What's new

Closed Anu nga ba ang Tunay na Kalagayan Ni Jesus Crist, Dios o Tao Lamang?

Status
Not open for further replies.
ang anak ng kambing ang tawag kambing, ang baka ay baka din so anak ng Dios edi Dios din na nagkatawang tao lamang ibig sabihin hindi talaga tao parang yung mga bakla nagsababae ang tawag pero hindi talaga babae
 
Hindi gaya ng katanungang, “Mayroon bang Diyos,?” iilang tao lamang ang nagtatanong ng “Sino si Hesu Kristo?” dahil halos lahat ay kumikilala na si Hesus ay totoong taong nabuhay at nanirahan sa bansang Israel dalawang libong (2,000) taon na ang nakararaan. Naguumpisa ang pagtatalo-talo kapag ang talakayan ay may kinalaman sa uri ng pagkatao ni Hesus. Halos lahat ng mga pangunahing relihiyon ay nagtuturo na si Hesus ay isang propeta, mahusay na mangangaral, o taong makadiyos. Subalit ang Banal na Kasulatan ay nagpapahayag na si Hesu Kristo ay higit pa sa isang Propeta, mabuting Guro, o taong makadiyos.

Sa kanyang aklat na “Mere Christianity,” sinulat ni C.S. Lewis ang ganito: “Sinisikap kong pigilan ang sinuman sa pagsasabi ng ganitong kahangalan tungkol kay Hesu Kristo: 'Handa kong tanggapin na si Hesus ay isang dakila at marangal na mangangaral, ngunit hindi ko tinatanggap ang Kanyang pagpapakilala sa sarili bilang Diyos.' Iyan ang isang bagay na hindi nararapat sabihin. Ang isang pangkaraniwan lamang na tao na nag-aangkin ng gaya ng mga ipinahayag ni Hesus ay hindi kailanman maaaring maging Dakilang Guro. Maaaring nasisiraan Siya ng bait - katulad ng pagsasabi na Siya'y isang malasadong itlog - kundi man Siya'y isang diyablo ng impiyerno. Kailangan mong mamili. Maaaring ang taong ito ay ang Anak ng Diyos, o kaya nama'y isang baliw o mas higit pa sa baliw. Sabihin mo na isa Siyang hangal, duraan mo Siya at patayin o magpatirapa ka sa Kanyang paanan at tawagin siyang Panginoon at Diyos. Ngunit huwag nating palampasin ang walang kabuluhang pagturing kay Hesus bilang isang dakilang mangangaral lamang. Ang pagpili kung paano natin kikilalanin si Hesus ayon sa ating pananaw ay isang bagay na hindi Niya pinahintulutan.”

Kung ganoon, sino si Hesu Kristo ayon sa pagpapakilala Niya sa Kanyang sarili? Sino Siya ayon sa sinasabi ng Banal na Kasulatan? Una, tunghayan natin ang sinabi ni Hesus sa Juan 10:30, “Ako at ang Ama ay iisa.” Sa biglang tingin, tila hindi ito pag-aangkin na Siya ay Diyos. Subalit suriin natin ang reaksyon ng mga Hudyo, “Hindi dahil sa mabuting gawa kaya ka namin babatuhin, kundi dahil sa paglapastangan mo sa Diyos” (Juan 10:33). Sa harap ng mga Hudyo, walang alinlangang inangkin ni Hesus na Siya ay Diyos. Sa sumunod na mga talata, hindi itinuwid ni Hesus ang mga Hudyo sa kanilang pagkaintindi at sinabing, “Hindi Ko inaangking Ako ay Diyos.” Pinatunayan sa talatang ito na tunay na si Hesus ay Diyos nang Kanyang sabihin, “Ako at ang Ama ay iisa” (Juan 10:30). Ang Juan 8:58 ay isa pang patunay sa pagka- Diyos ni Hesu Kristo. Tumugon si Hesus, “Sinasabi Ko sa inyo, bago pa ipinanganak si Abraham, 'Ako'y Ako na!” (Juan 8:58). Muling kumuha ng mga bato ang mga Hudyo at tinangkang batuhin si Hesus. Ang pahayag ni Hesus ng Kanyang pagkakilanlan bilang “Ako nga,” ay tuwirang paggamit ng pangalan ng Diyos sa Lumang Tipan (Exodo 3:14). Bakit kailangang batuhin ng mga Hudyo si Hesus kung wala Siyang sinabi na sa paniniwala nila'y pamumusong sa pangalan ng Kataas-taasang Diyos?

