What's new

Poems Bahay kubo ng Sawing Pag-ibig

Professora Akira

☯️ SôulNinetãiL☯️
Contributor
Joined
Oct 13, 2017
Posts
25,992
Solutions
6
Reaction
66,532
Points
16,660
Singkamas -para sa pagsusuyoang nagwakas,
Talong- para sa mga di mo sinagot na tanong,
Segarilyas-para sa araw na biglang lumipas,
Mani-para sa nalalabing awa sa aking sarili,

Sitaw-inakalang kapalaran ko'y ikaw,
bataw-para sa taong sayo'y umagaw at nagpa-agaw,

patani-para sa lahat ng aking mali at pagbabakasakali ,
Kundol- para sa ating mga lambingan at ugnayang naputol.


Patola-ang hanip mo kasing mambola,
upo-para sa pakitang tao mong panunuyo,
kalabasa-lahat pala ng iyon tela ay isa lamang pagsasadula.

At tsaka mayro'n pa

Labanos-para sa huli nating pagtutuos,

mustasa-patuloy parin bang umaasa?
Sibuyas-para sa inakaalang ang pagtingin moy wagas,

kamatis-para sa puso mong baluktot lang pala ang nais
bawang-sana ay matuto ka nang manghinayang
at luya- para sa sarili kong natututong mgparaya,

Sa paligid- ligid ay puno ng linga- saan na nga ba tayo?

sa'n na nga ba tutungo?
Sa isang mapanlilang na mundo.





💓 -Professora Akira-💗




excerpt from;BahaykuboHugot
 
Last edited:

About this Thread

  • 16
    Replies
  • 814
    Views
  • 4
    Participants
Last reply from:
Professora Akira

Online statistics

Members online
1,108
Guests online
6,151
Total visitors
7,259
Back
Top