What's new

ART OR BLASPHEMY (PURA LUKA VEGA)

I dont buy the whole “way of worshipping” reason… for me excuse na lang yan dahil sa backlash na narereceive nea…

Sa drag jesus nman nea as far as i know..sa mga drag shows ung artist will either make his or her own persona or imitate known personalities or figures… regardless kung anong character yun the point is to entertain while attempting to be like ung character nila…entertain by singing kagaya nung artist,, delivering their famous lines or doing something na completely out of character nung personality na un..

Im not offended sa ginawa ni luka pero i understand those na naoffend… nung panahon ni PRRD madame din syang issues with the catholics and christians at kay god na may mga naoffend din…that time lang walang kasuhan…now meron na…

Yang legality of being offended ang napapaisip ako eh… pano ung mga tao na naniniwala na god si jesus tapos may ibang nagsasabi na hndi sya god?? Can they pursue legal actions din??

Pag ung magkaiba ng mga god na pinapaniwalaan at naoffend ang isa dahil ayaw tanggapin ng isa na ung god nea ang true pd magkasuhan nb??​

Opo. Pwede po. Nabasa ko po. Article 133 (offending religious feelings [daw]) and of Article 201 (immoral doctrines and obscene publications [daw]). So yung mga tao na religious na andito ngayon sa phcorner po ay tumpak , meron at meron po silang "rights" na kasuhan ang kung sino man tao na mang-offend sa kanilang religious beliefs especially we lived in a Christian society po and siyempre , yung center of beliefs po natin is Christianity po.

Iyon nga lang po kase , well , siyempre , maglalabas pa diyan ng cash po. Kung baga pang-gagastusan para lang kasuhan ang tao na nang-offend sa kanya pagdating sa religious beliefs po. So malamang hahayaan na lang and yup , meron silang "rights".

Pambihira nga. Ma swerte nga sila , meron "rights". Yung ibang tao na nasa group ng LGBT ay pahirapan pa makuha-kuha ang "rights" pagdating sa sogie bill pagkatapos ang iba ay sila itong malakas ang loob magsalita na keyso "self-entitled" kuno ang mga tao na humihingi ng "rights" ng sogie bill.

Pagkatapos ang sabi pa , sa Canada raw , meron pinaka-mataas ang pagiging wokeism kung kaya "totalitarian government" kuno mask by democratic country. E ano naman tayo sa Pilipinas , religious and conservative country na "theocratic government" mask by democratic country pagkatapos kini-criticize nila na keyso galing western naman daw kase ang wokeism. E tayo nga ay pinahahawakan pa rin natin ang mala-espanyol na ipinamana sa atin.

Nang panahon ng mga kastila , ayaw na ayaw ni Jose Rizal dahil lumalabas na theocratic government ang pamamahala ng espanyol. Espanyol ang nagdala ng Catholicism po and though sinakop na tayo ng Amerikano at ipinamana sa atin ang Christian po (protestante ata) , sa survey , lamang pa rin ang Catholic faith na naninirahan sa Pilipinas dahil 80 percent po siya.

And obvious , yung philippine law , kung alam ng mga tao , meron siyang halong batas na dala pa rin natin ngayon from the spaniards noon namumuno pa sila dito sa bansang Pilipinas po. O-ha? Proof na iyon na religious country talaga tayo and conservative po though meron nang umaalis at kumakawala sa ganoon sistema , hindi pa rin maiwas-iwasan na influence pa rin tayo ng espanyol. Halata naman.

Pwede talaga sila mag-take action po pagdating sa religious feelings po. Pwede. Iyon raw kase ang sabi at iyon ang nakasulat and so iyon ang sa tingin ko na pwede po. Nagkataon kase na meron cash ang mga religious devoted kung kaya , malakas ang loob nila na kasuhan si Pura Luka.

Kaya nga sabi ko , yung mga tao lang who are Christian or same beliefs lang o same mentality lang ang meron freedom of expression. Pagdating sa hindi katulad nila , wala na po.

If ma reremember ng tao , meron din execution from Catholic noon ang kung sino man na hindi same beliefs po nila. Espanyol ang nagdala ng Christianity sa atin. I mean Catholic Christian po.​
 
Last edited:

Similar threads

Back
Top