Ito ang sinasabi sa Juan 1:1: “Ang Salita ay Diyos.” At sa Juan 1:14 naman ay ito ang sinabi, “Ang Salita ay nagkatawang tao.” Ito'y maliwanag na indikasyon na si Hesus ay Diyos sa anyong laman. Ang alagad na si Tomas ay nagpahayag tungkol kay Hesus ng ganito, “Aking Panginoon at aking Diyos” (Juan 20:28). Si Tomas ay hindi nagkamali dahil hindi siya sinaway o itinama man ni Hesus. Inilarawan ni Apostol Pablo ang Panginoong Hesus ng ganito, “Ang ating Dakilang Diyos at Tagapagligtas na si Hesu Kristo...” (Tito 2:13). Ganito rin ang sinabi ni Apostol Pedro, .”..ang ating Diyos at Tagapagligtas na si Hesu Kristo” (2 Pedro 1:1). Ang Diyos Ama ay nagpatotoo rin sa pagiging Diyos ni Hesus, “Ang Iyong Trono, O Diyos ay mananatili magpakailan man, at ang Katuwiran ay mangingibabaw sa Iyong Kaharian” (Awit 45:6). Ipinahayag sa mga hula ng mga propeta sa Lumang Tipan ang pagiging Diyos ni Hesus, “Para sa atin, isang sanggol na lalaki ang isisilang, at Siya ang mamamahala sa atin. Siya ang kahanga-hangang Tagapayo, ang makapangyarihang Diyos, walang hanggang Ama, ang Prinsipe ng Kapayapaan” (Isaias 9:6).

Kaya nga tulad ng pangangatwiran ni C.S.Lewis, ang paniniwala kay Hesus bilang isang mabuting Guro lamang ay isang bagay na hindi dapat ipagwalang bahala. Bagkus, maliwanag at walang pangingiming inangkin ni Hesu Kristo na Siya ay Diyos. Kung hindi Siya Diyos, Siya ay sinungaling, samakatuwid hindi Siya Propeta, hindi mabuting Guro, at lalong hindi siya makadiyos. Sa kanilang pagnanais na ilayo ang mga tao sa katotohanan patungkol sa mga pahayag ni Hesus sa Kanyang sarili, itinuturo ng mga modernong “iskolar” na ang “tunay na Hesus sa kasaysayan” ay hindi inangkin ang maraming hula at pagpapakilala sa Banal na Kasulatan patungkol sa Kanyang katangian bilang Diyos. Sino tayo para mangatwiran tungkol sa mga salitang ipinahayag ni Hesus at sa mga salitang hindi Niya sinabi ngunit di umano ay nakasulat? Papaano mangyayari na ang mga modernong “iskolar” na halos dalawang libong taon ang agwat sa kapanahunan ni Hesus ay magkakaroon ng mas malawak na pananaw at kaalaman kaysa sa mismong mga tagasunod na kasama-sama Niya na naglingkod sa Kanya at tinuruan Niya? (Juan 14:26).

Bakit ba napakahalaga ang katanungan tungkol sa tunay na pagkakakilanlan kay Hesu Kristo? Bakit makabuluhan na tiyakin kung si Hesus nga ba ay tunay na Diyos o hindi? Ang pinakamamalaking dahilan kung bakit kailangang tanggapin na si Hesus ay Diyos ay sapagkat, kung Siya ay karaniwang tao lamang, ang kanyang kamatayan ay hindi sapat na kabayaran upang tubusin ang kasalanan ng buong sangkatauhan (1 Juan 2:2). Tanging Diyos lamang ang may ganap na kakayahan upang bayaran at iligtas ang tao sa walang hanggang kaparusahan sa kasalanan (Roma 5:8; 2 Corinto 5:21). Kailangang Diyos si Hesus upang maging ganap ang kabayaran para sa ating mga kasalanan. Kinakailangan din na tao si Hesus upang danasin ang kamatayan na siyang kabayaran ng kasalanan (Roma 6:23). Ang kaligtasan ay matatamo lamang sa pamamagitan ng pananampalataya kay Hesu Kristo! Ang pananampalataya sa pagka-Diyos ni Hesus ang tanging daan tungo sa kaligtasan.

