Eto na pala yung mga nag-t-trend dito, yung mga reklamador na leechers na di makaintindi ng simple rules. Mag-po-post ng paulit-ulit na sama ng loob dahil di makakita ng mga naka "Spoiler" na threads. Di naman sa pagiging madamot yun, kino-conserve lang po ng naka-discover ang kanyang trick/s,bug/s,discovery/ies, etc. Para hindi agad kumalat at mawala. Sobrang dami na kase ng mga kagaya mo dito TS na puro spoonfeed ang alam at mga "Fame Whore" sa Facebook, na magnanakaw ng content dito at ikakalat sa social media. Kaya meron tayong "Spoiler" upang maiwasan kahit papaano ang pagkalat at pagkatay sa mga bagong discoveries ng mga members dito. Ika nga nila, matuto ka munang rumespeto sa sarili mo bago ka respetuhin ng iba, kung nagtataka kung bakit sinabi kong unahin mo sarili mo ay dahil sa pag-post mo ng thread na 'to. Bakit? Kase nga bukod sa pinagmukha mong ***** ang sarili mo ay nagkalat kapa ng cancer cells sa ibang mga leechers na gumaya sa mga pino-post niyo about sa mga complaints regarding to these issues. So kung may respeto ka sa sarili mo, hindi ka mag-po-post ng ganitong walang naitutulong na thread sa forum. Wala namang ni isa sa atin ang nakinabang, bagkus mas marami pa ang gagaya sayo na walang common sense na magpapatuloy ng mga cancer threads/post na walang content kung di mag-drama at mag-demand. Matuto po tayong mag-tiyaga, mag-observe, at magkaroon ng common sense.