na nasasaktan na pla siya sa akin..nag aadjust pa kac kami nun..kaya lods wag ka susuko..normal lang yan sa mag asawa..

Ps..malakas hangin dito samen😭
 
Sabihin mo din sakanya. Communication is the key. Saka ung complaints mo nmn sakanya is something not worth hiwalayan. Honestly, tingin ko something lng yan na pagtatawan nyo together pag edad nyo.

Dont make a mistake na isipin na pag naghanap ka ng iba it will be better for you. Impossible maghanap ng partner na zero complaints ka. You might even find a different partner na opposite nya, just to realize na hnd pla ganun gusto mo.
 
Ganyan ang babae pag nagbubuntis, madalas pagbuntungan ng mood swings nyan tayong mga partner nila. Kaya dapat habaan ang pasensya at lawakan ang pang unawa, kase di rin nila talaga makontrol yan, naguumpisa ka palang, antayin mo yung tinatawag na post partum.
 
hindi naman ata ganyan siya dati db? kaya unawain mo muna ngayon adjustment lng po kaya mo yan btw congrats po
 
Similar threads

Back
Top