Ang pagka-Diyos ni Hesus ang siyang dahilan kung kaya't buong katotohanan Niyang ipinahayag, “Ako ang Daan, ang Katotohanan, at ang Buhay. Walang makapupunta sa Ama kundi sa pamamagitan Ko” (Juan 14:6).
 
Oo nga't walang talata sa Banal na Kasulatan kung saan tuwirang sinabi ni Hesu Kristo ang ganito: “Ako ay Diyos,” ngunit hindi ito nangangahulugan na hindi Niya kailanman ipinahayag na Siya ay Diyos. Isa sa mga halimbawa ay ang sinabi ni Hesu Kristo sa Juan 10:30, “Ako at ang Ama ay iisa.” Sa biglang tingin, tila hindi ito tuwirang pag-angkin ni Hesus na Siya ay Diyos. Ngunit, para sa mga Hudyo ang sinabi ni Hesus ay tiyakang pag-angkin na Siya ay Diyos. Ganito ang reaksyon ng mga Hudyo, “Hindi dahil sa mabuting gawa kaya ka namin babatuhin, kundi dahil sa paglapastangan mo sa Diyos. Sapagkat nagpapanggap kang Diyos gayong tao ka lang” (Juan 10:33). Sa nabanggit na mga talata, hindi itinuwid ni Hesu Kristo ang mga Hudyo gaya ng pagsasabing, “Hindi ko inangkin ang pagiging Diyos.” Ipinahihiwatig lamang nito na si Hesu Kristo ay Diyos nang Kanyang sabihin, “Ako at ang Ama ay iisa” (Juan 10:30). Sa Juan 8:58, ganito naman ang wika ni Hesus, “Katotohanang sinasabi Ko sa inyo, bago pa ipinanganak si Abraham, Ako ay Ako na!” Muling kumuha ng bato ang mga Hudyo at tinangkang batuhin si Hesus. Bakit kailangang batuhin ng mga Hudyo si Hesu Kristo, kung wala Siyang sinabi na sa paniniwala nila'y pamumusong sa pangalan ng kataas-taasang Diyos?

Sinasabi sa Juan 1:1, “Sa pasimula pa'y naroon na ang Salita. Kasama ng Diyos ang Salita, at ang Salita ay Diyos.” Sa Juan 1:14, nakasaad naman ang ganito, “Naging tao ang Salita at Siya'y nanirahan sa piling natin.” Ito'y malinaw na nagpapahayag na si Hesu Kristo ay Diyos na nagkatawang-tao. Sinasabi sa atin sa Gawa 20:28, “Ingatan ninyo ang inyong sarili at ang lahat ng kabilang sa katawan, sapagkat inilagay sila ng Espiritu Santo sa inyong pag-iingat. Pangalagaan ninyo ang Iglesiya ng Diyos na Kanyang tinubos sa pamamagitan ng kamatayan ng Kanyang sariling Anak.” Sinabi din sa Gawa 20:28 na tinubos ng Diyos ang Kanyang Iglesya sa pamamagitan ng Kanyang banal na dugo. Samakatuwid si Hesu Kristo ay tunay Diyos.

Ganito naman ang sinabi ng alagad na si Tomas kay Hesu Kristo, “Panginoon ko at Diyos ko” (Juan 20:28). Sinabi sa Tito 2:13 na palakasin natin ang ating loob sa paghihintay sa muling pagparito ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Hesu Kristo (basahin din ang 2 Pedro 1:1). Sa Hebreo 1:8, ganito naman ang pagpapakilala ng Diyos Ama patungkol kay Hesu Kristo, “Ang Iyong trono, O Diyos, ay magpakailan pa man. Ikaw ay maghaharing may katarungan.”

Sa aklat ng Pahayag, itinuro ng anghel kay Apostol Juan na tanging Diyos lamang ang sasambahin (Pahayag 19:10). Makailang ulit din na naitala sa Banal na Kasulatan na sinamba si Hesu Kristo (Mateo 2:11; 14:33; 28:9, 17; Lukas 24:52; Juan 9:38). Kahit kailan, hindi sinaway ni Hesu Kristo ang mga sumamba sa Kanya. Kung hindi Siya Diyos, sana ay pinagsabihan Niya ang mga tao na huwag Siyang sambahin tulad ng ginawang pagsaway ng anghel kay Apostol Juan sa Pahayag 19:10.

