Komporme yan sa disposisyon mo ng parusa, at komporme rin sa pinaniniwalaan mong panginoon.
Kung ang Panginoong tinutukoy mo ay ang Anak, mayroon syang kamay na bakal na pamamahala na inolaan para sa mga bansa
Kung ang Ama naman ang magpaparusa yan ay pagpaparusa sa espiritu at kaluluwa ng mga makasalanan sa dagat dagatang apoy sa ikalawang kamatayan pa mangyayari yan pagkabuhay natin muli mula sa libingan matapos ang paghuhukom, at maging sa mga dadatnan ng mga huling araw ng ating daigdig na kung saan iilan na lang diumano ang natitirang matuwid sa kampamento ng diyos dito sa lupa sa panahong iyon diumano at kung kailan tutupokin nya na ang mundo sa nagliliyab na apoy at asupre tulad ng nangyari sa sodoma at gomorra noon, ganyan ang parusa ng Diyos
Sa kabilang banda ang diyablo rin naman ay may kapangyarihan magparusa at magpahirap sa lahat ng abot ng kanyang impluwensya at kapangyarihan dito sa lupa, sinasabing sa kamay ni satanas pinahirapan at pinagpapaslang at pinarusahan ang karamihan sa mga sinawimpalad na banal ng diyos at ilang tagasunod ni hesus dito sa lupa, ang mga kaluluwa ng mga ito'y agad na binuhay ng diyos at pinagpahinga pansamantala doon sa langit upang hintayin ang araw ng paghihiganti ng diyos sa kanila.
Sa pagpaparusa ang diyos ay may kakayahang magpadala ng mga salot at kalamidad ngunit tulad ng naganap sa Ehipto, ang diyablo rin naman ay may kakayahang gayahin at ireplica lahat ng ng mga salot at kalamidad na yan sa pamamagitan ng artipisyal na paraan at lihim na karunungan o siyensya