What's new

Closed Anong nangyari sa ating dalawa?

Status
Not open for further replies.

yzelglen

Forum Veteran
Joined
Jan 9, 2016
Posts
1,646
Reaction
2,367
Points
631
Dati ang nakasabit sa akin ay camera,
Ngayon naman ay bata.
Dati dalawa lang tayong magkahawak ang kamay,
Ngayon tatlo na.
Dati sabay tayong kumakain,
Ngayon dapat ay may mauna at may mahuli.
Dati mag-isa ko lang,
Dati tayong dalawa lang,
Ngayon tatlo na tayo,
Ngunit nabawasan ng isa,
At naiwan nalang kaming dalawa.
 
Tapos 700 lang sustento sarap sapakin.
Ngayon nga walang binigay eh. sarap bigyan ng subpoena. kaso naaawa din ako sa kanya. alam kong walang wala naman talaga sila at di din sila sinusuportahan ng tatay niya kaya iniintindi ko nalang. pero every 15 days kinukulit ko para makita kung magbibigay ba siya or not. kaya ko pa naman gastos para sa anak ko. nandito naman kami sa puder ng parents ko kaya no hassle sa gastos sa bahay. ayaw ko lang talaga na pati anak ko gastusan nila mama kaya ako nagtatrabaho para sa anak ko. kaso umaabot lang ng 1.2k sweldo ko depende kung may collection nanaman pinsan ko sa online niya at pagbabantayin niya ako ng shop.
 
Hahaha. saka lang ako nakakagawa ng ganyan noon nung talagang depress na ako lalo na kapapanganak ko lang niyan noon. pero hinahanap ko pa ibang poem ko nung HS ako.
pabasa ng mga gawa mo. mahilig ka pala mag-sulat. ako ang dami kong naiisip na isulat pero hindi ko maisulat. minsan dinadaan ko na lang sa status/caption sa mga photography shiz ko. lol
 
pabasa ng mga gawa mo. mahilig ka pala mag-sulat. ako ang dami kong naiisip na isulat pero hindi ko maisulat. minsan dinadaan ko na lang sa status/caption sa mga photography shiz ko. lol
Ewan ko na kung asan yung iba. siguro ipopost ko nalang dito kung nahanap ko. minsan ganun din ginagawa ko. sa photography ko nilalagay as caption. namimiss ko na nga laruin camera ko eh.
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top