Marami pang mga talata at pahayag sa Banal na Kasulatan ang nagpapatunay sa pagka-Diyos ni Hesu Kristo. Ang pinakamahalagang nagawa ng pagiging Diyos ni Hesu Kristo ay ang Kanyang ganap na handog: ang Kanyang kamatayan, bilang sapat na kabayaran ng kasalanan ng buong sanlibutan (1 Juan 2:2). Tanging Diyos lamang ang nagtataglay ng kakayahan at katuwiran upang mahango ang tao sa walang hanggang kaparusahan. Tanging Diyos lamang ang may kakayahang akuin ang kasalanan ng sanlibutan (2 Corinto 5:21), sa pamamagitan ng kamatayan at pagkabuhay na mag-uli ni Hesu Kristo, bilang katibayan ng Kanyang tagumpay laban sa kasalanan at kamatayan.
 
Hindi lamang inangkin ni Hesus ang Kanyang pagka-Diyos. Kinilala rin naman ng Kanyang mga alagad ang Kanyang pagka-Diyos. Sinabi nilang si Hesus ay may karapatang magpatawad ng kasalanan, isang bagay na tanging ang Diyos lang ang makagagawa, ito'y dahil ang Diyos rin naman ang nasasaktan kung nakakagawa tayo ng kasalanan (Mga Gawa 5:31; Colosas 3:13; Awit 130:4; Jeremias 31: 34). Si Hesus rin ang siyang hahatol sa mga nabubuhay at mga namatay na (2 Timoteo 4:1). Sinabi ni Tomas kay Hesus, “Aking Panginoon at aking Diyos!” (Juan 20: 28). Tinawag din Pablo si Hesus na “Dakilang Diyos at Tagapagligtas” (Tito 2:13), at binigyang-diin na bago pa man isinilang si Hesus sa mundo Siya ay nabubuhay na Siya bilang Diyos (Filipos 2:5-8). Ito ang sinabi ng manunulat ng aklat ng Hebreo tungkol kay Hesus: “Ang Iyong kaharian, O Diyos, ay mananatili magpakailan pa man” (Hebreo 1:8). Sinabi rin ni Juan “Sa pasimula pa'y naroon na ang Salita. Kasama ng Diyos ang Salita at ang Salita ay Diyos” (Juan 1: 1).

Marami pang mga halimbawa sa Bibliya na nagpapatunay sa pagka-Diyos ni Kristo (Tingnan ang aklat ng Pahayag 1: 17; 2: 8; 22: 13; 1 Corinto 10: 4; 1 Pedro 2: 6-8; Awit 18: 2; 95: 1; 1 Pedro 5: 4; Hebreo 13: 20), at kahit alin man sa mga ito ay sapat na upang ipakitang si Hesus ay itinuturing na Diyos ng Kanyang mga alagad.

Binigyan rin si Hesus ng titulo na para lamang kay Yahweh (pormal na pangalan ng Diyos) sa Lumang Tipan. Ang titulo sa Lumang Tipan para kay Yahweh na “Ang Manunubos” (Awit 130: 7; Hosea 13: 14) ay ginamit din para kay Hesus sa Bagong Tipan (Titus 2:13; Pahayag 5:9). Tinawag din si Hesus na Immanuel (“Ang Diyos ay nasa atin” sa Mateo 1). Sa Aklat ng Zacarias 12:10, si Yahweh ang nagsabing, “Titingnan nila Ako, ang kanilang sinibat at sinaksak.” Subalit sa Bagong Tipan tumutukoy ito sa pagpako kay Hesus sa krus (Juan 19: 37; Pahayag 1:7). Kung ang Diyos ang nagsabi na Siya ay sinibat at sinaksak at tiningnan at si Hesus ay sinibat at sinaksak at tiningnan, samakatuwid si Hesus ay Diyos. Ipinaliwanag ni Pablo ang aklat ng Isaias 45:22-23 na tumutukoy kay Hesus sa Filipos 2:10-11. Gayon din naman, ang pangalan ni Hesus ay ginagamit kasabay ng pangalan ng Diyos sa mga panalangin, “biyaya at kapayapaan ang sumasainyo mula sa ating Diyos at Panginoong Hesu Kristo” (Galacia 1:3; Efeso 1:2). Ito ay maituturing na pamumusong sa Diyos kung si Hesus ay hindi totoong Diyos.

Ang pangalan ni Hesus ay binibigkas rin kasabay ng pangalan ng Diyos Ama noong ipag-utos ni Hesus ang pagbabautismo “Sa pangalan (isahan) ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo” (Mateo 28: 19). Tingnan din ang 2 Corinto 13:14. Sa aklat ng Pahayag sinabi ni Juan na ang lahat ng mga nilalang ay magpupuri kay Kristo (Ang Kordero). Kung gayon si Hesus ay hindi isa sa mga nilalang sa halip Siya ang lumalang (5:13).

Ang mga himala na tanging ang Diyos lamang ang makakagawa ay nagawa rin ni Hesus. Hindi lamang bumuhay si Hesus ng patay (Juan 5:21; 11:38-44), at pinatawad ang mga kasalanan (Mga Gawa 5:31; 13: 38). Ginawa rin Niya at patuloy na iniingatan ang buong sangnilikha (Juan 1:2; Colosas 1: 16-17)! Ang katototohanang ito ay mas lalo pang magpapatibay ng pagka-Diyos ni Kristo kung pinaniniwalaan natin ang sinabi ni Yahweh na nag-iisa lamang Siya noong panahon ng paglalang (Isaias 44:24). Ang ibig sabihin ang Diyos Ama at si Hesus ay Diyos. Si Hesus ay mayroon ding mga katangian na tanging ang Diyos lamang ang nagtataglay: Siya ay walang hanggan (Juan 8:58), Siya ay nasa lahat ng lugar sa lahat ng panahon (Mateo 18:20, 28:20), alam Niya ang lahat ng mga bagay (Mateo 16:21), at makapangyarihan Siya sa lahat (Juan 11: 38-44).

Pinatunayan ni Hesus ang Kanyang pagka Diyos sa pamamagitan ng mga himalang Kanyang ginawa maging ng Kanyang pagkabuhay mula sa mga patay. Ang ilan sa mga himalang ginawa ni Hesus ay: ginawang alak ang tubig (Juan 2:7), lumakad sa ibabaw ng tubig (Mateo 14:25), nagparami ng mga bagay na pisikal (Juan 6:11), nagpagaling sa bulag (Juan 9:7), sa pilay (Marcos 2:3), at sa mga maysakit (Mateo 9:35; Marcos 1: 40-42), at maging ang pagbuhay sa mga tao mula sa kamatayan (Juan 11:43-44; Lucas 7: 11-15; Marcos 5: 35). Higit pa rito, Si Hesus mismo ay nabuhay mula sa kamatayan. Kung ikukumpara ang pagkabuhay ni Kristo sa mga diumano ay namatay at nabuhay na mag-uling mga diyus-diyosan ng mga pagano, hindi ito maihahambing sa pagkabuhay ni Kristo na pinatunayan ng napakaraming mga saksi at ng Biblia. Ayon pa kay Dr. Gary Habermas, may labindalawang katotohanan sa kasaysayan na tinatanggap kahit ang mga hindi Kristiyanong iskolar.

1. Namatay si Hesus sa pamamagitan ng pagpako sa krus.
2. Siya’y inilibing.
3. Ang Kanyang kamatayan ay naging daan upang mawalan ng pag-asa at malungkot ang Kanyang mga alagad.
4. Natuklasan ang libingan ni Hesus na walang laman ilang araw matapos Siyang ilibing.
5. Nasaksihan ng mga alagad ang pagpapakita ng nabuhay na Hesus.
6. Matapos ito, naging matatag ang pananampalataya ng Kanyang mga alagad mula sa pagaalinlangan.
7. Ang mensaheng ito ay inihayag sa unang grupo ng mananampalataya.
8. Ang mensaheng ito ay inihayag sa Jerusalem.
9. Dahil sa mensaheng ito, ang Iglesya ay natatag at dumami ang bilang ng mga mananampalataya.
10. Ang araw ng pagkabuhay ni Kristo, (araw ng Linggo) ay ipinalit sa araw ng pamamahinga (Sabado) bilang araw ng pagsamba.
11. Nagbalik-loob si Santiago nang makita niya ang nabuhay na mag-uling Hesus.
12. Si Pablo na kaaway ng Kristiyanismo, ay nagbalik-loob dahil sa pagpapakita sa kanya ng nabuhay na mag-uling Hesus.

Kahit na ayaw ng ilan na maniwala sa mga pangyayaring ito, kakaunti lamang ang kakailanganin para patunayan ang muling pagkabuhay ni Hesus para itatag ang ebanghelyo: ang pagkamatay, paglibing, muling pagkabuhay at ang muling pagbabalik ni Kristo (1 Corinto 15:1-5). Habang may ibang teorya na nagpapaliwanag sa isa o dalawa sa mga katotohanang nakasulat sa itaas, tanging ang muling pagkabuhay lamang ang siyang makakapagpatunay sa kanilang lahat. Inaamin ng mga kritiko na nakita ng mga alagad ang muling nabuhay na si Hesus. Hindi kayang baguhin ng kasinungalingan ang buhay ng mga tao sa paraang ginawa ng muling pagkabuhay. Una, ano ba ang kanilang pakinabang? Hindi noon tanyag ang Kristiyanismo at hindi rin sila nito payayamanin. Pangalawa, ang mga sinungaling ay hindi nagiging mabuting martir. Wala nang mas maganda pang paliwanag sa pagkabuhay na mag-uli ni Hesus kundi ang kahandaan ng mga alagad na mamatay para sa kanilang pananampalataya. Oo, maraming tao ang namatay dahil sa mga kasinungalingang akala nila ay totoo, subalit walang namamatay para sa kanilang nalalaman na alam nilang isa lamang kasinungalingan.

Sa huli, Inangkin ni Hesus na Siya at ang Diyos Ama ay iisa. Siya ay totoong Diyos at ang Kanyang mga tagasunod ay naniniwala sa Kanya at tinawag Siyang Diyos. Pinatunayan ni Hesus ang Kanyang pagka-Diyos sa pamamagitan ng Kanyang mga ginawang himala at ng Kanyang muling pagkabuhay. Walang anumang pangangatwiran ang makakapagpabulaan sa mga katotohanang ito.
 
at pang last na tanong mo

Sa ganitong paraan ninyo malalaman kung ang espiritung sumasakanila ay mula sa Dios: kung kinikilala nila na si Jesu-Cristoʼy naging tao, ang Dios mismo ang nagsugo sa kanila. Ngunit ang hindi kumikilala na si Jesus ay naging tao ay hindi isinugo ng Dios kundi ng espiritu ng anti-Cristo. Narinig ninyo na darating na ang anti-Cristo, at naririto na nga sa mundo.
1 Juan 4:2‭-‬3 ASND

Take Note Naging tao.. Means Siya ay Diyos at naging tao
 
Jesus is God. Nasa prophecies yan sa Old Testament that God will come in the flesh. (Sorry diko mai-enumerate. Igoogle mo paps)

Also, interesting bit: yung nasa cross niya na acronym, yung INRI in Latin, there is reason to deduce na יהוה or YHWH or pronounced as Yahweh yung initials, which is name of God (as revealed by God to Moses in the bushes, Exodus). Nabasa ko sa isang libro argument ng isang scholar about this, since wala naman explicit na sinabi sa bible, although sabi sa John 19:19 nakalagay sa 3 languages yung sign, Greek, Hebrew at Latin. Greek kasi basihan ng new testament english natin.

Trivia:
Sa panahon ni Jesus, yung mga Romano doon na gumagamit ng crucificion para parusahan ang mga criminal ay naglalagay ng sign sa taas ng cross kung ano ang krimen. Si Jesus ang crimen niya ay "Jesus of Nazareth, King of the Jews", abbreviated as INRI, YHWH (Yahweh)

P.S.
Naiingit ako sa Hebrews or marunong ng Hebrews. Dami kasi symbolisms sa bible na naturally di natin mapapansin kasi di tayo native speaker. Hebrew alphabet is not only a letter but also a symbol (like a heiroglyphic of sort).
 
Last edited:
nung hindi pa siya nagkatawang tao pure dios siya, nang isinilang na siya nandiyan ang kanyang pagka-dios na meron nang katawang tao. nung nag-resurrect meron na siyang pure dios at pure glorified na katawang tao.
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top